Capitulo Trese

390 18 3
                                    

Capitulo Trese

(unedited)

Pinasidad ni FJ ang sasakyan sa kung saan. Tumingin na lamang ako sa bintana dahil ang aliwalas ng paligid at sariwa ang hangin.

"Are you okay?" biglang tanong nito sa akin. "Ha? Oo naman." casual na sambit ko sa kanya. Nakita ko siyang dumungaw sa side mirror para tingnan ako saglit at binalik ang ulit tuon sa harap.

"Don't worry about me okay?" sinserong sabi ko pa sa kanya para hindi siya mag-aalala. "Even you only look at me as a friend, I still care about you, Justin." kinuha niya ang kamay ko at hinalikan.

"Thank you." nginitian ko siya.

I'm so lucky to have FJ by my side even he knows that i only see him as a friend. I'm sorry.

Binitawan niya ng marahan ang kamay ko at inilagay sa hita niya habang ipinatong ulit ang isang kamay nito at ang kabilang kamay naman ang nagmamaneho.

Nakarating kami sa isang restaurant na mukhang mamahalin. "FJ, Mahal dito. Wala kong pambayad." wika ko sa kanya. Halatang pangyaman ang desenyo ng restaurant dahil may malaki itong chanderlier sa gitna at may grand piano pa sa may ibaba nito.

"Its on me, dont worry." ngumiti siya sakin ng pagkatamis tamis habang sinasabi iyon.

Nakita kong lumapit sa amin ang isang waiter na babae. "Mr. FJ Suson?" magalang na tanong nito. "Yes." sabi niya at tumango. "This way, Sir." minuwestra niya ang kanyang kamay kung saan kami dapat pumunta.

Sumeryoso naman ang itsura ni FJ habang patungo sa isang silid ng restaurant. Nagulat ako sa nakasulat sa taas ng pinto dahil may nakalagay na 'VIP' at kulay gold pa ito. Pinagbuksan pa kami ng waitress na mukhang masama ang tingin sakin nang pinauna ako ni FJ pumasok at sumunod siya.

"Please wait for your order, Sir." tinanguan niya si FJ samantalang hindi manlang ako tinapunan ng tingin.

"Psh. Attitude, kala mo naman maganda." napairap pa ko sa hangin.

"Hayaan mo na. Mas maganda ka dun." pang aalo ni FJ at kinurot ang ilong ko ng mahina. "Ehem. Istorbo ba kami?" napatingin ako sa aking likuran dahil pamilyar ang boses na ito. Si Mama kasama si Jahjah. "Dadah!" sigaw nito at bumama sa kanyang inuupuan at tumakbo papunta sa akin.

"Baby." niyakap ko siya ng mahigpit dahil miss na miss ko siya. Tinignan ko siya si FJ na parang 'bakit?' ano 'to?

"Surprise." sabi sa akin habang nakangiti ng maaliwalas.

"Thank you." sambit ko sa kanya habang yakap yakap si Jahjah. May kumatok naman sa pintuan kaya pumwesto na ko malapit sa upuan ng anak ko.

"How was your day, Jahjah?" tanong nito sa anak. "I'm fine, Dahdah. I got stwars." (stars) pinakita nito ang kanyang palapulsuhan kung nasaan ang star.

"Wow. Very good." tuwang sabi ko. My baby is improving kahit 3 years old palang siya. "Ano gusto mong reward kiddo?" tanong ni FJ.

"Toys. Big Airplane." pumapalakpak na sabi ni Jahjah sa kanya.

"No, Jahjah. Madami ka nang toys sa bahay." lumungkot naman bigla ang itsura nito dahil sa sinabi ko. Aww.

Nakita ko namang tahimik na nagmamasid si Mama sa aming dalawa ni FJ habang hinahanda ng mga silbidor ang pagkain na inorder ni FJ.

"Okay ka lang, Ma." tanong ko sa kanya.

"Oo naman, Masaya lang ako." tiningnan niya ko sa mga mata na parang nangungusap. Ngumiti naman ako kay Mama dahil panatag ang loob niya.

𝐓𝐞 𝐪𝐮𝐢𝐞𝐫𝐨, 𝐌𝐲 𝐎𝐦𝐞𝐠𝐚 - 𝐎𝐦𝐞𝐠𝐚𝐯𝐞𝐫𝐬𝐞Onde histórias criam vida. Descubra agora