CHAPTER 36

1.3K 109 69
                                    

LISA'S POV

KASALUKUYAN akong nagseserve nang Orders ng mga Customers sa Weibo. Lumiit na ang mga tao, nagdidilim na din kasi kaya umuwi na ang karamihan. I'm so tired. Wala kaming pahinga simula pa nung umaga, Hindi ko man lang din nagawang tawagan sina Nanay na hindi ako makakabalik doon sa Boracay.

Kaya ngayong may time na ako, Gusto kong i-update sila na baka mga mamaya pa ako makauwi, kaya sasabihin ko sakanila na umuwi na sila at wag na nila akong hintayin sa Boracay.

Meron akong nararamdaman na kakaiba, na parang kinabahan na ewan, hindi ako mapakali, gusto ko nang tumawag sakanila.

Nang mai-serve ko na yung orders ay agad na akong pumunta sa Rest room at kinuha yung Phone tsaka ko dinial ang number ni Ate Rosé and Luckily she answered.

"Hello Ate? Nandyan paba kayo sa Bora?" Tanong ko.

"Lisa, Wala na kami sa Boracay, Naiuwi na din namin sina Nanay sa bahay kasama ang mga kaibigan ni Jennie" She said and parang nakaramdam na ako ng Kaba.

"Mga kaibigan ni Jennie? Bakit? Nasaan pala kayo ngayon?" I said wearing my Confused Voice and look.

"Lisa, Nasa Park kami ngayon, nag-iisip kung paano namin mahahanap si Jennie, Lisa, We need you here, ikaw ang may alam sa mga liblib na lugar dito, so Please! Come here now!" She said and bumigat bigla ang bawat pagtibok ng puso ko.

"W-why? A-anong nangyari kay Jennie?" Kabado kong sabi. Ugh! Ang sakit ng dibdib ko pag ganito ang nangyayari. Bumibigat bawat pintig ng puso ko kapag kinakabahan ako.

"Wag nang maraming tanong Lisa, Pumunta kana dito at tsaka na namin ikukwento lahat sayo" Sigaw niya at hindi na ako nagsalita pa at tumakbo na ako palabas ng Rest Room.

Agad kong kinuha yung bag ko at hindi ko na pinansin ang pagtataka ng mga co-workers ko.

"Lisa? Where are you going...." Tanong ni Boss at hinihingal akong hinarap siya.

"I need to go na po boss." Naiiyak kong sabi.

"Pero Lis---" Hindi ko na pinakinggan pa ang sasabihin ni Boss dahil alam kong hindi niya ako papayagan. Tumakbo na ako palabas ng Weibo at buti nalang may nakita na akong Jeep kaya agad akong sumakay.

"Pakibilisan po" Ani ko sa driver, dahil hindi parin tumitigil yung kaba ko.

Sa bahay muna ako pupunta dahil kukunin ko doon yung Motor ko, para mabilis akong makarating sa park.

Maya maya'y nakarating na ako sa Kanto namin at mabilis akong bumaba ng Jeep tsaka tumakbo patungong bahay.

"Lisa Anak!" Ani ni Nanay nang makarating na ako sa bahay. Agad ko silang niyakap.

"Nay, tay, Okey lang po ba kayo ah?" Pag-alala kong tanong sakanila at tumango tango pa naman sila.

"Okey lang kami Anak, Wag mo na kaming alalahanin" ani ni Tatay.

"Anak! Kailangan ka ni Jennie ngayon, Hanapin mo na siyaaa" Naiiyak na sabi ni Nanay at ako naman ay mas lalong bumibigat ang bawat paghinga at mabilis ng pagtibok nito dahil sa halo halong emosyon ang nararamdaman.

"Lisa, please! Save Jennie" Pagmamakaawa ng kaibigan niya at pilit akong ngumiti sakanila. Mas lalo akong kinakabahan sa sinasabi nila.

Sana walang mangyaring masama kay Jennie kundi lagot talaga saakin kung sino man ang may kagagawan nito.

Finally, I FOUND YOU (Jenlisa)Where stories live. Discover now