Disaster

714 9 0
                                    

Addi's POV

1 month after the wedding

"I think you should stop drinking and eat the food I cooked. Dami mo nang nainom" Concern na sabi ko sa kanya, yet he just rolled his eyes at nilaklak yung beer na hawak nya na parang iniinsuulto ako.

Isa, dalawa, tatlo.....walo, siyam. Siyam na bote na naubos nya. Tssk.

"Who told you to treat me like a kid?" suplado nyang tanong.

"I'm.. I'm just being your wife" nauutal kong sabi.

Napapikit na lang ako nang tinapon nya ang hawak nyang beer kaya nagkalat ang mga bubog sa sahig. Napaatras ako bahagya sa takot. He's been like this kahit nong unang araw pa lang naming magkasama. Walang ibang ginawa kundi lumaklak at magmukmok. Di na lang ako umimik baka lalo pa siya magalit.

"Bullshit." tumayo siya. Kahit na pagewang gewang ay kinuha ang nakasabit na coat na nakasabit sa gilid at sinuot yun. Aalis pa ata.

Pinanuod ko lang siyang tuluyan na umalis sa bahay at sinimulang linisin ang mga bubog sa sahig.

Di ko maisip. Kung ganito man kami sa unang linggo naming magkasama. You heard it right, isang buwan na simula nong ikinasal kami but isang linggo pa kaming magkasama sa iisang bubong. Pagkatapos ng seremonya ay bigla na lang siyang nawala at mag-isa akong tumungo sa honeymoon namin. Ano naman kaya mangyayari sa susunod na mga araw? Nanginginig akong isipin baka lalong lumala lahat.

Tama ba tong pinasukan ko?

Alam kong mali ang ginawa naming kasunduan nang mama nya na ikasal kami kasi alam kong di naman nya ako mahal pero kailangan kong magpakatatag para sa lupa namin. Para kay lolo.

Levi's POV

Calling Cali....

Please answer my call. Ilang aras ko na siyang tinatawagan pero di parin nya ako sinasagot.

*Tooot tooot tooot*

"Fuck! Daaamn!!" paghampas ko sa manubela nang sasakyan. No answered calls, callbacks, texts, chats. No prints of her anywhere and it kills me.

"Shit. Fuck." I cried.

Sorry. Di ko alam. Di ko alam na may ikakasal na pala sila sakin. Bakit di pa ikaw. Sana ikaw na lang. Edi sana tayo ang masayang nagsasama ngayon bilang mag asawa.

"Sorry Cal. Please forgive me"

Addi's POV

"Di ko po alam kung saan siya ngayon tita eh. Umalis na lang bigla."

"Okay. I'll call him now. Don't worry okay? Please extend your patience to him. By the way call me Mama. You're now my daughter in law." sabi sakin ni tita. "How is he?" ilang minuto pa lang itong nakaalis ay ang pagtawag din ng mama niya. Araw araw itong tumatawag samin to check how's our life doing. I can say it is a total disaster.

"Hayun po. Galit pa rin eh. Di kumakain. Lage na lang umiinom" nakayuko kong sabi. 1 week na pero wala man lang magandang nangyayari sa pagsasama namin.

"Haaays. It's expected since it's your first week together. He'll appreciate you soon."

Sana nga.

"I'll hang up now. I'll text you once he'll respond to me okay? Bye bye"

I cleaned the house. As I wander and tried to open the door of his room, it's locked, as usual. Kahit mag-asawa na kami ay magkahiwalay kwarto namin. I accept his decision. In fact di pa ako ready na may makatabi sa kwarto lalo na't lalake. Kaya win win decision lang rin.

Sa kakalinis ko ay may isang cabinet na may nakasilid na picture nang isang babae at ni Levi.

Napaupo ako sa sahig at tinitigan yun.

"Ang ganda niya. Siya siguro talaga girlfriend ni Levi"

Sa picture, nakasuot si Levi nang puting damit at maong na jacket while yung girl naka fitted dress na kulay rust. Nakaakbay si Levi sa kanya at magkalapit mukha nila. The both looked so happy. Ang pogi naman pala nang asawa ko pag nakangiti.

