Kabanata 19

736 20 3
                                    

Kabanata 19

Internship

Hinatid niya ako kinabukasan tulad nang sinabi niya. Hindi ko alam kung paano namin pinagkasya ang oras namin nang magkasama gayong pareho kaming walang tulog. I didn't even know why. Siguro'y dahil pareho kaming nagpakiramdaman magdamag at isa na rin siguro ang halik na pinagsaluhan namin ang hindi nagpatulog ng diwa ko.

And damn, nasabi ko pang magpakasal na kami agad-agad dahil lang doon! Kahit ngayon ay namumula ako sa tuwing naiisip ko kung anong nasabi ko.

Hahalikan niya pa nga sana ako bago bumaba ng sasakyan pero agad na akong kumaripas nang takbo. Kinawayan ko lamang siya at mabilis na tumalikod. Hindi ko na nagugustuhan. Hindi ko na masasabi kung ano pang susunod na pwedeng mangyari oras na maulit iyon. Kung hindi niya lang pinutol ang halik namin kagabi ay ewan ko lang. Mabuti nalang at hindi kami tabing natulog, siya na rin ang nagsabing hindi siya tatabi sa akin.  And to ask me why? Pareho na naming alam ang dahilan.

"Talk, Alexin. Magsalita ka habang hindi pa kita pinapaulanan ng tanong." Gab said. Kakaupo ko palang nang bigla siyang lumapit sa akin.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Anong sasabihin ko sa'yo?" nakita niya ba kami ni Rohan kahapon? Iyon ba ang tinutukoy niya?

"Kailangan ko pa bang ikwento lahat ng alam ko bago mo aminin sa amin ni Drei?" seryoso niyang tanong. I stopped. Sa paraan nang pagtatanong niya, hindi ko alam kung paano niya nalaman o kung anong eksaktong alam niya.

"A-ang alin ba kasi?" baka naman hindi tama ang iniisip ko.

She smirked. Sa ginawa niyang 'yon ay kinutuban na ako.

"Pumunta kami sa bahay niyo kagabi kasi hindi ka namin ma-contact. Bukod sa out of coverage ang cellphone mo, wala ka rin sa bahay niyo."

Pareho kaming nagtitigan. Naghintay ako nang karugtong pero ang mga mata niya ay basta lang nakatingin sa mga mata ko, naghihintay ng sagot.

"U-umalis ako. Sinundo ako ni Yohan kahapon, 'yong kapatid ni Claudia." sagot ko. Hindi pa naman nila alam na may kambal si Yohan, diba?

"Oh? Ang pagkakaalam ko... umalis ka sa bahay niyo? At mag-iisang buwan na raw?"

I swallowed. Hindi ko ginustong hindi talaga sabihin sa kanila pero hindi ko rin ginustong sa iba nila malaman. Kahit na alam kong malalaman nila, hindi parin umayon ang pagkakataon.

"Alam mo, hindi sana ako maniniwala kasi ang piste mong kapatid ang nagsabi sa amin. Pero naghihinala na kami, eh... ang pagkamamali lang namin, hindi ka namin sinusundan ni Drei. Ano ito, lihiman, Alexin?"

"I-I'm sorry..." tanging sambit ko. Ano pang sinabi ni Claudia? Baka nga dinagdagan niya pa ang mga sinasabi niya na malayo sa katotohanan. Knowing Claudia, kaya niyang gawin ang lahat.

"Saan ka tumutuloy?"

"I am renting sa..." ngunit hindi ko na naman alam ang totoong sagot. Sa apartment pa nga ba ako tutuloy o araw-araw na akong kay Rohan uuwi? Sasabihin ko rin ba ang bagay na iyon sa kanila?

"Saan?"

"Nagr-renta ako ng apartment."

Bumuntong hininga siya. Ewan ko kung maniniwala ba sa akin o hindi.

"Bakit ka umalis? Pinaalis ka ba ni Claudia? 'Yong Yohan na 'yon, pinapahirapan ka rin ba tulad-"

"No... Hindi..." magkakasunod ang iling na ginawa ko. "Yohan is a friend, hindi niya ako tinatrato nang masama. Hindi ko lang agad sinabi sa inyo kasi ayokong pati kayo ay problemahin pa ako. Umalis lang ako sa bahay kasi hindi ko na alam kung anong gagawin ko, lahat ng meron ako sa bahay ay ala-ala ni mama at papa. I can't bear to... t-to see them..."

Selfless (Doctor Series #3) COMPLETEDWhere stories live. Discover now