4. Sugar Daddy

70.1K 2.3K 1.4K
                                    

CHAPTER FOUR

Dedicated to @AryGail

It has been a fascination every time I go out of the yacht and I see the blue waves of water kissing the rays. Sa bawat paggising ko sa umaga, ang mala-asul na tubig dagat ang bumubungad mula sa kwartong inookupa ko sumasalamin sa bughaw ma kalangitan. If that is not a perfect way of greeting, I don't know what is.

And when the night comes, pinapanood ko ang paglubog ng araw. Kung paanong nagbabago ang kulay, it was just perfect and surreal at the same time. I remember Aramis, she liked the sunset most. It brings hope that endings can be beautiful, too. I believed it.

Ang bilis ng paglipas ng araw. Surprisingly, hindi naman ako naiinip sa yate kahit madalas akong awayin noong batang makulit. Ginawang misyon sa buhay ng bulilit na iyon na lagi akong paiyakin. Hmp. Hindi ko naman siya inaano. Pagala - gala lang siya sa kabuuan ng yate. Sometimes, he wants us to play.

The view helped me progressed with my paintings. Wiling - wili ako sa tanawin kahit nasa gitna kami ng karagatan at hindi ko alam kung saan mismo naglalayag ang yate. Kasama yata sa magandang tanawin si Mr. Petrovich pati iyong abs niya kahit iniiwasan ko siyang makita na imposibleng mangyari.

Nag-iinit na naman ang pisngi ko nang maalala kong nakita niya akong nakatanaw sa abs niya noong isang araw. I was just amazed how it looked like being made by a sculptor. I wanted to paint him. Again.

I just finished my morning routine when I heard aggressive knocks on my room's door. Tinungo ko ang pintuan, binuksan ko ito. Bumungad sa akin si Voight na nakasimangot ang mukha.

"W-why did you lock the door again?!" singhal nito sa akin. Hinigit ni Voight ang kamay ko para hawakan. "B-breakfast is r-ready. The lion summons you! The lion wants to eat you..."

"Ha?"

Eat me? Ang gore naman noon! Maybe, the kid meant to eat with them. Umiling ako at nilakihan ko ang bukas ng pinto. I didn't lock the door as Voight claimed. Not even once since I stayed here. He kept on asking me about that every morning.

Na-adapt ko ang ugaling iyon hanggang paglaki. Noong bata ako, madalas akong magising sa gabi. I would cry a lot, I know, my mother used to come to my room. Isa lang iyon sa natatandaan kong alaala sa kanya. Nang mapunta ako sa mga Sy, si Manang ang pumupunta sa kwarto ko para muli akong patulugin. Hinahayaan kong bukas ang pinto ng aking kwarto para makapasok si Manang.

Nagkibit - balikat ako. Sumabay ako sa paglalakad niya papunta sa dining room. May konting nerbiyos akong nakapa sa dibdib. His presence was intimidating and it was making me feel awkward. Lalo na kapag tumititig siya kabuuan ko. There was something in his stares that make my knees weak. Maybe, his green eyes were doing the tricks.

Nadatnan namin sa hapagkainan ang leon na tinutukoy ng kasama kong bata. He was sitting on the chair in the middle of the long table. Binitiwan ako ni Voight at tumakbo papalapit sa ama nito.

The guy with a piercing in his ear. He was aloof like everyone else in the yacht and has an intimidating presence. Para silang mga babaeng may menstruation. Ni isang beses hindi ko nakausap ang lalaki. And I'm not planning to talk to them.

They left us alone in the dining room. Pasimple ko silang sinundan ng tingin hanggang tuluyang makalabas ng area. Muli akong gumawi sa long table. My heart started to race when I realized I was left alone with Mr. Petrovich. I bit my lip. Madalas kong ipahiya ang sarili ko kapag kaharap siya. It's a mystery what stupidity I am going to do next.

His green eyes met mine. Tumagos ang kanyang mata sa aking buong pagkatao. "Do not make the food wait." ma-awtoridad nitong wika. Mas lalong kumabog ang dibdib kong kanina pa dumadagundong sa kaba.

Kryptonited ✔ (Alpha Sigma Omicron #3)Where stories live. Discover now