Kabanata 25

876 17 17
                                    

Kabanata 25

Sigaw

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinasabi nila. Mapagkakatiwalaan naman sila, diba? 'Yong nangyari sa akin sa kamay ng mga tauhan ni papa, parang natatakot pa rin ako hanggang ngayon na sumama nalang sa kung sinu-sino. Pero tiyak namang hindi nila sasabihin sa akin kung hindi rin sila napag-utusan ni Rohan. 

Bago kumain, mas inuna  ko munang puntahan ang kwartong sinabi ni kuya. Hindi ako mapakali kung anong kailangan kong madatnan sa loob kaya mabilis akong umakyat doon  bago nagtungo sa kusina. At ang nakita ko, isang puting bestida ang nasa kama. Hindi ko pa man naisusukat ay mukhang kasya sa akin. Ang manggas nito ay tiyak rin akong lampas hanggang siko at ang haba ay hindi lamang lalampas sa aking tuhod. It's a plain white dress. Walang ibang desenyo pero dahil sa pagiging simple ay lumalabas ang pagiging elegante.

Saan naman ang punta namin at kailangang siya pa ang maghanda ng susuotin ko? O baka gusto niyang nakaputi ako kaya siya na mismo ang nagbigay? Ang daming tanong sa isip ko. Tulad nalang ng bakit kailangang ang mga tauhan niya pa ang maghatid sa akin kung pwede naman siya na ang  kusang sumundo. 

"Ma'am... handa na po ba kayo?" salubong sa akin ni kuya na siya ring  nakausap ko kanina. 

Pababa pa lamang ako ng hagdan at ang mga tingin ng iilang tauhan niya sa akin ay nakakapanibago. Naiilang ako na  hindi ko alam. Kung kanina'y naisip  kong kasya ang damit na ito sa akin, ngayon  ay parang pinasadya talagang tahiin sa sukat ko. Nakakurba ito sa aking katawan. Ang sandalyas na isinuot ko ay simple lang rin, may katamtamang taas ng takong na bumagay lamang sa kabuuang ayos ng damit. 

"Kuya, saan ba ang punta natin?" tanong ko nang makapasok sa sasakyan. 

"Napag-utusan po kaming huwag raw po muna sa inyong sabihin."

Sumimangot ako. Kung hindi pala pwedeng sabihin, bakit kailangan pang ipaalam sa akin na hindi ko pa kailangang malaman. So this is a secret, huh? Paano nga ba magbigay ng isang surpresa ang isang Rohan Sarviento?

Nagtaka ako dahil ilang oras na ang inilalagi naman sa byahe. Nakakailang tanong na ako ngunit wala namang sumasagot sa akin. Lagi lang silang may kausap sa cellphone at maya-maya'y ibababa at sila naman ng kasama niya sa harapan ang  mag-uusap. Gustuhin ko mang marinig ang pinag-uusapan nila pero ayaw "nilang marinig ko ito. Alam ko nang may nangyayari at alam nilang nakakahalata na ako pero kahit halata na ring may itinatago  sila, umaakto parin silang walang alam at hindi ako nakikita. 

Gayumpaman, nakakaramdam na ako ng unti-unting takot. Paano kung maulit sa akin ang nangyari ng gabing iyon? Kung nagawa ngang traydurin ng mga tauhan ni papa si papa, paano kung ganun rin ang gawin ng mga ito kay Rohan? 

"Pwede ko bang hiramin ang cellphone niyo?" tumikhim ako at nagtanong. Sabay silang napalingon sa akin at kapwa nagkatinginan. 

I need to call Rohan! Pwede ko namang hanapin sa contacts nila ang number niya dahil sigurado naman akong nandoon ito. 

"Hindi po papayag si Mr. Sarviento, ma'am."

"Kuya, kanina pa tayo paikot-ikot dito! Kapag hindi niyo ako pinahiram, mas makakatikim kayo sa kanya mamaya!" pananakot ko pero parang wala akong napala. 

Hindi nila ako sinagot. Napamura na lamang ako at napasandal sa upuan. I feel so fresh a while ago, pero ngayon ay nawawala na ako! Hindi ko alam kung nagagalit ba ako o sadyang natatakot lang kung anong pwedeng kahihinatnan ng lakad na ito. 

Mas lalo kaming tumagal sa daan. Siguro nga'y ilang beses na naming nadaraanan itong mga bahay na nakikita ko. Ano 'to? Paikot-ikot nalang talaga kami? Ano bang ginagawa nila? Wala na ba talaga silang ibang magawa?

Selfless (Doctor Series #3) COMPLETEDWhere stories live. Discover now