I sighed staring at his medals and certificates na nakasabit sa wall nang salas namin. Sabi ni tita, matalino daw siya sa Math, kaya marami siya achievements sa subject na yan.

"Pfft lalo talaga kami di magkakasundo neto, ang weak ko sa Math eh."

Tas ako, napaka baduy ko. Ang hilig ko sa loose t-shirts. Nahihiya akong maging girly. Ayoko mag dress. Nagshshorts naman ako pero naiilang ako magsuot kasi kasama ko na si Levi. All in all, ang panget ko.

Kumusta na kaya yung girlfriend niya? Siguro disappointed yun sobra kay Levi. Sorry talaga girl. Pero dahil pinasukan ko na to, sisikapin kong maging maayos kami. Asawa ko na siya eh, kahit naman kaya naming mag divorce pero I value marriage.

"Pero kaya ba talaga akong tanggapin ni Levi eh *tinignan ulit yung pic* ang layo layo ko kay sa kanya. Ang boring ko pa" nakangiwi kong sabi.

*Ding dong*

Dali dali kong binuksan ang pinto dahil baka maging dahilan na naman para uminit ulo niya sakin. Haays buti na lang umuwi na siya. Di ko pa naman kabisado tong lugar kung saan kami nakatira.

"San ka ba galing? Alam mo bang nag-aalala mama mo sayo?"

Tinaliman lang ako nang tingin habang nakatayo sa harapan ko. Lagot, sana pala di na lang ako nagtanong.

"I'm none of your business." he started to remove his shoes and socks. "Tomorrow, we'll start school and please I don't want you to tell anyone that we're married nor tell anyone that we know each other. Nakakahiya. You understand?"

Tumango lang ako. Nakakailang paring tumitig sa kanya kasi imagine, naging asawa ko tong napakasuplado at arroganteng lalake. Galit na galit pa sakin.

"I prepared dinner. Baka gutom ka na"

"I don't care." at umakyat na siya patungo sa kwarto niya. Ang suplado talaga. So, kakainin mo lahat nang niluto mo ngayon Addi.

Mag-isa kong kinain ang mga niluto kong pagkain at pagkatapos ay hinanda ang mga gamit ko bukas. Plinantsa ko na ang mga damit, inayos ang bags patin na rin ang paglinis sa sapatos na sosoutin.

As I am laying on my bed, di ko parin mapigilang pagsisihan na pinasok ang gulong to. Pero wala akong ibang paraan para mabayaran ang utang ni lolo.

KINABUKASAN...

"Good morning, baka gusto mo magbaon? Ipaghahanda kita" naka smile pa ako nyan ah pero dinedma lang ako at nagtimpla nang kape kahit na may nakalapag naman na.

Nilapitan ko na lang siya at kinuha yung tasa.

"Ako na." baka kasi iniisip nyang malamig na yun.

"Fuck, stay away from me!" napayuko na lang ako kasi baka bigla na namang maghagis nang ano mang bagay at matamaan pa ako. "I don't need anything from a stupid person like you and I am not a kindergarden kid to bring cooked lunch. Pathetic"

Di naman sa ginagawa ko siyang bata, inaalagaan ko lang naman siya bilang asawa. Pero sge.

"Sorry, pero kung ayaw mo okay lang naman eh"

Hinigop lang nya kape nya. Kahit na pagtitig di nya magawa sa pagkaing nakahanda sa mesa. Inagahan ko pa naman pag gising para ihanda yan pero di lang nya kakainin. Haays.

Pagkatapos nyang uminom nang kape, kinuha nya bag nya at umalis kaya sumunod ako.

"Why are you tailing me?" tanong nya.

"Ah.. Ah. Di ba ako sasabay sayo?"

"You wish" inirapan lang ako at sumakay sa sasakyan. I watch his left. Saan ba ako pupunta neto? Di ko pa naman alam paano makarating sa school eh.

The Unchosen Wife (Mature Content/Rated18) Levi Ackerman FanficDonde viven las historias. Descúbrelo ahora