9. First Date

60.1K 1.9K 600
                                    

CHAPTER NINE

I pouted. I kept on pouting.

Ilang araw na akong naghihintay sa message ni Zak, wala namang dumadating. Napakamot ako sa ulo, paano ba naman kasi dadating? Hindi ko naman binigay iyong number ko sa kanya. Kainis. Ano iyon bigla - bigla na lang magpo-pop sa phone niya ang number ko? Ang stupid!

Iniisip pa rin ni Papa na nakipagtanan ako, mas lalong humaba ang nguso ko. May nakikipagtanan bang bumabalik ng bahay? Hmp. Sa kanila talaga ako nagmana.

I wore my favorite over-sized shirt and long flowery skirt. It was nice to be back having all my possessions again. May suot na akong panty. Hehe.

Bahagya lang akong nanghihinayang sa mga gamit kong naiwala sa yacht lalo na iyong lion emblem. That was my lucky charm. Pero tapos na, hindi ko na rin naman mababawi ang mg brushes at paints ko, ngumawa man ako.

Sinuklay ko ang itim kong buhok, my tanned skin was visible in my reflection. Halatang - halata kung saan ako galing. Sa isang mala-paraisong isla. Bumaba ako ng hagdan para saluhan sina Manang sa pagkain. Isa rin iyon sa na-miss ko habang wala sa city. Pero mas miss ko siya.

Hectic ang schedule ko para ngayong araw, I was planning to visit Aramis and check on her. Gusto kong tumulong sa nalalapit niyang kasal. I want to paint my best friend in her wedding dress, that would be so cool and she will be the most beautiful bride. Siyempre, si Reign ang number one ko, kaso mukhang hindi naman siya mag-aasawa.

"Manang, I... I'll be out t-today." banggit ko habang nag-aagahan.

In my disappointment, Manang shook her head. "Sabi ng Papa mo, hindi ka raw pwedeng lumabas ng walang kasama."

My eyes widened. "P-pero..." I pouted. "P-pero..."

Muli siyang umiling. "Hindi gagana sa akin iyan hangga't hindi ka umaamin kung saan ka galing na bata ka. Alalang - alala kami. Kulang na lang magkaroon ng search and rescu—"

"What is she? A child, Manang? Pati ba naman ngayon nag-iimpose ng child-like rules si Daddy?" a familiar voice broke the small talk. Rinig ko ang tunog ng heels papalapit sa kinaroroonan namin.

"R-reign!" bahagyang nag-ulap ang mata ko. I wanted to hug her, but I was sure she woulnd't like that. Not anything that concerns me.

Tinaasan niya ako ng kilay, bago humalik sa pisngi ni Manang. Nawala sa akin ang kanilang atensyon ng mag-usap silang dalawa. Ipinagpatuloy ko ang pagkain.


Good thing, hindi na ako gigisahin ni Manang sa mga tanong niya. Ang totoo, hindi ko kayang ipaliwanag sa kanila nang maayos ang nangyari sa isla o kahit sa yacht. Paano ko ba iyon sasabihin? I was stupid enough to be on the wrong yacht. Hmp!

Kagaya ng sinabi ni Manang, I stayed in the mansion for awhile. Pinapanood ko si Zahara at Momo habang naglalaro, I was painting a bit for my leisure.

Ang dami ko pa lang na-miss sa city! Isa na ang paghawak ng old brushes ko. Masaya akong bumalik ako sa dating buhay. Pero nami-miss ko talaga si Zak, hindi naman nagpaparamdam ang huli.

Baka sinabi niya lang na girlfriend pa rin niya ako habang nasa siyudad, pero para lang hindi na ako malungkot ng time na iyon. It was just to appease me.

"Oh my God! What the fuck is this shit? Oh, a bunny!" I heard my sister's voice. Agad akong naalarma, well, Zahara was nowhere to be found. At mukhang isinama pa nito si Momo sa paglalayas.

"Z-zahara! R-reign!"

Iniwan ko ang ginagawang painting. Hinanap ko ang baby ko, I found them on the backyard. Sa mango tree ng kapatid ko. Zahara was on Reign's lap.

