Capitulo Veinte

185 9 11
                                    

Capitulo Veinte

Capitulo Veinte

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

---

Hi A'TIN, Thank you so much for reading this story and I really appreciate you guys when you are commenting on the chapters!

This chapter is dedicated to all readers who are patiently waiting for this story, ily!

Lastly, i'm not sure kung ilang chapter ito at wala pa kong balak madaliin ang story ^^

Don't forget to Stream - Gento 🤟

p.s: unedited chapter, errors ahead.
---

After leaving Cullen Works and Enterprises pakiramdam ni Justin ay para siyang ibon na nakawala sa hawla, sobrang gaan ng pakiramdam niyang gigising sa umaga at kakain ng almusal kasama ang anak niya.

"Anak? wala ka bang pasok ngayon?" nagtatakang tanong ng kanyang ina dahil hindi siya nito nakikitang nagmamadali at nag-aayos at papasok ng kusina.

"Wala, Ma. Nagresign na po ako," sabi niya sa kanya ina, nagulat naman ang reaksiyon nito dahil mukhang maayos naman ang ginagawa niya roon ngunit nagresign siya sa kompanya.

"Bakit naman anak? Hindi ba maganda ng trato sayo ng boss mong gwapo?" mausisang tanong ng ina sa anak. Napaismid si Justin sa salitang gwapo, umupo sila sa habag habang ang ina ay sinasandukan siya ng pagkain.

"Hindi naman po, Ma. Mabait naman po ang boss ko," sabi niya rito at sinasalinan naman ang baso ng anak.

"Bakit ka nagresign?" tanong nito muli.

"Hindi na po safe, Ma. Hindi ko na po kakayaning mapahawak ako o si Jahjah dahil kay Josh, maraming naghahabol kay dahil isa siyang mayaman na Alpha, daming niyang ex na kung ano ano ang pinaggagawa at kaming dalawa'y laging naoospital," simula ng maging secretary siya ni Josh ay lagi siyang suki ng Ospital.

"Sabagay anak, mas mabuting unahin ang kaligtasan pero hindi mo ba gusto ang boss mo? Mayaman, Gwapo, Malakas ang dating at mukhang nasa kanya na ang lahat," tukso ng kanyang ina.

"Asusus si Mama parang tanga, oo nasa kanya na ang lahat pero ang puso ko nasa kanya ba?," napangiwi naman ang kanyang ina sa biro niya.

Napahigop nalang siya ng kape sa reaksiyon ng ina.

"Dadah, wala kang pasok?" tanong ni Jahjah. "Wala anak kaya ako maghahatid sayo today, ayos ba 'yon?" natutuwang sabi niya sa bata.

Matagal tagal na rin simula noong huli niya itong nahatid sa eskwelahan.

"Yehey! I will have a lot of stars for Dadah, Yey!" tuwang tuwa ang bata dahil ihahatid na siya ng ama, ramdam ni Justin ang tuwa ng kanyang anak dahil kada aalis siya ng umaga ay di niya na aabutan ito o hindi kaya ay paalis na siya papuntang trabaho. Kitang kita niya sa mukha nito ang labis na pagkatuwa kaya kahit ngumunguya ito ay pinugpog niya ng halik ang pisngi ng anak.

𝐓𝐞 𝐪𝐮𝐢𝐞𝐫𝐨, 𝐌𝐲 𝐎𝐦𝐞𝐠𝐚 - 𝐎𝐦𝐞𝐠𝐚𝐯𝐞𝐫𝐬𝐞Where stories live. Discover now