Kabanata 20

721 16 0
                                    

Kabanata 20

School Agreement

"Why do you have to do that?"

"Do what?"

"Yong..." pinagmasdan ko siya. Napaka-inosente niya na parang wala siyang alam sa sinasabi ko. Patuloy siya sa pagsubo ng pagkain habang pinaglalaruan lang ng aking tinidor ang karneng nasa plato.

"Yong?" taas ang isang kilay niyang tanong at sa wakas ay tumingin sa akin. Kung hindi lang mali ang hinala ko, iniisip kong ayaw niyang pag-usapan ang bagay na gusto ko.

"About the internship. It's just..." umiling ako. Hindi ko alam kung anong wastong salita ang sasabihin.

"What's wrong with that?" balewala niyang tanong pabalik. Maybe my thoughts are wrong. "Kailangan ng school niyo ng partnership, I told Yohan to negotiate. Isa pa, malaking tulong na rin 'yon from both side. You will be trained, and you can help the company, too."

Sumubo ako at dahan-dahang ngumuya. Gusto kong makumbinsi sa naging sagot niya pero may mga bagay akong naalala. I know it's not just an illusion. 'Yong mga araw na nakikita o nalalaman niyang nagkakausap kami ng kapatid niya, he just can't hide his anger from me. Kung ayaw niya akong makitang nakikipag-usap kay Yohan dahil pareho sila ng mukha, bakit siya pumayag na sa kompanya ng kapatid niya ako mag-training?

"Bakit si Yohan ang namamahala ng kompanya niyo?" ibang tanong ko sa mas mababang tinig. Nasa isang restaurant kami kaya ayokong maka-abala sa ibang nandirito.

It says Rohan & Yohan Sarviento, halata naman masyado ang pangalan nilang dalawa.

"For background checking? At least may alam naman ako sa kompanyang mag-t-training sa akin." dugtong ko kahit na ang totoo'y may iba naman talagang dahilan kung ba't ko gustong malaman.

"Alam mo kung bakit, Alexin." aniya at uminom. "You know that it's not my thing."

Kunwari ay tumango ako. "Bakit iyan ang propesyong ginusto mo?"

Nakita kong gumalaw ang kanyang panga sa ginawa niyang paglunok.

"Tell me want you want to know. Lahat ng gusto mong malaman."

Kumunot ang aking noo. Huwag mong sabihing alam mo kung anong naiisip ko?

"W-wala naman, ah. Masama bang magtanong?"

"That's a family business. Itinayo ni papa maliliit pa lang kami ni Yohan. Inutusan ko siyang baguhin ang pangalan ng kompanya dahil siya lang naman ang namamahala nito. But he refused. I don't know what his plans but I can read his mind. Ayaw niya itong baguhin dahil ito ang orihinal na ipinangalan ni papa. Who would take care of it if it's not Yohan? Me? I can't give up my dreams. This is what I want and no one can stop me for doing the things I want." bumaba ang tingin niya sa labi ko. "And no one can stop me if I want to get the things that I want."

Tumikhim ako kaya muling umangat ang kanyang tingin. Masyadong seryoso ang sagot niya na hindi ko na tuloy naintindihan.

"I'm not telling you to give up your dreams. And... tama ka naman, sinong tao ang gustong isuko ang gusto nilang gawin sa buhay." wala sa sarili kong sagot. Bigla akong nawala dahil lang sa ginawa niyang paninitig sa labi ko.

"Si Yohan."

Napamaang ako. "Anong si Yohan? Ibig mo bang sabihin... ayaw talaga ni Yohan ang ginagawa niya ngayon?"

"We want the same profession. Tulad ko, gusto niya ring maging doktor. But..." nagsalin siya ng wine sa baso niya at ganoon rin sa akin. "Isang araw, bigla nalang siyang humindi. Sinunod niya ang hiling ni papa na isa sa amin ang dapat na sumunod sa yapak niya."

Selfless (Doctor Series #3) COMPLETEDWhere stories live. Discover now