CHAPTER 40

1K 64 10
                                    

TAEHYUNG'S POV

Hi Everyone, I'm Kim Taehyung. Hindi ko First time na mag POV dito, dahil ako yung UNKNOWN na sa mga naunang Chapter.

Kinabukasan.

Masaya akong bumangon sa aking napaka lambot na kama dahil makikita ko nanaman yung Prinsisa ko at excited na akong makasama ulit siya.

Yung saya ko kagabi ay walang paglalagyan, I got the approval of courting Jennie mismo sa mga magulang niya tsaka sakanya din Mismo, Ako na ata ang pinaka masuwerteng lalaki sa Buong mundo.

Yung pinapangarap kong babae noon ay ngayon nililigawan ko na and I will do my best to finally own her heart. I will.

Agad na akong pumunta sa Bathroom at dali daling naligo, hindi parin mawala yung ngiti ko, may pakanta kanta pa akong nalalaman hanggang sa matapos na ako.

Mabilis din akong nag-ayos ng sarili tsaka na lumabas papunta sa Dining table at luckily nakahanda na yung breakfast ko.

"Good morning sir!" Bati saakin ng yaya ko at nginitian ko naman siya ng napaka lawak.

"Good morning din!"

"Mukhang maganda ang umaga natin sir ahh" panunukso ng yaya ko nang ikuha na niya ako ng plato.

"Of course! I got my dreams, I mean makukuha ko palang, malapit na..." Masaya kong sabi.

"Wow! Sino ba naman po ang hindi makukuha ang dreams eh napaka hardworking niyo sir, gagawin ang lahat para makuha yung gusto" aniya at napangiti nalang ako dahil kilalang kilala niya pala ako.

Yes! She's my trusted Maid since highschool ako, sa una ayokong magka maid kaso nung kinain ako ng katamaran dahil sa pagbusted saakin ni Jennie noon ay kumuha na ako para may mag asikaso saakin, Siya yung nag aasikaso saakin noong mga panahong nilagmok ako ng katamaran. Simula din nun, parang ayoko nang mabuhay sa mundo kaya buti nalang ay nagka isip isip ako, bumangon ako tsaka nag aral ng mabuti. Nakuha ko yung positiong Vice C.E.O ng YANG-TAE Company.

"Yeah! That's my goal yaya, Iba na ang Taehyung ngayon na kaharap mo kesa sa Taehyung na nakilala mo noon" Sabi ko sakanya sabay ngiti

"Sana ay makuha mo pa ang iyong inaasam na makuha Sir Taehyung, Sana ay makuha mo na walang tinatapakan na tao" nawala yung ngiti ko sa sinabing iyon ni Yaya, napatingin ako sa aking pagkain na tila nawalan ako ng ganang kumin. "But I know you can't do anything that will put you in danger, that will affect for reaching your dreams, You're too kind to do bad things Sir" dagdag niya pa at nginitian ko nalang siya nang pilit pero hindi man lang gumaan yung pakiramdam ko.

"Thank You" ani ko sakanya tsaka ako sumubo ng pagkain at agad ring tumayo. "I need to go now yaya, ikaw na bahala ulit dito sa bahay" Bilin ko sakanya at kinuha ko na yung bag ko sa Upuan

"Pero, Hindi niyo pa natapos yung pagkain niyo" pahabol niya

"Thank you sa breakfast yaya, but i need to go now. Siguro doon nalang ako kakain pag nakaramdaman ako ng gutom" ani ko sakanya tsaka naglakad na ako papalabas ng pinto.

"Mag-iingat po kayo Sir" habilin ni Yaya tsaka ako lumingon sakanya at binigyan ng ngiti at nag wave pa sakanya.

Alam kong Yaya lang siya, pero hindi siya basta basta yaya lang, She's smart. Nakapagtapos siya ng Educ. Major in English, kaya siya naging Yaya ko dahil need talaga niya ng trabaho dahil may sakit ang kanyang tatay at hindi sapat ang kinikita niya sa pagtuturo. And For me, Hindi lang siya yaya, Teacher ko din siya, Tinuturuan niya ako maging Fluent magsalita ng English para din yun sa business. That's why I can't be mad at her. Pag may nasabi siyang hindi ko gusto ay umaalis nalang ako Just like kanina. Para ko din siyang kapatid kung ituring.

Finally, I FOUND YOU (Jenlisa)Where stories live. Discover now