Capitulo Dieciséis

444 24 12
                                    

Capitulo Dieciséis

Capitulo Dieciséis

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

----

hello! it's been so many months since last update, we haven't meet each other since june 2021 and now i'm back! i deeply apologize for not updating :(( hope y'all are hydrated, safe and vaccinated! please do enjoy the new update! ciao :*

----

Nang makauwi si Justin sa kanila ay agad niyang chineck ang kanyang telepono at kita rito ang sandamakmak na missed calls ng kanyang demonyitong boss na wala sa katinunan.

Inilapag niya ang kanyang gamit sa may higaan at inilabas ang laptop para tingnan kung naisend niya ba lahat ng pinagagawa nito sa kanya at nagulat siya na may kulang na isa rito at iyon pa ang pinaka importante, napabuntong hininga tuloy siya dahil sa inis.

Bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang kanyang anak na may dalang gatas.

"Dadah, po yu." (for you) sabi nito sa kanya at iniaabot ang basong may gatas.

"Ang bait naman ng bata na 'yan," sabi nya sabay kurot sa pisngi nito at humalakhak naman ang bata.

"Mana kay Dadah." anya pa ng bata.

"Ang cute cute mo talaga 'no?" lambing niya at mas lalo pa itong bumungisngis ng todo. Gumaan bigla ang bigat na nasa loob niya ng makita ang mukha ng anak.

Naglaro pa silang dalawa hanggang sa makatulog ito sa kwarto niya, habang tulog pa ito ay tinapos niya ang proposal na hinihingi ng boss niya at natulog.

When he finally woke up, Hinanap niya kaagad ang anak at natagpuan ito sa may kusina ngunit may 'bwisita' pala sila.

"Dadah, Les eat~" (Let's Eat) aya sa kanya ng anak.

Umupo siya sa hapag kaharap ang kanilang 'bwisita' napairap na lang tuloy siya. Lumabas naman ang kanyang ina sa may kusina dala ang mga pagkain.

"Ako na po," sabi ni Josh sa ina ni Justin at kinuha ang mga dala nitong plato.

"Ang bait mo naman iho," ngisi ng kanyang ina.

'Mukha mo mabait' sabi nya sa mahinang boses.

"Ano 'yun, anak?" tanong ng kanyang ina. "Wala, Ma." sabi nya pa sabay ngiti.

Nakaupo na silang lahat sa hapag at sinipa niya sa ilalim ng lamesa si Josh, napapitlag naman ito sa ginawa niya. "Ano iyon iho?" tanong ng ina niya. "Wala naman po, Tita." sabi nito at ngumiti. 'Kapal talaga ng mukha mo Josh Cullen!' sabi sa isip ni Justin.

Habang kumakain sila ay panay ang tawa ang anak ni Justin dahil nilalaro ito ni Josh habang kumakain sila at akala mo ay mag tatay pa ang dalawa. Iniisip tuloy ni Justin kung 'What if' mahanap niya ang tatay ng anak, ano kaya ang irereact niya?

"Ay Jah, bilisan ang pagkain at hinihintay ka ng gwapong ito." malambing na sabi ng kanya ina at sabay tingin kay Josh. Eww.

"Opo." simpleng sagot niya at binilisan ang bawat subo ng pagkain. Lumiyad naman si Josh sa kanya ng kaunti at bumulong sa kanya ng 'Sana ganyan ka rin kabilis pag sinubo mo angㅡ' bago pa man matuloy ng binata ang sinasabi ay tinapakan niya na ang paa nito ng pagkalakas lakas kaya napasigaw ito.

Agad namang nag react ang kanyang ina dahil dito. "Jusko! Anong nangyari iho?" tanong ng ina ni Justin. "Wala po, may kumagat lang po na malaking langgam sa paa ko." sabay bigay ng pilit na ngiti sa matanda. Ngumisi naman si Justin ngunit hindi pa rin tumigil si Josh sa panggugulo sa kanya kaya hindi siya makakain ng maayos dahil lumilikot ang kamay nito sa kanyang hita kaya hinayaan niya na lang ito. 'Yare ka sa akin mamaya, Sir Josh.' bulong niya rito at balik na sabi naman ng hudyo ay 'I'm waiting.' sabay wink sa kanya.