Maingat akong lumapit sa puno ng mangga. One of my sister's rules is not to come near the tree. It's her place and I understand why. Minsan nga lang, pasaway ako. Kaya mas lalo siyang nagagalit sa akin.

"Z-zahara..."

Reign looked up at me. Pinagtaasan niya ako ng kilay. "Is this yours?"

I nodded cautiously.

Hinaplos niya ang alaga ko nang marahan. She smirked. "Manang, I want to have a bunny dinner for later! And may stupid monkey pa!" malakas niyang sambit. Alam niyang sa akin si Momo.

Nanlaki ang mga mata ko, my mouth formed an o-shape. Bakit ang daming nagbabanta sa baby ko? My tears were already forming on the side.

"H-hindi naman iyan k-kinakain, R-reign..." mangiyak-ngiyak kong sinabi. Lumapit ako para kuhanin si Zahara sa kamay niya. Inilayo niya ito sa akin.

"Who says?" Tumawa ito nang mapang-uyam.

"A-ako."

Ngumisi siya at tumayo sa pagkakaupo sa duyan. Nang magpantay kaming dalawa, iniabot niya sa akin si Zahara. Grabe ang kabang nararamdaman ko.

"T-thank you," I sighed in relief.

Pinitik niya ang noo ko bago ako iwan sa likod - bahay.

"Stupid!"

I just pouted. Nagyuko ako ng ulo hanggang makalampas si Reign. When I was sure, she wasn't around anymore. Sinimot ko naman si Momo sa hindi kalayuan sa duyan. Mukhang doon ito iniwan ni Zahara.

Ipinasok ko silang pareho sa mansyon bago pa man mapag-interesan ng mga kasamahan namin sa bahay.

I don't want Zahara to be locked up in the cage. Pero hindi ko naman ito nababantayan ng minu-minuto. Maybe, I should buy Zahara a crib. Pero baka mas lalong magalit si Papa. Iisipin naman niyang buntis ako. May baby naman ako, hindi nga lang tao.

***

Matapos ang grounded state ko, eventually, hinayaan na rin ako ni Manang na lumabas ng mansyon. Unang binisita ko ang apartment. Base sa ayos nito, mukhang madalas itong binisita ni Aramis. Nagkalat pa ang ilang damit niyang pang-opisina.

Sinubukan ko siyang tawagan sa natatandaan kong numero niya, the phone just rang but she didn't answer. After cleaning the apartment, I decided to go in the Daily Journal to see Aramis. I'm sure, I'll see her there. Doon siya nagta-trabaho, sa Uncle Lucas nito.

Binayaran ko ang taxi at bumaba ng sasakyan. Nagpasalamat ako kay Manong driver. "I-ingat po sa b'yahe," I waved my hand.

"Salamat po, ma'am."

Pinalantiya ko ng aking kamay ang palda kong suot. Bahagya itong nagusot. Huminga ako nang malalim at tinitigan ang matayog na building ng mga Eduardo. Kung gaano iyon kataas, ganoon din ang pagiging matapobre nila.

Naghintay ako sa may lobby, halos lahat ng tao napapatingin sa gawi ko. Mapang-mata sila kung tumingin. May dumi ba ako sa mukha? Pinagkasya ko na lang ang aking sarili sa isang tabi.

Tumuwid ako sa pagkakaupo nang matanaw ko ang pamilyar na pigura. It was Dylan. Aramis's fiancé.

Kasunod ng lalaki ang isang babae. Akala ko si Aramis na iyon pero nagkamali ako, it was Xiana Eduardo. Ang pinsan ni Aramis. It looks like they are having a heated argument. Kitang - kita ko sa kanilang ekspresyon.

Humakbang ako papalapit sa dalawang taong nagtatalo. I bit my lip. Halos pinagtitinginan na sila ng tao sa buong floor.

"It was your damn fault! Pinagbigyan lang kita ng isang beses, because you fucking told me, you will never come near me again!" galit na galit ang boses ni Dylan.

"It takes two to tango, asshole! You have your fair share of mistake the same as mine. 'Wag kang magmalinis!"

