3. Sly Price

63.2K 2.5K 1.8K
                                    

CHAPTER THREE

My stomach made a gurgling sound for the fifth time. Evident na iyong gutom ko ng ilang oras. Hindi pa ako kumakain ng breakfast simula kanina sa pagmamadali kong makarating ng pier. Ni hindi ako nakabili ng kahit anong snacks. No food, nothing.

I just pouted. Wala naman akong ibang magawa kung hindi tiisin ang gutom. Ito yata ang ikamamatay ko. Ang baby monsters ko sa tiyan, gutom na rin. Huminga ako nang malalim.

If there is going to be the most malas in the Guinness world records, siguro ako iyong top one. Tama nga siguro si Reign. Maybe, not. Baka kasali lang sa top ten or top one-hundred.

Ako iyong may kasalanan. Ako rin ang nagdala sa sarili ko sa kapahamakan. Kung tao ang kapahamakan, hindi naman niya ako pinilit, kusa pa nga akong sumama sa kanya.

Mas lalong tumulis ang nguso ko. Every random and nonsense things come in my mind. Ganoon yata kapag gutom at nag-iisa. I secluded myself from the rest of them --- ng mga hindi ko kilalang tao.

All I could remember vividly is that green intimidating orbs. I wonder, why do we have to meet in extraordinary and shameful ways? Lagi kong napapahiya ang sarili ko kapag kaharap siya.

Hindi ko kilala iyong mayroong berdeng mga mata. Hindi ko kilala ang mga tao sa yate o kung ilan silang kasama ko. They were basically strangers to me.

Hindi naman ako natatakot sa kanila, I taught myself not to judge anyone especially someone or people I didn't know the depth, even people I knew, ayoko lang magpakalat - kalat sa yate kaya kinuha ko na ang oportunidad nang mabuksan ko ang kwartong mukhang storage room. Para akong nasa room ni Harry Potter.

It wasn't big. But it was enough to accommodate me. Kasama ang mga gamit ko at isang uncomfortable couch na mukhang hindi pa nagagamit. Wala akong ideya kung anong silbi ng kwarto. It was just dusty all over the place.

Almost immediately, I heard a knock on the door. Once. When I had not move, I heard a knock again. It was somewhat impatient. Ramdam ko kahit hindi ko iyon nakikita sa barrier na pinto.

Binuksan ko ang door. Bumungad sa akin ang matangkad na bultong mayroong hawak na tray ng pagkain. Kilala ko ang kabuuan ng binata.

Sinadya kong hindi tumingin sa mga mata niya. May kung anong spell iyong taglay, baka mahulog ako sa patibong.

The green-eyed man was wearing a presko sando ang board shorts. Pinamulahan ako ng mukha nang maaninag ko ang muscles niya. Hindi naman iyon kagaya noong iba na halos pumutok na. Sakto lang. Yet was hard and sturdy. Well, it made him look so manly.

I bit my lip. I diverted my gaze on the food, instead of eyeing him thoroughly. It does not do me any good. Natakam ako sa pagkain kasabay ng pagkulo ng aking tiyan kahit hindi naman pamilyar ng mga pagkaing nakalatag sa tray. I wanted to ask him about the food.

"A-a-are... a-are these food m-mine?"

Nagyuko ako ng ulo. Gusto kong kagatin ang baluktot kong dila. Walang improvement ang pagsasalita ko. Andoon pa rin pautal - utal na bigkas ng salita. Mas lalo yatang lumalala kapag kaharap siya.

Wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Sa halip, may kalakasan niyang itinulak sa akin ang tray. Muntik na akong ma-out of balance sa may kalakasang impact. Hindi magkanda-ugaga ang kamay ko para saluhin ang tray. Wala man lang softness.

"Ang m-mean mo naman." bulong ko. "N-nagtatanong lang naman a-ako."

My head was still bowed to the ground. Alam kong narinig niya iyon. I could tell his intense stare, hindi man ako nakatingin sa kanya. Nase-sense ko iyon.

Kryptonited ✔ (Alpha Sigma Omicron #3)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin