16. Disastrous Meeting

48K 1.5K 474
                                    

CHAPTER SIXTEEN

Hinatid ako ni Zak sa mansyon ni Papa. Our time in Russia has ended and it was one of my joyous moments. Ang dami kong dalang pasalubong para kana Manang at sa mga kasama namin sa bahay. Mayroon din akong pinamili para kay ate Reign kahit sigurado akong hindi naman niya tatanggapin iyon.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Agad kong nakita ang excited na nakasilip sa aking silid. Walang iba kung hindi si Manang Lukreng. I smiled at her.

"Kumusta ang Russia, anak? Marami bang pogi?" Ngising - ngisi na tanong ni Manang nang makapasok ito sa kwarto ko. May dala siyang mainit - init pang lugaw. Essential sa mayroong jet lag.

Inipit ko ang labi ko, hindi nga pala nila alam na kahapon pa ako nakarating. Sa penthouse lang ni Zak ako tumuloy. Hindi naman kami nagsex na dalawa, hilong - hilo ako sa pagbalik sa Pilipinas. Inalagaan lang ako ni Zak buong maghapon. Siguro iniisip ni Manang na may jetlag pa ako.

"May pictures ka man lang ba? Aba'y patingin ako." Inilapag niya ang tray ng lugaw sa parte ng kama na hindi ko matatabig.

I nodded. "M-maganda naman po ang Russia, Manang. May b-buildings po sila, m-matataas. Tapos may mga p-puno rin po." I answered innocently.

Nang humarap ako sa kanya, hindi maipinta ang mukha nitong tiningnan ako. "Ang panget mo namang magkwento, anak. Anong klaseng istorya 'yon? Obtuse namang may mga puno roon." Umiling pa ang matanda. "Oh, may pogi ba?"

"B-bawal po ako t-tumingin sa iba,"

"Hindi naman ibig sabihin nang titingin sa gwapo mangangaliwa na agad," sinabi ni Manang. "Nagwapuhan lang naman. Patingin na ako ng pictures."

Kinuha ko ang phone ko sa gilid. I just swiped it up and went directly to the photos. Pinakita ko ang mga litrato kay Manang na mukhang manghang - mangha naman.

"Ang ganda naman ng alaga ko. Bloomerang ka, iba talaga kapag may boypren." She said smiling. Namula ang aking pisngi sa komento niyang iyon, pero hindi ko alam ang ibig sabihin ng bloomerang. Ano kaya iyon? "Ay, oo nga. Pagkagwapo - gwapo pala nare. Marunong kang pumili, kung ako iyan napikot ko na 'yan."

"M-manang!"

Namilog ang mata ko. Mabilis akong naupo sa gilid ng kama. Tumabi ako sa kanya para silipin ang mga litratong tinitingnan nito. I was right, kasama ko si Zak sa picture. Madalas seryoso ang mukha ng boyfriend ko, may ilang napilit ko siyang mag-pout ng may suot na glasses. Ilang beses nito akong sinungitan, pero sa huli ako rin ang nagtagumpay.

"Manang, a-akin na po. B-baka may m-makita kang s-scandal. Hehe."

Hindi ako pinansin ng matanda. Nagswipe pa siya ng mga picture naming dalawa. Kahit medyo kinakabahan ako, hindi ko naman maiwasang hindi maging proud. Ang cute naming dalawa. I sighed.

"Oh, baka mayroon namang kamag-anak na kasing pogi ang boyfriend mo. I-reto mo na sa akin." Kinikilig nitong wika.

Tiningnan ko siyang mabuti. Hindi na nagkaasawa si Manang. She dedicated her whole life to raise us and be the mother figure to me and ate. Mahal na mahal ko si Manang.

Unang naisip ko agad ang Papa ni Zak, mas matanda naman si Manang pero age doesn't matter in love lalo na kung pareho namang matanda. Baka naghahanap din ito nang mapapangasawa. Mas masungit iyon kaysa sa boyfriend ko.

"Pero m-matanda na po kayo..." I said.

Pinanlakihan niya ako ng mata at kinurot niya ako sa tagiliran. Medyo masakit! Napa-aray ako.

"Ikaw na bata ka, pasmado ang bibig. Hindi kita pinalaking masama ang ugali at sumasagot - sagot." Mukhang offend na offend ito sa komento ko.

I pouted. "H-hindi niyo rin po ako p-pinalaking s-sinungaling," Yumakap ako sa kanyang tagiliran. I heard her sighed. Sa isang iglap, alam kong naglaho na ang galit - galitan nito.

Kryptonited ✔ (Alpha Sigma Omicron #3)Where stories live. Discover now