His Eyes

627 9 0
                                    

Wala akong choice kundi mag Grab. Pero okay na to kesa di ako makapasok di ba.

"Ang ikli naman netong skirt nang uniform ko. Haays" hila ako nang hila nyan habang naglalakad. Nanginginig pa ako kasi nga di ba first day of school. Sino ba naman di ma eexcite at kakabahan.

"Room 102, 102...ayun!" patakbo akong papunta dun nang mapahinto ako sa may pintuan. Ang yayamanin naman nang mga studyante dito. Wala ata akong nakikitang simpeng studyante parang lahat anak mayaman. Dahan dahan akong pumasok at naghanap ng mauupuan.

"Pssst, dito ka oh" aya sakin ng isang babaeng mahaba ang buhok. Lumapit naman ako at umupo.

"Hi, I'm Tami. You are?" tanong nya habang nakaabot ang kamay.

"Addison"

"Ang lamig nang kamay mo. Kinakabahan ka ba? Hahahaha" malakas nyang tawa.

"Oo.. Hehehe"

"Ako rin. Pero okay lang yun, transferee ka ba? You're new to me"

"Ahh, oo eh. Hehe"

"Kaya pala. Welcome sa school!" ang ganda nya. Maputi at makinis. Bagsak yung buhok at mejo singkit ang mata.

"Salamat." I smiled.

"parating siya" gigil na sabi nang isa kong classmate na nasa harapan namin.

"Saan?" at nagsilapitan silang tatlo nang kasama niya sa may pinto na tila may inaabangan.

"Dadaan ata siya, dali," hinila ako ni Tami para rin mag abang sa may pinto. Sino ba yang pinagkakaguluhan nila?

Nanlaki na lang mga mata kong mapagtantong si Levi ang paparating na may kasamang dalawang lalake.

Nag slowmo na lang bigla pati ang magdaan niya sa harapan namin kaya umiwas ako nang tingin. His walk, his angry look is so attractive, especially those mysterious eyes. Such an effortless appeal. This man exuded an air of confidence and charisma that was impossible to ignore. *shaking my head* Oy? Okay ka lang veshi ko? Bilin pa naman nya na di ipahalatang magkakilala kami.

Pagbalik ko sa katinuan ay kay Tami ako napalingon at kitang kita sa mga mata niyang may tinititigan siya.

"Ehhhhhh"
"Buti na lang dito parin siya sa school"
"Oo nga, walang pinagbago si Levi ang lakas parin ng dating"
"waaaah!" tilian nila.

Nge? Bat nyo nagustuhan yan eh ang arrogante yan.

Nagulat na lang ako nang inalog alog na ako ni Tami. Aray naman. Required ba ang pag-alog ha?

"Ang gwapo niya di ba?"

"H.. Ha? Alin dun?"

"Yung singkit ang mata na pinakamaputi sa kanilang tatlo? Yung matangkad? Si Levi yun." pati din pala itong si Tami.

"Ahh.. Dami pala may gusto dun."

"Oo, sa tatlong yun. Pero si Levi pinakamaraming nagkakagusto kasi pihikan yun sa babae. Yung dalawa chicksboy yun eh, sina Eren at Jean kaya mas marami natuturn on sa kanya" kwento nya habang paupo kami sa mga upuan namin.

"Ganun... Kita naman napaka suplado non" kaya naman pala ayaw na ayaw non sakin. MAPILI SA BABAE. Kita nyo tong si Tami, ang ganda neto kesa sakin pero waley.

"Sad to say, may girlfriend na siya. 6 months na ata sila non" nakangiwi nyang sabi. Lalo tuloy ako na curios about sa girlfriend ni Levi.

"Dito ba yun nag-aaral?"

"Oo. Si Caliber. Maarte din yun haha pareho sila mapili. Lahat ata naging boyfriend non mga bigtime dito sa school. Di ko alam kung naiinggit ba ako pero para sakin di sila bagay hahaha lol"

"hehehe grabe ka naman. Eh kung mahal nila ang isa't isa wala tayo magawa" char, so kabet ka? Lol asawang kabet.

"Haaaays. Ang saya ko. Siya lang inaantay ko eh. May bali balita kasi na baka daw lilipat siya nang school kaya nag-alala ako. Buti na lang talaga" *finger crossed* "Ikaw ba, wala kang nakitang spark dun? Di ba pogi naman siya? Lahat talaga ng babae nadidinig ko na i-infatuate at first sight sila kay Levi."

Well kung sasagutin ko yan, siguro oo.

FLASHBACK....

Kinakabahan akong nakaupo sa upuan nang isang restaurant kasama si Tita Ana.

"It's alright. My son has an attitude but you'll gonna used to it" tita smiled. "Oh he's here"

Tumayo kaming dalawa para batiin siya. He's wearing a white polo and black pants. Di pa nga ito nagsasalita pero ma gets ko na tinutukoy ni tita, mukhang may attitude nga. Those eyes are captivating. Marami na akonv nakitang gwapong lalake, pero ito, itong lalakeng to, he's RARE! The way he handle his self looks so classy and demure. Napakapormal. Is he my husband to be?? Napakalayo sa expectations ko. 

Tita welcomed him a kiss.

Napakalakas lalo nang kabog nang dibdib ko. Nanginginig pa mga kamay. Parang masstroke ata ako sa kaba sa kinatatayuan. Nakakababa nang self esteem, di ako nababagay sa kanya.

"Who is she?" he asked. Magsasalita na sana ako when tita stopped me by holding my hand.

"She is Addison. You are two years older than her and she is also a dean lister sa school niya. She's going to be your wife" I am supposedly smiling but his reaction is too opposite.

"What?" he looked at me so mad like he can't even believe it's me he will going to marry. "Ma, this is non sense. Just tell me you're joking"

So on and so fort. They both argue in the place. Buti na lang exclusive na samin yung lugar, baka dami pa nakawitness kung gaano nakakahiya ang sitwasyong yun.

END OF FLASHBACK...

"Wala naman hehe."

"Hmmm okay. Pero kung magiging crush mo naman siya, okay lang. Sabay tayong mangarap hahahaha" hehe. Kung alam nyo lang.

Mas lalo akong nahihiya na maging asawa ni Levi. Dapat lang talaga na itago namin yun. Ano na lang iisipin nila, nakapag asawa siya nang isang nobody? Lol. Ano ba kasi tong napasukan ko.

After 5 subjects ngayong araw, na enjoy ko first day of school. I met new people at lage kami magkasama ni Tami. Nakakapanibago lang talaga kasi I used to be with humble people, right now, mejo malaki laki ang adjustments na gagawin ko. Ayokong maging hambog but I will try my best to fit in. Syempre mag-aaral din nang mabuti.

Pag-uwi ko, bumungad agad ang napakaraming bote nang Beer sa sahig. Sa may pinto hanggang sa pwesto ni Levi. Grabe naman makainom to, hayan tulog lasing na lasing.

"Cali.. Ber.. Forgive me please. Forgive me.." iyak nya habang nakahandusay sa sahig. Nilapitan ko siya at tinayo. Ang payat mong tao pero ang bigat mo. Buti na lang nakayanan kong pahigain sa sofa.

"Pinaka ayaw ko sa lalake, lasenggero. Pero exception ka kasi naiintindihan kita. Di mo ko mahal, mahal na mahal mo si Caliber tas kinasal ka sakin, kahit naman siguro ako di ba."

"Comeback please... I love you" napatulala na lang ako dun sa sinabi nya. Mahal na mahal mo ba talaga siya? Sorry Levi.

Let me just add you on my sketchbook sleepyhead.

Let me just add you on my sketchbook sleepyhead

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Unchosen Wife (Mature Content/Rated18) Levi Ackerman FanficWhere stories live. Discover now