Nang matapos na silang kumain ay nagpaalam na sila ni Josh sa kanyang ina at anak dahil mayroon pa silang trabaho ang mukhang late na naman siya makakauwi dahil tambak na naman ang gawain niya dahil sa boss niyanh nakikain pa sa kanila. Pagpasok na pagpasok pa lang nila sa sasakyan ay sinapak na niya ito.

"What theㅡ" biglang nabulalas ni Josh ng sinapak siya ni Justin. Tila gumuhit ang kamao nito sa mukha niya.

"Sir! Anong ginagawa mo sa bahay namin? Sa'n ka kumukuha ng kapal ng mukha para pumunta rito! Wala ka bang magawa sa buhay mo? Tarantado ka ba?" Bulyaw ni Justin sa boss.

Naghihimutok sa galit ang binata dahil wala ng ginawang tama ang boss niya kung hindi guluhin siya. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman dahil napapalapit na rin ang loob ng anak niya rito.

"Justin. Look, I deeply apologized for what I acted yesterday. I was a jerk," mahinahong sabi nito kay Justin.

"Yes, you are." sabi niya pa.

"Sorㅡ"

"Lolo mo, Sorry." pang iinis ni Justin rito.

"Paumanㅡ"

"Ha?" tuloy niya pang iinis

"Sorry na nga" malumanay na wika nito sa kanya.

"Hamburger." ngisi niya.

"Tigilan mo na ko, Justin," sabi nito.

"Ha? I can't hear you," balik niya pa.

"Pleaㅡ"

"Hampaslupa." sabi niya sabay humagalpak ng tawa. Imbis naman na mainis si Josh ay kiniliti niya si Justin na nakaupo sa passenger seat at siya sa driver's seat.

Tawa sila ng tawa hanggang sa kapusin sila ng hininga at ng marealize ni Justin ang ginawa nila ay agad na pumormal ito ng upo at inutusan ang boss niyang magmaneho papuntang trabaho dahil late na silang pareho.

"Magㅡma, Magmaneho ka na, Sir." nauutal na sabi niya sa boss at nginitian lamang siya at Inirapan naman niya ito dahil nginingitian siya nito.

Akala mo naman, Sir Josh. Omega-ero ka pa rin. Tsk tsk. sabi ni Justin sa kanyang isip.

[Omega-ero 🤝 Babaero]

Nang makarating sila sa Building ni Josh ay pinagtitinginan sila ng mga empleyado dahil sa kanilang suot. Mabilis na nilapitan ni Julian, HR Manager ang dalawa at binulungan.

"Mga Sir, 'yong mga damit niyo po, gusot gusot. Pinagtitinginan po kayo ng mga tao." bulong nito sa kanila.

Napatingin naman ang dalawa dahil sa kanilang mga kasuotan at nagmamadaling pinagpag ang kanilanh suot at sumakay ng private elevator.

"Jeez! Kasalanan mo 'to!" sigaw ni Justin sa kanyang boss.

"Lower down your voice, Justin." kalmadong sabi nito sa kanya. "So, Tuwang tuwa ka pa? Ano iisipin nila? Secretary ni Josh nakipapag anuhan sa sa boss niya," frustrated na wika ni sa boss niya.

"Ssshhh." sabi ni Josh sabay lagay ng hintuturo nito sa bibig niya. "Pwe," sabi niya sabay hawi sa kamay nito.

"Sir, kung ano man ang trip mo sa buhay. 'Wag mo akong idamay okay? Gusto ko lang maghanap buhay para sa anak ko!" sigaw niya ulit rito.

Napailing naman si Josh sa sinabi ni Justin sa kanya. "Kalma." iyon na lamang ang nasabi nito kay Justin.

'Pakyu ka talaga mga bente' bulong niya.

[note: this is an unedit chapter, typo and errors might encounter!]

----

A8INNN/AVAHRY 2021-2022

𝐓𝐞 𝐪𝐮𝐢𝐞𝐫𝐨, 𝐌𝐲 𝐎𝐦𝐞𝐠𝐚 - 𝐎𝐦𝐞𝐠𝐚𝐯𝐞𝐫𝐬𝐞Where stories live. Discover now