Kabanata 8

717 27 2
                                    

Kabanata 8

Ako lang

Kahit pa kumikinang ang batong nasa ibabaw nito. Kahit pa anong ganda nito habang nasa daliri ko, I should go back to my damn senses!

"What is this?" I asked. Pilit itinatago ang pagkamangha.

"What is it to you then? For me it's a ring." he said sarcastically.

Nanigas ang daliri ko. Hindi ko alam kung bakit natatakot akong igalaw iyon dahil sa palaisipang baka masira ito ano mang oras.

"I know it's a ring! Sinabi ko sa'yong wala akong singsing pero hindi ibig sabihin na nanghihingi ako!"

"You didn't asked for it, ako ang nagbigay."

Naglakad siya pabalik at naupo ulit sa harap ng mesa niya. Bumuga ako ng hangin, I can't believe him.

"Isinuot mo sa akin at hindi man lang ako tinanong kung papayag akong magpakasal sa'yo. Does it sounds so unfair? I am not engaged to you because this is just your stupid idea! Kung ipapakasal ako ni papa sa taong pinagkakautangan niya, siguro ay maiintindihan ko pa. But you were the one who suggested this fucking marriage! Walang utang si papa sa'yo! Hindi si papa ang may plano nito kundi ikaw mismo!" naubos na ako nang tuluyan. Hindi talaga 'to tama. Nahihibang na siya!

"Why would I even have to asked you? I don't need your opinion. I said I want you to marry me. Hindi 'yon tanong."

Talaga bang nasa maayos pang kalagayan ang pag-iisip niya? Sa haba nang sinabi ko, sa laman nang mga sinabi ko, iyon lamang ang kanyang isasagot? At kailan pa naging desisyon ng iisang tao lang ang pagpapakasal?

"You're unbelievable! Handa kang sirain ang buhay mo nang ganito? Handa kang talikuran ang lahat? Paano-"

"Bakit masisira kung ikaw ang pakakasalan ko?"

"Talagang masisira kasi gagawin mo lang 'to dahil sa galit! Habang magiging miserable ang buhay ko dahil si papa ang dahilan ng galit na meron ka!"

"Wala akong pakialam."

Kumuyom ang aking mga palad. Muli kong naramdaman ang singsing na nasa daliri ko kaya mas lalo akong nilukom ng galit. No. Hindi ko siya pakakasalan.

"I don't need this." malakas kong sabi at hinubad ang singsing. Maingat ko 'yong ginawa saka naglakad palapit sa lamesa niya. Inilapag ko ito sa harapan niya, ang mga mata niya ay nakasunod sa kamay ko. "You want your mom as I want my dad. Maraming paraan para mapaghiwalay natin sila. Hindi natin kailangang magpakasal. Magpakasal ka sa taong mahal mo, hindi sa taong pakakasalan mo lang pero hindi pagmamahal ang dahilan kundi galit."

Mabilis akong lumabas pagkatapos. Wala rin akong pakialam kung tuluyan na siyang magalit sa akin dahil sa ginawa ko. Itutulak niya ako palabas? Palalayasin tulad nangnginawa ni papa? Mas gugustuhin ko pang gawin niya 'yon sa akin at nang makaalis na ako dito. This ain't right anymore. Maling mali kung magtatagal pa ako rito.

Kahit madilim na ay dumiretso ako sa gazebo, meron namang ilaw doon. Kung papasok ako sa kwarto, may susi siya para guluhin ako kung sakaling ano na namang maisip niya. Mas mabuti na dito, bukod sa malayo ako sa kanya ay may sariwang hangin pa akong nalalanghap.

Umupo ako sa dulong bahagi ng fishpond. Kahit pa kalahating araw ko nang pinagmasdan ang mga isda, parang bago parin sa mga mata ko ito. I sighed. They're free, habang ako'y nangangapa sa bagay na dapat kong gawin at kung meron man ay hindi ko naman alam kung paano gagawin.

Hindi ko maiwasang maisip ang ginawa niyang pagsuot sa akin ng singsing. Ganoon lang kadali para sa kanya? Ang bigyan ng isang mamahaling engagement ring ang isang babaeng hindi niya naman mahal? Ang magpakasal sa isang babaeng kagaya ko na hindi niya naman kilala?

Selfless (Doctor Series #3) COMPLETEDWhere stories live. Discover now