Capitulo Diecesiète (Part 1)

329 18 10
                                    

Capitulo Diecesiète - Part 1

Happy 3K+ Reads (•ө•)♡
its been a while again and again, please forgive me huhu but hoping that this chapter will make you happy also stay hydrated and vaccinated guys!

---

"What happened? did you find any?" tanong ng negosyanteng may pangalan sa industriya na kanyang kinabibilangan, sa imbestigador na kinuha upang alamin kung ano talaga ang tunay na nangyayari dahil labis na ang kanyang paghihila.


"Magandang araw po, Sir. Napag-alaman ko ho na may sakit ang taong ito," turo ng imbestigador sa litratong nasa mababang lamesa kaharap ang negosyante. "Nangyari ito noong naaksidente sila ng adopted parents niya at naglagi siya sa mental hospital ng tatlong taon noong trese anyos palang siya, ang nakakaaalam lang nito ay ang kapatid niya na nakakatanda at ang caretaker ng bahay nila. Pinaampon siya ng magulang niya noong sanggol pa lamang dahil hindi siya kayang buhayin dahil mga taong kalye lang ang tunay niyang magulang at 'yong mga nag ampon sa kanya ay bigating negosyante na bumisita sa ampunan, sa pagkakakalam ko Sir, ay hindi niya na po naaalala ang lahat ng nangyari sa kanya noong bata pa siya dahil sinailalim siya sa treatment at therapy ng kanyang kapatid." ani ng matanda sa kanya.

"Thank you," wika niya rito sabay abot ng sobreng naglalaman ng pera.

"Maraming salamat bossing, mauna na ho ako" sabi nito habang nakangiting inabot ang sobre.

"Bumalik ka ulit rito kapag may nalaman ka pa," seryosong tono niya.

"Yes boss," bago lumabas ang imbestigador ay may inabot itong flash drive sa kanya at agad naman niyang isinalpak sa kanyang laptop.

Nanlaki ang kanyang mga mata sa bawat impormasyon na kanyang nababasa. Hindi niya lubos akalain na ganito ang kanyang makikita.

"Shit..."

---

[Cullen Works and Enterprises - 16:00]

Napahikab sa sobrang antok si Justin dahil anong oras niya na natapos lahat ng files na dapat niyang tapusin. Hanggang ngayon ay kumukulo pa rin ang dugo niya sa kanyang boss.

"Jusko kung wala lang po akong anak na pinapakain baka nakasakal na po ako, Lord." bulong niya ng mahina habang nagtitipa pa rin para isend kay Josh lahat ng natapos niya.

"Sent!" masayang sabi niya sabay pindot ng sent button sa email.

"Sa wakas makakauwi na rin ako," usal niya pa habang nag aayos ng kanyang desk at mga gamit at pagtapos noon ay tinapos niya na rin pati ang pag ayos ng desk ni Josh. Habang nag aayos siya ng lamesa nito ay may nasagi siyang punpom ng mga papel at nahulog ito sa sahig. "Ay buset na 'yan, imbis na uuwi na ko," inis na sabi niya. Yumukod siya ng kaunti dahil may mga papel na napunta sa ilalim ng lamesa at habang inaabot niya ito ay may nakita siyang kupas na litrato, agaran naman niyang kinuha ang litrato na iyon at pinagmasdan.

Litrato ito ni Josh habang naka casual attire at nasa isang bar kasama sila FJ at Kenji, wari niya'y pamilyar sa kanya ang bar na iyon ngunit hindi niya maalala. Chineck niya pa sa likod kung mayroong petsa ngunit wala dahil ang petsa at oras nito ay 01/12/16 na nasa ibabang parte ng litrato. Pinagsawalang bahala niya na lang ang larawan at pinailalim sa mga kumpol ng mga papel na nahulog kanina at umalis agad ng opisina ng mapansin niya ang oras.

Pagkababa palang niya ng elevator sa parking lot ay sumalubong agad sa kanya ang busina ng isang sasakyan at lumabas ang may ari nito at naglakad papalapit sa kanya.

"Ang gwapo," Hindi niya mapigilang sabihin ng makita ang paglabas nito sa sasakyan.

"I know and thank you," ani nito sabay kindat sa kanya. "Ummn... Sino po kayo?" tanong niya rito dahil hindi niya pa ito nakikita.

"I'm Vester, Nice to meet you." pagpapakilala nito sabay halik sa kanyang kamay. "I'm Justin," simpleng sabi na may awkward na ngiti at binawi agad ang kanyang kamay sa binata.

"S-sige, S-sir Vester, una na po ako," wika niya rito sabay talikod rito.

"Wait.." pigil sa kanya nito.

"P-po?" naawkwardan siya dahil hindi naman niya ito kilala at 4:37am na kaya iniisip niyang masamang tao ito dahil sa dis-oras ng madaling araw ay baka kidnapin siya o hatakin papalayo.

Nangangamba rin siya dahil sila lang dalawa ang nasa parking lot.

"Sorry pero mauuna na po talaga ko, Sir Vester," pagsabi niya noon ay mabilis siyang tumakbo palabas ng parking lot dahil sobrang kabado niya rito, pansin niya kasing kanina pa ito nakangiti at tila may gustong gawin sa kanya.

Pawisan man ay tumatakbo pa rin siya hanggang sa may bus station kahit may ilan-ilang nakatingin sa kanyang tao. Tumingin siya sa likod at nakita niya ang sasakyan ni Vester na sinusundan siya, agad niyang kinuha ang kanyang telepono upang tawagan sana ang kanyang nanay o kaya ang kanyang boss dahil sa labis na kabang nararamdaman.

Binagalan niya ng kaunti ang kanyang pagtakbo at naglakad na lang ng mabilis dahil medyo malayo pa ang bus station, pansin rin niyang bumagal rin ang takbo ng kotse nito.

Mag aalas-singko na ng umaga ngunit hindi pa rin siya nakakauwi sa kanila. Narating na niya ang bus stop at saktong may huminto na bus, saktong paapak na sana siya ng bus ay biglang nandilim ang paningin niya.

"Ahhhh. Dinukot 'yong lalaki!" rinig niyang sigaw ng isang matinis na boses ngunit nawalan na siya ng malay at tuluyang nandilim ang kanyang nakikita.

----

abangan ang part two, papunta palang tayo sa exciting part... 💣

A8INNN/AVAHRY 2021

𝐓𝐞 𝐪𝐮𝐢𝐞𝐫𝐨, 𝐌𝐲 𝐎𝐦𝐞𝐠𝐚 - 𝐎𝐦𝐞𝐠𝐚𝐯𝐞𝐫𝐬𝐞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon