24. Wedding Invitation

51.1K 1.8K 1.2K
                                    

CHAPTER TWENTY-FOUR

WARNING: SPG. Read at your own risk, or better skip.

"Ate, b-binubugaw mo ba ako?" tanong ko kay Reign nang magkita kami sa dressing room.

I pouted. Ilang tao ang nginitian at pinasalamatan ko bago ako tuluyang nakawala sa kanila at makasunod sa kapatid ko.

"Ayaw mo ba?" She asked back, raising a brow.

Hindi na ako nag-isip at diretso na akong sumagot. "G-gusto," Mas lalong humaba ang nguso ko. Ayoko ng pag-auction niya sa akin, pero gusto ko si Zak.

Inirapan niya ako. Reign shook his head and sipped on the wine glass. She seated properly like a queen on the long couch.

"Our driver will drive you there," She told me. "Ano pang hinihintay mo? You should go already."

Napakamot ako sa ulo. "Okay, t-thank you for tonight."

Bago pa ako tuluyang makaalis, kinorner ako ni Manang sa isang tabi. She was wide-eyed.

"Anong suot mong panty?"

Halos malaglag ang panga ko sa tanong niya. "P-po? B-bakit po?"

"Basta, sagutin mo na lang." Manang demanded.

Ang weird naman ng tanong niya. Bakit pati panty ko gusto niyang malaman? Siguro, gusto niyang gayahin ang suot kong panty.

"Si B-boots po, Manang." I answered.

Tinampal niya ang noo ko. "Ay, bakit naman ganoon ang panty mo? Nako, e, si Boots pa nga yata ang madidiligan nare." iiling - iling pa ang matanda. I couldn't understand her.

Ano bang problema niya talaga sa panty kong suot? I was thinking about that as I reached the front of the mansion. Iilang sasakyan na lang ang nagkalat sa designated spots. Almost all of them went home after the exhibit.

The paintings will be soon shipped to the residence of the highest bidders. Isa iyon sa pagkakaabalahan ko sa natapos na exhibit, it would take a month, more or less. Most of my proceeds will go into charities, and I was glad the event was successful.

"Congrats, Ma'am Rainbow," magiliw na bati sa akin ng driver.

"Salamat po, kuya."

Sumakay ako ng sasakyan ng may konting kabang nararamdaman. Sa papalapit at papalapit namin sa destinasyon, mas lalo itong dumu-doble.

Matapos ang fifty million deal ni Zak, mabilis itong naglaho sa crowd. Hindi ko na agad nahabol ang binata. He was nowhere to be found. Dinagsa rin ako ng mga tao upang batiin at makipagkamay. I don't know most of the people, but it was nice they loved my creations.

Akala ko hindi siya dadalo. Akala ko nalimutan na niya ako ng tuluyan.

Pumasok kami sa pier kung saan naghihintay ang isa sa mga ship ng stalker ni ate. Reign really planned it. Talagang dinamay niya pa ang kanyang stalker, hindi naman iyon aayaw sa kagustuhan ng kapatid ko.

Ramdam ko ang bawat dagundong ng puso ko, nang unang beses ko muli siyang makita, wala ng pagsidlan ang bilis ng tibok nito, ngayon pa kayang abot kamay na at makakasama ko siya? Nasasabik ako.

May ilang kalalakihan ang nakaantabay sa yate, inalalayan ako ng mga ito na sumalta sa side deck.

My eyes explored the place. Naalala ko ang unang beses kong sumakay ng yate. It gave me the chance to be closer to him. Ang goal ko pa noon ay saktan si Zak. And we are in the yacht now to reconcile. I think, it's romantic.

Kryptonited ✔ (Alpha Sigma Omicron #3)Where stories live. Discover now