SPECIAL CHAPTER

51.7K 1.8K 580
                                    

SPECIAL CHAPTER

"Do y-you want the pink or the yellow r-ribbon, anak?" I asked my four-year old daughter.

Her green eyes were eyeing her choices carefully. Pinaglaruan niya ang dalawang ribbon na nakalatag sa kama. "Mamushka, I want the pink one po. It matches my dress queen tita gave." She answered with a smile on her lips.

"O-okay. Let's u-use the pink one." Inalalayan ko siya patalikod sa akin. I clipped the pink ribbon on her hair as accessory. Pretty.

Semaira loves dressing up. Idol niya ang kapatid ko sa pananamit. My sister is spoiling her with dresses she made personally for her.

My husband and his father also do the same thing. Ang dami niya ring ninong na tuwang - tuwa sa anak namin ni Zak. Halos hindi na magkasya ang damit ng anak ko sa isang walk-in closet.

Hindi lang si Semaira ang spoiled kay Zak, my husband has given me everything. Mula sa brand new clothes na dumadagdag sa bawat araw. I lost count. Hindi rin ako pamilyar sa halos lahat ng damit ko.

"All done, baby. It l-looks beautiful."

Humarap naman siya sa akin at yumakap. "You're more beautiful po, mamushka." She replied sweetly and kissed the tip of my nose.

Napangiti naman ako. Nanatili siya sa mga bisig ko at nakasubsob sa aking leeg. Hilig niyang sumiksik sa amin ni Zak. Kinarga ko ang anak ko, bumaba kami ni Semaira sa ground floor kung saan nagtitipon ang mga kalaro niya at pinsan.

"Mara!" Seign was the first one who noticed us in the staircase.

Luminga naman ang anak ko upang hanapin ang ate Seign niya. The two is really close with each other. Sila ang unang dalawang babae sa pamilya. Seign was waving at her.

"Ate Seign, I missed you!" Mas lalong naghalo ang excitement sa mata ng anak ko. She looked at me with her cute smile. "Mamushka, baba na po ako. Play po kami."

"Tita, I will borrow Semaira to play with us. Thank you. Love you!" Seign asked nicely.

"Take care of h-her for me, okay?"

Seign just nodded her head.

Tiwala naman ako kay Seign. She has that ate instinct towards the little kids.

Dahan - dahan ko namang ibinaba si Semaira. Agad na naghawak kamay ang dalawa. Kumaway sa akin ang anak ko bago tumakbo sa mga kalaro niya. Hindi naman mawala ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan ang dalawa. It reminded me of my relationship with ate back in the days.

Nilibot ng paningin ko ang malawak na sala. Kids are everywhere. Kahit saang sulok, mayroong makikitang mga batang naglalaro.

Lumapit naman ako kay ate na binabantayan ang dalawang lalaking anak na pinagkakaguluhan ang triplets ni Aramis. The kids are behaved now. May mga panahong sabay - sabay na lang umiiyak ang tatlo. Hindi maintindihan ni Aramis ang gagawin.

I never had the same experience with Semaira. Simula't sapul napakabait niyang bata.

Naupo ako katabi ni ate, humalik ako sa kanyang pisngi. Binuhat ko si Archi sa aking lap. Hindi naman umangal ang pamangkin ko.

"Good m-morning, ate."

"I have something for Semaira." Agad niyang sinabi. "She's so sweet. She greeted me first with a hug and kiss before she and Seign went to the playhouse. Mana sa'yo." There was a subtle smile on her lips.

Napangiti rin ako. It's true. That's why she is loved so much. My sweet Semaira.

Namataan ko naman si Badiday na kunot na kunot ang noo. It's a bliss how time flies so fast. She is not the sarcastic little girl before, she's now grown up with sarcasm runs in her blood. Pantay na pantay ang kulay ng kanyang morena skin.

Kryptonited ✔ (Alpha Sigma Omicron #3)Where stories live. Discover now