Kabanata 6

787 25 1
                                    

Kabanata 6

Turuan

Mabagal akong naglakad papasok. Tumigil lamang ako sa tapat ni Yohan sa takot na lumapit sa kanila. Kahit pa nakagapos sila, hindi ko parin nakakalimutan ang ginawa nila sa akin at ang maaari pa nilang nagawa kung hindi lamang dumating ang mga tauhan niya.

"A-anong ginagawa nila dito?" tanong ko sa kanya.

"Pagbabayarin sa ginawa nila sa'yo."

Muli ko silang binalingan, tahimik lamang sila pero bakas sa mukha  ang kaba at takot. Nang magkaroon ako ng malay at narinig silang nag-uusap, narinig kong sinabi ng tauhan niya na nakatakas agad sila nang magpaulan sila ng bala. Paano nila nahuli ang mga ito? Sumugod ba sila sa bahay? Paano si papa?

"P-paano mo s-sila..." naubusan ulit ako nang sasabihin. Nilamon ng kaba sa palaisipang baka may nangyaring masama kay papa. "May ginawa ka bang masama kay papa?" matapang kong dugtong.

Tinitigan niya ako, his eyes full of disbelief.

"Ganyan na ba ako kasama sa paningin mo?"

He can't blame me! Lahat ng nasa puso niya ay puro paghihiganti. Kaya nga nandito ang mga taong ito ngayon dahil gusto niya ring pagbayarin sila, diba? Isang bagay na ni minsan ay hindi pumasok sa isip ko. Galit ako pero hindi ko gustong gumanti dahil alam kong wala naman akong laban.

"Hindi na kailangan. Paalisin mo na sila." seryoso kong sabi.

His jaw clenched. Hindi niya inasahan ang sinabi ko.

Seryoso ako. Gusto kong pakawalan niya na ang mga ito.

"That's it? Iyon lang?" he asked.

Tumango ako. "Iyon lang."

Tumango rin siya. Ang mga tauhan niya ay nawala sa likuran namin.

"Para sa'yo, pero para sa akin? Hindi lang 'yon basta 'yon lang."

At anong kinalaman niya? Hindi ko siya inutusang dalhin niya ang mga ito rito.

Naglakbay ang tingin niya sa mukha ko pababa sa aking paa. Nanlamig ulit ako sa paraan nang ginawa niyang paninitig.

"Buhay na buhay pa ang mga galos mo. At ang mga taong ito ang gumawa-"

"Enough, Yohan. Wala nang mababago. Hayaan na natin sila. Simpleng sorry lang ay sapat na sa akin."

Ang sinabi ko ay parang naging isang kalabit sa kanya. Hindi siya nakasagot at hindi nakatakas sa akin ang amusement sa mukha niya.

"George!" sigaw niya makalaunan.

Biglang pumasok ang isang tauhan niya at agad lumapit sa kanya. May ibinulong siya rito at habang ginagawa niya 'yon, hindi humiwalay ang mga mata niya sa akin. Umalis ang tauhan niyang nagngangalang George. Maya-maya'y sumunod siya sa pinto.

"Halika na." tawag niya nang hindi ako natinag. Wala sa sariling sumunod ako at bago tuluyang lumabas, nagawa ko pang tingnan ang apat na lalaking alam kong habambuhay nang mag-iiwan ng marka sa buhay ko.

"Stop looking at them that way or else I'll change my mind."

Lumabas kaming dalawa. Pumasok naman sa loob ang mga tauhan niya kaya agad akong kinabahan.

"Yohan. Anong gagawin nila-"

"Ilang ulit ko bang sasabihin sa iyong huwag mo akong tawagin sa pangalang 'yan?" hindi niya ako nilingon, patuloy siya sa paglalakad habang hindi ko naman maiwasang sumulyap sa kwartong pinanggalingan namin hanggang unti-unti itong nawala sa paningin ko.

Selfless (Doctor Series #3) COMPLETEDWhere stories live. Discover now