Kabanata 14

702 22 0
                                    

Kabanata 14

Pasensya

“Hush now. From now on, I’ll take care of you. Please come home. Please come home with me.”

Lampas sa pandinig ko ang sinabi niya at ilang beses itong pauli-ulit na umalingawngaw sa sistema ko. Pero wala akong maintindihan. Hindi ko alam kung dahil na rin sa sakit na nararamdaman ko o sa dulot nang yakap na binibigay niya sa akin.

Mabilis akong kumalas sa mga bisig niya. Hindi siya nabigla sa ginawa ko. Agad akong nagpunas ng sariling mukha at ngumiti nang mapakla.

“Hindi mo na kailangang gawin ‘yon. Bago namatay si mama, ibinilin niya sa akin na maging matapang ako. Siguro ay ito na ang ibig sabihin ni mama.” matapang kong sabi. Hindi talaga ako pwedeng sumama sa kanya. Gusto kong patunayan sa sarili ko na sa kabila ng mga nangyari ay kakayanin kong mag-isa.

“Just let me do it. Hindi ko hinihingi ang komprimiso mo.”

“Bakit mo kailangang gawin ‘yan? Ano ba ako para sa'yo? Kung nak-kosensya ka dahil nagawa mo akong itago ng ilang araw, then… I forgive you now, Rohan. Wala akong hinihinging kabayaran. Hayaan mo nalang akong mamuhay nang mag-isa. Siguro sa paraang ‘yon, baka nga mas makalimutan ko pa ang ginawa mo.”

“It’s not about-” umiling siya at tila nangapa nang sasabihin. Yumuko rin ako at minsan pang umatras.

“Alam mong galit sa akin si Claudia. Noon at ngayon. Kapag  nalaman niyang tinutulungan mo ako, ayokong sa'yo naman siya magalit-”

“Bakit ba laging si Claudia ang iniisip mo?”

“Dahil kapatid mo siya at kapatid ko siya. Mahal mo siya at mahal ko rin siya. Ayoko siyang saktan, Rohan. Kahit na ilang beses akong masaktan, huwag lang ang kapatid ko.”

Wala akong natanggap na sagot. Nang mag-angat ako nang tingin ay muling nagtama ang mga mata namin. Wala paring nagbabago. Simula noong unang araw nang pagkikita naming dalawa, hindi parin makatagal ang mga mata ko sa tuwing tinitingnan siya.

“Just let me go. Please. Kung gusto mo talagang makatulong… lubayan mo nalang ako.”

“Ilang ulit ko bang sasabihin na hindi tulong ang inaalok ko sa'yo?”

“Rohan, hindi ako magiging masaya kapag sumama ako sa'yo. Hindi ako magiging masaya kapag ikaw ang kasama ko.” isa pang atras ang ginawa ko pagkatapos kong sabihin sa kanya ‘yon nang malakas. Hindi ko alam kung may bahid ba nang katotohanan ang sinabi ko pero sa ngayon, kailangan  ko lang gawin ang lahat para makaalis dito nang hindi siya kasama.

Nakita ko siyang dahan-dahang tumango. Hindi niya ako nilubayan nang tingin habang malakas siyang bumuntong-hininga bago ulit nagsalita.

“Then go. Pero sa susunod, hindi ko na maipapangakong papakawalan pa kita. Dahil sa susunod, sisiguraduhin ko nang sasama ka sa akin. At oras na nagkita ulit tayo, sisiguraduhin kong magiging masaya ka. Magiging masaya ka kasama ako. Pakakawalan kita ngayon pero hindi ibig sabihin na hindi na ako babalik.”

Wala akong nagawa kundi ang pagmasdan ang likod niyang papalayo nang papalayo. Gusto ko siyang makitang umalis pero bakit nasasaktan ako ngayong ako ang naiwan? Bago siya sumakay ng sasakyan ay nagawa niya pa akong lingunin  ng isang beses. Pero kahit nakaalis na ang sasakyan niya ay nanatili parin ako sa kinatatayuan ko. Hindi agad ako nakakilos.

“Hindi ko narinig pero nakita ko ang lahat. ‘Yon ba ang hindi mo kilala?” boses ‘yon ni Yuki sa likuran ko. Nilingon ko siya at nakita kong mas nalungkot siya nang makita akong umiiyak.

“Akala ko umalis ka na.” naglakad ako palapit sa kanya at sinabayan niya ang lakad ko paalis sa kinaroroonan namin.

“Kunwari lang naman ‘yon. Syempre nagtago lang ako, baka kung anong gawin niya sa'yo.”

Selfless (Doctor Series #3) COMPLETEDWhere stories live. Discover now