Kabanata 12

705 20 1
                                    

Kabanata 12

Rest House

Para akong paru-parong nawalan ng isang pakpak. Pero kahit ganito na ang mga nangyayari, pilit parin akong lumilipad kahit mahirap.

Bumalik ako sa bahay at kumuha nang kaunting gamit. Sinamantala ko ang pagkakataong nasa funeral na si Claudia para kunin ang mga gamit ko.

"Miss Alexin... hindi mo kailangang gawin ito." pigil sakin ng isa naming katulong.

I smiled. Alam ko. Pero kailangan rin, eh.

"May pupuntahan lang ako sandali. Babalik rin ako."

Siniguro kong dala ko ang lahat ng importanteng bagay sa akin bago ko iniwan sa kwarto ko lahat ng cards na bigay ni papa maging ang susi ng sasakyan na bigay naman sa akin ni mama. Natira lang sa akin ay iilang cash na hindi ko pa nagagastos. May ilang araw pa ako bago magpatuloy ang klase, makakagawa pa ako ng paraan.

You can do this, Alexin. Of course I can do this.

Hindi na ako nagpaalam at lumabas agad ako ng bahay bitbit ang dalawang maleta. Hindi tulad sa bahay ni Rohan, agad akong nakapara ng isang sasakyan at nagpahatid sa isang building malapit lang sa school na pinapasukan ko. Ang alam ko ay may nagpaparenta doon ng isang apartment. Pansamantala muna akong tutuloy doon hanggang sa makahanap ako ng trabaho.

"Kuya, sa kanto lang po."  sabi ko matapos ang ilang minutong lulan ng sasakyan.

Bumaba ako at agad kong naagaw ang atensyon ng isang gwardya na nasa tapat lang ng mismong binabaan ko. Hindi naman gaanong kalakihan ang building pero sapat na para mangailangan ng isang gwardya.

Lumapit ako sa kanya at nang makita niya ang mga dala kong gamit ay kumunot ang noo niya. Marahil ay nagtataka kung anong ginagawa ko rito sa ganitong oras ng gabi.

"May kailangan ka ba, Miss?" tanong niya nang ilang sandaling natameme ako at hindi alam ang sasabihin.

"N-nandito po ba ang may-ari ng building na'to? Magtatanong lang po sana ako kung may bakante pa bang kwarto..."

Kung bakit nga ba hindi ko naisip ng mas maaga 'yon, na malaki ang tsansang wala rito ang may-ari at baka hindi ako makapasok agad.

"Naku, Miss, wala na. Bumalik ka nalang bukas, agahan mo na para saktong maabutan mo."

Halos bagsakan ako nang mabigat na bagay sa narinig. "Kuya, hindi po ba pwedeng pumasok? Wala po kasi talaga akong matutuluyan ngayong gabi..." mangiyak-ngiyak kong sabi. Nakita ko kung paano nagbago ang ekspresyon ng mukha niya, para bang nagdududa siya sa totoo kong sadya dito. Iniisip niya bang magnanakaw ako?

"Naku, Miss... hindi pwede 'yan dito. Ako ang malalagot kapag nagpapasok ako eh hindi ka naman tenant."

Bahagya akong tumango. Trabaho niya nga naman 'yon kaya hindi ko pwedeng ipagpilitin.

"Pwede bang dito nalang muna ako sa labas?" pakiusap ko. Alam kong may kasama ako dito kahit na magdamag akong gising at nakaupo sa labas ng isang building.

"Kaya mo ba ang lamig? Maya-maya ay papasok na ako at p-pwesto sa loob ng pinto."

Tumango ulit ako ngunit pinanghihinaan na talaga. Hindi ko alam kung ano na ang una kong iisipin, ang sunud-sunod na pagkawala ng mga magulang ko o ang kalagayang kinaroroonan ko ngayon.

Binitawan ko ang mga maleta at dahan-dahang umupo sa pagitan ng mga ito. Niyakap ko ang akinh mga tuhod, naging comfort zone ko na ang mga ito simula nang maramdaman kong unti-unti nang nawawala sa akin ang mga taong noon ay ramdam ko pa.

Selfless (Doctor Series #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon