First Date

442 10 1
                                    

Paglabas ko sa kwarto, wala naman siya sa kama pero bukas ang pinto. Baka nag-iba isip at sa kwarto na lang nya siya matutulog.

Kumuha ako ng mga pantulog kong damit at halos mapalundag na lang ako sa gulat nang bigla na lang siyang sumulpot sa may pinto habang tinatali ang tirintas nang taslan shorts niya.

M..mukhang di naman na siya lasing. Actually first time kong makita siyang ganyan ang suot, nakashorts at plain plain t-shirt na army green. Eh usually nakapants yan, naghuhubad lang ng damit.

"You're done?" tumango lang ako. "Tara"

Ah.. Huh? Hala anong tara san tayo pupunta?

"Saan? Saan tayo matutulog?"

"Not yet, I wanna eat some convenient store stuffs"

Hinawakan niya kamay ko sabay higit palabas.

"W..wait nakapantulog lang ako"

"They don't mind its midnight anyway"

Ako ata ang lasing? High ba ako? Di ata to totoo or nananaginip lang? O baka kinabukasan may gagawin na naman tong di maganda? Nakatitig lang ako sa kamay naming naghahawakan habang naglalakad papunta sa sasakyan niya.

Binuksan niya ang pintuan nang passenger's seat.

"Get in" natameme ako nang ilang segundo at halos di ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"What?"

"Ah, eh oo" pumasok na nga tayo baka lakasan na naman boses nito eh.

Is this real deal? Pinasakay ako ni Levi Ackerman sa sasakyan niya? Eh di ba nga ayaw niya akong sumakay ni ihatid sa school kasi nandisiri siya sakin? Sobrang kinakabahan ako dahil natatakot akong baka mag eskandalo lang ito bigla kung saan kami pupunta. Nakakatakot magkamali

Itong pwestong inuupuan ko, ay ang pwesto kung saan lageng umuupo si Levi. At least na experience ko kahit isang beses. This is also the same car him and Cali took the picture with. The picture I found him only smiling.

I sneak a look at deretso lang ang tingin nito sa daan. Di rin naman siya nagsasalita pero mukhang good mood naman siya. Naka patong lang siko niya sa nakabukas na bintana nang sasakyan.

"What do you want to eat?"

O.O

"Ah. D-di ko pa alam." natataranta kong sagot

Huminto kami sa Seven Eleven na sobrang kinagulat ko. Biruan ba to? Pero mas okay mas komportable ako dito.

"I want to eat some ramen with egg" edi sana nagluto na lang ako sa bahay.

"O-okay"

Kumuha din siya nang dual flavored na selecta ice cream, isang loaf nang tinapay, can nang coke zero at snickers.

Luh? Oo nga noh, di pa pala to nakakain kasi ang tagal ko umuwi. Hala jusko sorry.. Di ko naisip yun! Hinintay pa ba talaga niya akong makauwi? Di man lang ba siya pinagluto ni Cali?

"Haven't got anything yet?"

"Ah! Oo nga." Kumuha ako nang dimsum at tubig. Kukuha na sana ako nang isang hotdog nang siya na mismo nagbukas para sakin. Nag slowmo na lang bigla paningin ko habang nakatitig sa kanya. Asawa ko ba talaga to?

"Which one?"

Hmmm parang pareha naman lahat masarap except sa pulang hotdog 😂

"Chicken"

Sunod lang ako nang sunod sa kanya habang nilalapag lahat nang pagkain at drinks sa counter.

"That's it?"

The Unchosen Wife (Mature Content/Rated18) Levi Ackerman FanficWhere stories live. Discover now