Admiration

352 7 0
                                    

Sa labas nang village nag-antay si Addi dahil ayaw naman nitong malaman ni Tami ang bahay nila ni Levi. Nanliit na lang mga mata nito nang may mapansing pamilyar na sasakyang patungo sa kanya. Masama kutob nitong...

"Addison" nakangiting bati ni Tami. Di ito makapaniwalang nakasakay si Tami sa sasakyan ni Warren.

"H...hi. Di mo nasabing kasama pala natin si Warren"

"Sorry. Di ko pala nasabi sayo. Actually ngayon ko lang rin siya na invite."

"Hop in, Addi. Mainit pa naman" he winked. She felt cringed at binuksan na lang ang pintuan at sumakay sa likod nang passenger's seat.

Tami naman eh, haaays

"He asked me kasi if may fb ka. Hanggang sa napag-usapan naming mag-e-eat out tayo. Then gusto daw niyang sumama. Why not naman"

"Is it fine? Baka na disturbo ko ang girl to girl bonding nyo"

Addi just faked a smile to him. Syempre oo. First pa nilang mag bonding ni Tami may third wheel pa.

They arrived in a huge building na may napakaraming tenants sa baba. Umakyat sila dahil ipapakita muna ni Tami ang apartment niya sa kanila. Talaga namang isa sa mga bigating studyante si Tami at lalo na si Warren. Siya lang naman ang anak magsasaka sa kanila.

"So, this are one of our assets a.k.a investments. Since malapit lang to sa school ay ginawa ko na ring apartment ang 2nd floor." everything is well arranged. Napaka aesthetic nang loob dahil sa magagandang mga furnitures dito. Sa laki nang aprtment ni Tami ay kahit madaming itong imbitahin ay for sure madaming makakapasok.

"Wow ang ganda, Tami."

"Thank you. It's not kinda obvious that I like plants hehe." the theme of her apartment are floral like even the wallpapers, the carpets, the ornaments are flower designed.

"Ang sarap naman mag tambay dito hehe"

"Of course. Now that you know, you guys can come here anytime. So, Warren. I want you to stay here kasi, I have something to do with Addi."

"Ha..ha?"

"Let's go" hinila nito papasok nang kwarto si Addi at nagsimulang nagbukas nang mga damit na bago nitong bili. She purposely ordered new clothes for her para sa usapan nilang mag profile update ito sa fb.

"Para saan yan, Tami?"

"Yellow, nope, red nah... T...ttt..ttt this. I think you look nice with pink and peach. Can you try and let's see which fits best?"

"Kailangan ba talaga to?" bulong niya.

"Oy oy oy, napag-usapan na natin to. Sge na suotin mo na yan. Dali daliiii" tinulak nito ang kaibigan papasok sa cr kaya ay napakamot ulo na lang si Addi at sinimulan nang isukat ang mga damit. Una niyang sinuot at peach puffed dress na hanggang tuhod ang haba at mag malaking bow sa likod.

Napangiwi si Tami dahil hindi ito bagay sa kanya dahil nagmukha itong disney princess.

"Maganda yung color pero, sobrang pormal mo tingnan and... Childish. Subukan mo yung isa"

Sumunod naman si Addi at sinukat na rin ang isang damit. Mejo nahirapan pa siyang isuot dahil masyado itong fitted.

She looked at herself for a moment dahil sobrang revealing masyado ang damit sa mga braso at likod nito. Backless at self tie kasi ito at mejo bakat pa ang dibdib. Napakaganda din nang flowy design nito na below the knee dahil kahit fitted ang sa may bewang ay presko at maaliwalas tingnan ang babang part. Napanganga na lang si Tami nang makitang suot ito ni Addi.

The Unchosen Wife (Mature Content/Rated18) Levi Ackerman FanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon