Kabanata 10

723 20 0
                                    

Kabanata 10

Magkapatid

Ilang araw na ganoon halos ang nangyari sa bahay na ito. Gigising akong wala na siya at wala rin ni isang tauhan niya. Talagang seryoso siyang iwan lang ako nang mag-isa dito. Uuwi siya ng gabi at sabay ulit kaming kakain at mauuwi sa pagtatalo hanggang sa may magagalit sa aming dalawa. Minsan nga ay hindi na ako nagsasalita. Lahat naman kasi nang sasabihin ko ay naisasampal niya lamang pabalik sa akin.

Hindi ko na mabilang kung ilang araw na akong nakabilanggo rito. Matatawag ko ba nga bang bilanggo ang sarili ko? May choice akong tumakas at umalis dito habang mag-isa pero bakit hindi ko ginagawa? Talaga bang hindi ko lang alam kung saan ako pupunta o kung paano aalis sa lugar na ito o sadyang ayaw ko lang talagang umalis?

O baka tama siya sa sinabi niya? Na gusto ko na rito?

Umiling ako. Hindi ko alam pero hindi rin ako sigurado.

Linggo ngayon pero bakit parang wala siya. Hindi tulad ng dalawang linggong lumipas, wala siyang trabaho tuwing linggo, diba?

Inikot ko ang buong bahay para hanapin siya pero wala akong nakita. Nasa labas naman ang sasakyan niya pero nasaan siya?

Napadpad ako sa gazebo. Umupo ako doon at maya-maya'y bumuhos ang malakas na ulan kaya hindi ko alam kung paano pa ako makakabalik sa loob nang hindi mababasa. Kaya nagtagal pa ako roon, hinintay kong baka hinahanap rin ako ni Rohan at mapadpad rin siya dito kung sakali mang nasa loob lamang siya.

At hindi ako nagkamali! Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng saya nang makita ko siya sa bungad ng pinto at mukha ngang hinahanap ako. Nagtama ang paningin namin ngunit agad rin akong natigilan nang makita ang madilim niyang mukha, sobrang dilim na hindi ko alam kung matatawag ko pa itong kulay itim. Parang galit na galit, binabagyo sa galit.

Napalunok ako at nakailang hakbang paatras nang naglakad siya papunta sa kinaroroonan ko lalo na nang walang pag-aalinlangan siyang lumusob sa ulan. Nababasa siya! May problema ba? Saan siya galing? Bakit parang may nagawa akong kasalanan sa kanya?

"M-may problema ba? Nababasa ka!" sigaw ko kahit hindi pa siya tuluyang nakakalapit sa gazebo.

Nakita ko parin kung paano gumalaw ang mga panga niya at kung paano niya ako tingnan sa mapait na paraan. Walang kapantay ngayon ang galit na nababakas ko sa kanyang mukha. Sobra pa sa galit na ilang beses niyang ipinakita sa akin sa tuwing napag-uusapan namin ang mga magulang namin.

"Rohan." napaatras pa ako sa takot. Lalo na nang malakas niyang hinila ang braso ko at kaladkarin ako palabas ng gazebo. Bigla akong nanlamig nang tumama sa balat ko ang tubig ulan pero sa tingin ko'y mas nanlalamig ako sa ginagawa niya sa akin.

"R-Rohan... may problema ba?" ulit ko. Alam kong meron pero hindi ko alam kung ano at lalong hindi ko malalaman kung hindi niya sasabihin.

"May problema ba?"malakas kong sabi. Nasa loob na kami at parehong basa pero ang hawak niya sa braso ko ay mas lalong humigpit. Nasasaktan na ako sa hawak niya. Ano bang problema?

Dire-diretso ang lakad niya at sa huli ay napagtanto kong palabas kami ng bahay. Muling tumama sa balat ko ang ulan kaya hindi ko na talaga kayang intindihin ang ginagawa niya. Nagpumiglas ako at nagawa kong bawiin ang braso ko sa kanya. Malakas siyang nagmura pero hindi ko iyon pinansin. Naglakad ako pabalik ng bahay pero nakaisang hakbang lang ako ay muli niya akong hinila ngunit muli akong pumiglas. Nabawi ko ulit ang braso ko pero ngayon ay pareho kaming natigilan. Naiiyak ako! Naiiyak na ako at nilalamig!

"Ano bang problema mo?! Tinatanong kita pero ayaw mong sumagot! Nababasa tayo, nakikita mo ba?! Pwede mo naman akong kausapin nang maayos kesa kaladkarin ako! Ano?! Sumagot ka!" sigaw ko sa kanya, tuluyang may bumara sa lalamunan ko.

Selfless (Doctor Series #3) COMPLETEDWhere stories live. Discover now