CHAPTER 13

753 38 3
                                    

JENNIE'S POV

Pagkatapos nang Lunch namin ay agad naman kami tinipon ni Direc. Choi dahil may important Announcement siya.

"Tinipon ko kayong lahat dito para sabihin sainyo na ang Setting ng Movie natin ay sa Batanggas at pwedeng may scene din doon na magaganap sa ibang lugar, We're going to start our first scene On Thursday at Batanggas" Nagulat naman kami sa aming narinig na may halong excitement.

"Talaga ho direc? Sino sino po makakasama sa scene na yon?" Tanong ng isang Cast sa Movie na bakas sa mukha niya ang saya.

"I think lahat kayo, dahil may magaganap na Photoshoot din doon for our Film cover, Don't worry 2weeks lang tayo doon at pagkatapos ay sa ibang lugar nanaman tayo pupunta" Lahat naman ng Cast ay nakangiti pati din ako. Maganda ang Batanggas nakikita ko ito sa mga magazines and napapanood sa TV pero never ako nakapunta doon.

"So Pwede na kayong umuwi nang maaga para mai-prepared niyo yung mga dadalhin niyo doon, Mga importanting bagay lang ang pwede ninyong dalhin, Okey?" Sabi pa ni Direc. "Yung mga walang sasakyan at sa meron ay dito tayo magkikitakita sa labas ng companya got it?" Dagdag pa niya.

"YES DIREC!" Sabay sabay naming sabi at isa isa naman kaming nagsi-alisan.

Kinuha ko muna yung Pouch ko  at dinala naman ng P.A ko yung mga gamit tsaka kami naglakad palabas ng Company.

"Jennie!!" boses ni Nancy ang narinig ko habang naglalakad kami palabas. Nilingon ko naman siya.

"Oh Nancy?" Nakangiti kong tugon. Lumingon naman ako sa P.A ko at sinenyasan na mauna na siya sa kotse.

"Oh! Wait!" Biglang pagpigil niya kay Jane, P.A ko at nag stop naman siya at nahihiyang lumingon kay Nancy.

"Ah, She's Jane my Personal Assistant" Pagpapakilala ko kay Jane kay Nancy.

"Oh! Hi, I guess you already know me right?" Tanong ni Nancy sakanya.

"Y-yes po, Nancy po diba? Idol na Idol ko po kayo eh" Nahihiya niyang sabi habang nakayuko.

"Oh! Thank you" Nakangiting sabi ni Nancy habang diritsong Nakatingin sakanya, ako naman ay papalit palit ako sakanila ng tingin.

"Sige po Ms. Nancy, Mauna na po ako sainyo" Nahihiyang paalam niya at lumaki naman yung mata ko ng lumapit sakanya si Nancy.

"Oh" May isang bracelet na ibinigay niya "Remembrance ko yan for you, Thank you for idolizing me" Nakangiti niyang sabi sabay tapik sa balikat ni Jane at pulang pula naman ang pisngi nitong Jane. Naku!

Ang swerte naman nitong P.A ko nabigyan ng remembrance samantalang ako na idol na idol ko since bata ako wala akong natanggap na bagay galing sakanya.

"Thank you po Ms. Nancy" Masaya niyang sabi "sige po, Mauna na po ako sainyo" Paalam niya at tumango lang si Nancy tsaka dahan dahan naglakad si Jane palabas ng Company. Naiwan naman kami ni Nancy na nakatingin kay Jane.

"She's lucky you know?" Biglang sambit ko at napatingin naman siya saakin.

"Why?" Natatawa niyang sabi.

"Because She received a gift from you, Samantalang ako na Childhood fan mo? ni katiting na bagay galing sayo eh wala akong natanggap" Natatawa kong parinig sakanya at natawa naman siya. Ang kapal talaga ng face ko para masabi yun. Ays! Shameless.

Finally, I FOUND YOU (Jenlisa)Where stories live. Discover now