Xiana walked out.

Napakamot ako ng ulo. Humigpit ang hawak ko sa string ng dala kong bag.

"D-dylan..."

Nilingon ako ng lalaki. We met before. Several times. Ipinakilala siya sa akin ni Aramis. His eyes expressed recognition as he saw me approaching. Mukhang natauhan ito nang makita ako. "Um, si A-aramis?"

Naging weird ang expression ng kanyang mukha. Bahagya niyang sinabunutan ang buhok.

"I thought she was with you," He whispered. Mukhang nagpatihulog siya sa malalim na pag-iisip bago ako muling hinarap. He has that apologetic look on his face. "Can we talk about this over coffee?"

Nangunot ang noo ko, but I nodded. "O-okay..."

We settled on a café nearby the building. Hindi ko alam kung para saan ang pag-uusapan namin, but it seems something was bothering him. Hindi naman ako busy kaya pinaunlakan ko na rin ang alok nito. Isa pa, I wanted to know the details about their wedding.

"I'll order the coffee. Anong gusto mo?"

My eyes looked up to see the menu. "Just an i-iced coffee, p-please. T-thank you."

He went to the counter to order. Ako naman ang naghanap nang mauupuan naming dalawa ni Dylan. It feels weird talking to him without my best friend. Nang bumalik siya, dala na niya ang order naming dalawa. Dylan gave me my iced coffee and a piece of blueberry cheesecake.

"Kumusta ang k-kasal?" usisa ko. Sumimsim ako ng order kong malamig na kape.

Bumalatay ang malungkot na emosyon sa mukha ng binata. Tumaas ang kilay ko sa naging reaksyon ni Dylan.

"The wedding is off. I messed up, Rainbow." malumanay nitong sagot.

"W-what do you m-mean?" Bahagya akong kinabahan.

"I cheated on her, I am sorry."

Napatakip ako sa bibig ko. How could he cheat on her? Nanginginig ang kalamnan ko sa rebelasyon.

"Si X-xiana ba?" I asked calmly. Iyon ang pinag-uusapan nilang dalawa. Iyon ang pinagtatalunan nila. Wala man akong common sense most of the times, I am not that stupid not to know. May hinala na ako nang makita ko silang nagtatalo kanina.

Dylan nodded. Yumuko ito para takpan ang nahihiyang mukha. May gana pa siyang mahiya? Saan noon siya nahiya, bago niya iyon gawin kay Aramis.

Gusto kong magalit. Gusto kong umiyak. Gusto ko siyang sampalin. Alam kong mas nasaktan si Aramis sa nangyari. Ang kapal ng mukha nilang dalawa! Ang kapal ng mukha niyang pakiharapan ako matapos ang ginawa niya sa kaibigan ko.

But I wouldn't stoop to their level by trying to hurt them. Kahit gusto kong manakit ng tao, hindi ko gagawin sa kanila. Tumayo ako, sinukbit ko ang dala kong bag.

Natatarantang sumunod sa pagtayo ko ang binata. "Listen, Rainbow. There's something you need to know—"

I looked at him with contempt in my eyes. "Why would I listen to you? You are a cheater! Your explanation doesn't deserve to be heard. Hindi deserve ni Aramis ang panloloko mo, kaya bakit kita pakikinggan? You are not deserving of any kindness." marahan at mahinahon kong sinabi.

Iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko, mas nangibabaw ang galit para sa lalaki. Mabuti na lang, hindi ako nabulol habang sinasabi ang litanya ko sa lalaki.

"I know. But I couldn't find her, Rainbow. Parang bula siyang naglaho." Bumahid ang pag-alala sa mukha ni Dylan.

Tiningnan ko siya. Matagal at halata ang bahid ng galit.

"Kung ako man, nanaisin ko ring makalayo sa'yo." I said one last time before I left the café.

Nang makalabas ako, doon nanghina ang tuhod ko. Naiiyak ako para kay Aramis. I felt bad not being with her when she needed me the most. I couldn't help but tear up. Naupo ako sa may sidewalk at pasimpleng umiyak.

Kryptonited ✔ (Alpha Sigma Omicron #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon