Kabanata 1

1.2K 33 0
                                    

Kabanata 1

Tauhan

Mabibigat ang aking mga hakbang.  Mabagal bawat galaw ko dahil hindi ko naman alam kung saan ako pupunta. Ang tanging saksi sa aking pag-iisa  ngayon ay ang mga posts lamp na nakatayo sa gilid ng kalsada.

Nang wala na akong matanaw kahit ano sa unahan ay nagpahinga muna ako sa isang shed. Napapikit ako at muling umiyak. Kung gugustuhin ko mang humingi nang tulong sa kung sino mang kaibigan kong pwede kong malapitan ay hindi ko alam kung paano. I don't even have my cellphone. Lalong hindi ako pwedeng sumakay dahil wala naman akong maipambabayad. Isa pa, sa oras ngayon ay baka wala na akong masakyan.

Natatakot ako. Giniginaw. Nanginginig. Kung kaya kong harapin ng mag-isa ang gabing ito, paano bukas? Sa susunod na araw?

Disgrasya.

Hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni papa. Paano nangyaring isa lamang akong disgrasya? Mahal niya si mama! Si mama ang pinakasalan niya at hindi ang ina ni Claudia. Kung hindi ako kagustuhan ni papa o kung hindi niya man minahal nang totoo si mama, sana ay hindi siya nagkaganito nang mamatay si mama.
 

Paano ang pag-aaral ko? Kung tuluyan nila akong itatakwil, siguro'y kailangan kong sustintuhan ang sarili ko para mabuhay.

May natanaw akong paparating na sasakyan galing sa daang pinanggalingan ko. Habang unti-unti itong lumalapit ay unti-unti ko ring nakikilala. Sasakyan ng mga tauhan ni papa!

Agad akong tumayo. Pinapasundo niya ba ako? Hindi niya ba ako natiis? Nagbago na ba agad ang isip niya?

Huminto ito sa aking harapan. Bumaba ang tatlong lalaki na pamilyar na rin sa akin ngunit hindi ko alam kung anong pangalan. Kasama sila sa mga tauhang nasa labas ng bahay kanina.

"Miss Alexin..." sabi nang isa at medyo nagdadalawang isip pa sa sasabihin. Nagtinginan silang tatlo na ikinakaba ko.

"Sumama na kayo sa amin. Pinapauwi na kayo ni sir Cervantes." dagdag niya sabay tikhim.

Binuksan nila ang pintuan sa likod pero hindi ko nagawang kumilos. Madilim sa loob at nakita kong may isang taong nakaupo sa loob at isa sa driver's seat. Nang hindi ako kumilos ay natigilan rin sila.

"Miss... sakay na." matigas na sabi nang isa.

Napaatras ako sa halip na sumakay. Nang makita ang naging reaksyon ko ay narinig kong nagmura ang taong nasa loob ng sasakyan.

"M-maglalakad nalang ako pauwi kung pinapasundo talaga ako ni papa." sabi ko na pilit itinatago ang takot sa likod ng boses.

"Magagalit sa amin si sir Cervantes. Sakay na po."

Isang atras pa ang ginawa ko nang humakbang siya para lapitan ako.

"I can walk. Ako na ang magpapaliwanag kay papa. Hindi pa naman ako masyadong nakakalayo."

Nilampasan ko siya at nagsimula nang humakbang pabalik. Narinig ko silang nag-usap pero wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila. Narinig kong nabuhay muli ang sasakyan kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko. Pero may biglang humila ng braso ko at kasabay nito ay muling paghinto ng sasakyan sa harapan ko.

"Sabi na  kasing sumakay ka nalang!" sabi ng lalaki at hinila ako palapit ng sasakyan.

"Ano ba?! Bitiwan niyo ako!" nanlalaki ang mga mata kong sigaw. Pilit akong nagpumiglas pero wala akong laban sa lakas nila.

Nagawa ko siyang sipain sa kabilang paa dahilan para mabitawan niya ako kaya agad akong tumakbo. Malakas na nagmura ang kasama niya at bumaba ng sasakyan para habulin ako. Nagsitulo ulit ang aking luha. Hindi ko alam kung nagsasabi sila nang totoo at wala akong ibang alam ngayon kundi natatakot ako!

Selfless (Doctor Series #3) COMPLETEDNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