2. Second Time Around

76.1K 2.3K 1.2K
                                    

CHAPTER TWO

Binuhos ko lahat sa last stroke ng brush sa canvas. Nag-inat ako ng braso, I let out a loud sigh. Medyo ngalay na ang aking kalamnan, pati na rin ang back part ko. Sa pagpipinta naka-focus ang buong araw ko, I was so engrossed with it. It was way different than the last time.

Inilagay ko ang brush sa maligamgam na may sabong tubig matapos kong gamitin para hindi matuyo ang pintura.

Muli kong pinasadahan ng tingin ang painting. Ang mata ang tinutukan ko, it was not finished yet and I felt like something was not right. Hindi ko lang ma-pinpoint kung anong mali sa painting. I'm probably tired. Ubos na ang enerhiya ko mula pa kanina.

"Tapos ka na?"

Medyo napatalon ako sa single-seat chair na inuupuan ko nang dumating si Manang Lukreng dala ang meryenda. Muntik ko nang matumba ang mga gamit sa harap ko. Shems naman, ayoko ng clumsy, but I am a definition of clumsy. Mabuti na lang hindi iyon natuluyan. Disaster ang kalalabasan lalo na kung sa painting matatapon.

"Gulat na gulat ka naman. Kanina pa kita tinatawag, hindi ka sumasagot kung anong gusto mong meryenda. Kapag talaga pinting-pinting na 'yan, hindi maabala." Manang pinched my cheek jokingly. She put the tray on the table. Ang dami niyang dalang meryenda.

I was outside the backyard, tanaw na tanaw ko ang puno ng mangga ni ate. If she were here, I would be in trouble.

"Sorry po, Manang." I told her, smiling apologetically.

There are times, I am so occupied with what I am doing, not knowing my surroundings anymore. Kahit yata magkaroon ng lindol, hindi pa rin tatalab sa akin. When I paint, I am stress-free.

Ayoko rin ng inaabala kapag nasa will akong magpinta. It frustrates me. Nawawala ako sa momentum.

Manang hugged me from the back. I smiled at her gesture. Alam kong mahal na mahal niya kami. She has a big, big, so big heart that every person could fit. Pero alam ko kung papipiliin siya, she will always choose Reign over me. It's not a bad thing. Reign needs her more.

I am always the second option. Sometimes, it sucks. Wala naman akong ibang choice, it's beyond my control. Hindi ko hawak ang kagustuhan nila.

"Ano iyan?" tanong ni Manang. Bumitiw siya sa pagkakayakap sa akin at lumapit sa painting. Siniyasat niya iyong mabuti. "Maganda, maganda ang istruktura at ayos ng mukha. Gwapo, hindi ka naman nagpipinta ng mga lalaki. Mapula ang labi, gren ang mata. Ang galing mo talaga, anak."

Nahihiya akong ngumiti.

"Pero teka..." Sinundan ko ng tingin ang kanyang mga mata. "Parang duling?"

"Po?" Namula ang kabuuan ng mukha ko. I looked at it again, and there I knew, she was right. Iyon ang mali sa painting na hindi ko magawang i-pinpoint ko kanina. Minsan hindi ko makita iyong mali, kinakailangan ko pa ng opinyon ng ibang tao.

Pouting to myself, tumingin ako kay Manang.

Kinurot niya ang pisngi ko. "Maayos naman, ah? 'Wag ka nang malungkot. Normal lang naman magkamali, pwede mo pa naman iyang maisaayos. Muli mong tingnan ang iyong modelo."

I sighed and nodded. Hinalikan niya ako sa noo bago nagpaalam. My mind was still having a debate. For a person, doing the same thing over and over. Is it still acceptable to commit mistakes? I pouted even more. Frustrated kong ginulo ang buhok ko habang nakatitig sa pinta. I blew a loud breath.

Medyo naiinis ako sa sarili ko. I thought, I already got it. Tapos duling pala iyong mata? That should have been the asset. But I failed in the most vital part. The memory was vivid, my mind can't seem to forget his face, but why wasn't it translated in the painting by my poor hands?

Kryptonited ✔ (Alpha Sigma Omicron #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon