Bait

1K 9 0
                                    

Addi's POV

"Addi, bat di ka pumasok? Apo kahit na anong mangyari wag na wag kang hihinto sa pag-aaral" Bulyaw ni lolo.

"Lo, okay lang. Nagpaalam na ako na may gagawin ako ngayon. Stay put ka lang jan" *Wink* 😉

5 minutes late na pero di pa dumadating si madam.

"Sino ba kasi hinihintay mo. Kanina ka pa jan sa labas"

I faked a wide smile nang natanaw kong may paparating na dalawang sasakyan.

"Addison, ang ginawa mo? Tinawagan mo ba si Anastasia?"

Inabangan kong lumabas si Madam at nagbow ako sa kanya.

"Magandang umaga po"

"Good morning. Thanks for the invitation. May I know your name young lady?" she asked.

"Addison po. Just call me Addi"

"Addi. Nice name"

"Ano ba ginagawa mo?" bulong ni lolo na tila nahihiya sa ginagawa ko.

"Shhh. Hayaan mo na ako" inayos ko yung tayo ko. Sisimulan ko na ang plano. Sorry na lo, deadmahin lang po muna kita.

"Kumain na po ba kayo?" anyaya ko.

"Yes, thank you. What's our agenda by the way?"

"Di ba po kukunin nyo po tong lupa? I will give you a short tour." kapwa sila na nagulat ni lolo. She probably thinking that I am giving this up but I'll make sure she'll change her mind.

"Well, it's my pleasure to do so. Sure."

"Sge po. Tara"

I will show her first our little farm of vegetables.

"So since you are my tour guide, it's fine to ask questions right?"

"Opo naman. Hangga't kaya kong sagutin sasagutin ko po"

"Alright then, so Addi." she smiled. I can't deny the fact that you are a smart young lady. You are studying right?"

"Yes po. 2nd year college na madam. So ito pong mga gulay na nakikita nyo dito, ito po yung nagpapaaral sakin. Si lolo po nagtatanim nyan lahat. Minsan pag wala ako pasok, tinutulungan ko siya. Dito din po kami kumukuha nang pagkain" I answered

"You can call me, Ana. Calling me madam is kinda intimidating haha. Well, may I ask where your parents are?" she seriously asked. Naiiyak ako pag may taong nagtatanong neto sakin but for now, I should control my emotions and give a convincing answer.

"Di ko po kilala tatay ko. Debale si mama po ang anak ni lolo. My mother has cancer when she was pregnant to me so she refused the advice of abortion and taking strong medications. After 3 days I was born, she passed away. So si lolo na po nag alaga sakin."

D na ako lumingon na sa kanya para di ako maiyak. I really do have a tragic family story, kaya naaawa ako kay lolo kung paano niya nakaya lahat nang yun. Pinipigilan ko talaga na hindi maiyak.

"I'm sorry to hear that, Addi" she said gently. Mukhang mabait naman si madam eh.

"Okay lang po hehe"

"Anyway, what else do you have?"

I pointed our raised animals. "Saka po may mga hayop kami. May baka, may kambing. Manok. By the way po, nakakain ka na ba nang native chicken?"

"I don't remember. I actually eat anything as long as it's chicken and I don't mind if it's native or not! Hahahaha!" she laughed out loud. Di ko mapigilang mapangiti dahil dun. Mabait naman pala si Ma'am Ana. Baka may paraan pa para di niya ituloy.

After showing her all the things we have here. Nagpahinga kami sa maliit na kubong pahingaan namin and lolo served us some corns and sweet potatoes as snacks.

"Addi. Thanks a lot. I learned a lot from you. You're such an inspiration" she hold my hand and smiled. Bigla akong nanlamig. This should be the perfect time to tell her my real intention.

"Ma'am Ana, di ko po alam kung pakikinggan nyo po ako pero ito na lang po natitira kay lolo. Kahit po mahirap lang kami, masaya po kami dito." my tears starts to fall "Matanda na po si lolo. Naaawa po ako sa kanya. Di ko kayang makita siyang nasasaktan. Kung maaari po ay, bigyan nyo po ako ng extension to pay his debt. Kaya ko pong mag-aral habang nagtatrabaho. Sisikapin ko pong mabayaran to lahat."

Her mood changed as she heard that. She looked at me seriously as if there is going to happen something.

"I cannot do that." bahagya akong napaatras sa pagkakaupo, at yumuko habang pabilis ang aking paghinga. "Your lolo already signed and transferred the name of this land to us"

Lalo akong nanlumo sa nadinig.

Para akong nabagsakan nang napakaraming bato. Di ko maisip na wala na pala akong magagawa.

"But if you are determined, I'll give this back. In one condition."




''Marry my son"


TATLONG araw na ang dumaan, but those words still echoes in my mind. Bakit kaya gusto ni madam na ipakasal sa akin ang anak niya? Baka dahil walang pumapatol dito dahil sa itsura niya? O baka nerd at di ganoon ka vocal kaya ay hirap magkagirlfried? Importante pa ba yun? Eh, pumayag na nga ako eh. Kahit na siguro isang matandang malaki ang tiyan ang ikasal sa akin wala dapat akong ereklamo... Pero sana naman ay kahit anong pa ang hitsura niya ay mabuti siyang tao.

Sa tatlong araw na dumaan di pa rin ako nakatanggap ng kahit anong text o tawag kay madam? Naisip ko tuloy na baka nagbago ang isip niya. Na katangahan ang ikasal ang mayaman niyang anak sa tulas kong magsasaka. Wag naman sana, paano na ang lupa namin.

1 message from Madam Ana

Addi anak, mag-impake ka na at ipasusundo na kita sa driver ko ngayon. Ikakasal ka na bukas.

Muntik ko ng masira ang cellphone ko sa pagkakahulog sa sobrang bigla. Omg! Omg! Ikakasal na ako? Bukas? Jusko.

Ngayon ko pa na realize na sa edas kong 18 ay magiging housewife na ako nang isang lalakeng ni pangalan ay di ko alam! Kagat kagat ko ang aking kuko sa tensyon na nararamdaman, pero habang pinapanood ko si lolo na nag-iimpake ng mga gamit ay parang dinudurog ang puso ko. Wag kang mag-alala lo, ako na po bahala

The Unchosen Wife (Mature Content/Rated18) Levi Ackerman FanficWhere stories live. Discover now