Capitulo Otso

342 20 4
                                    

Capitulo Otso

"Dadah! Dadah!" napalingon si Justin ng marinig niya ang boses ni Jahjah na tumatawag sa kanya papasok ng silid.

"Baby, I miss you." sambit habang nakangiti dito at pinalapit sa kanya sabay niyakap ng mahigpit na mahigpit. Miss na miss niya na ito dahil halos isa o dalawang araw niya itong hindi nakita.

Nagising naman ang dalawang nakabantay sa kanya sa magkabilang pwesto ng kama. Nag unat unat ang mga ito at nagulat nang makitang may batang nakayakap sa kanya.

"I miss you, Dadah." bulong ni Jahjah sa kanya habang hinahalikan siya sa pisngi. "Sarap naman." pinanggigilan niya ito at pinisil sa pisngi.

"Wawers. Daming pasabog, Justin. Ah." gulat na gulat na sabi ni FJ dahil nakatuon ang atensiyon nito kay Jahjah seryoso ang mukha nitong nakatingin sa bata.

"Dadah." biglang sumiksik sa tagiliran niya ang anak dahil masama ang tingin ni FJ dito. "Is he bad?" mahinang sambit ni Jahjah. "Yes, Bad 'yang panget na 'yan." gumatong bigla nang pang iinis si Josh.

Sinamaan naman ng tingin ni FJ si Josh dahil sa sinabi nito sa kanya.

"Dadah. Bad bad." nakatagong sabi ni Jahjah habang tinuturo si FJ gamit ang maliit na daliri nito.

"Sssshh. Hindi natin bati 'yan. Panget 'yan." tinaasan niya ng kilay ito at inilabas ang dila para inisin ang binata.

"Nasaan na ba ang pamalo." umarteng may pinupulot si FJ sa sahig. "Mga isip bata." ismid naman ni Josh.

Gustong tumawa nang nanay ni Justin sa nakikita niyang ganapan sa loob ng silid dahil sa tingin niya mukhang nakaharap ng bagong kaibigan ang anak niya na malimit magkaroon. She's very proud on her son. Tumikhim siya para makuha ang atensiyon ng mga ito dahil mukhang hindi siya nakita ng mga binata pag pasok ng silid dahil si Jahjah agad ang umagaw ng pansin. Sino ba naman kasing hindi makakapansin sa apo niya, gwapo ito at bibong bata pa, mana sa Lola. Charot.

"Magandang umaga po, Tita." bati ni FJ sa matanda at lumapit ito para magmano ngunit nagulat siya ng halikan nito ang kanyang kamay.

"Napaka sweet mo naman, Hijo." nginitian niya ito. "Opo, kaya bagay kami ng anak niyo. Tita" lalo namang natawa ang matanda sa sinabi nito.

"Ehem." pasintabi ni Josh.

"No. Akin lang, Dadah ko." pagalit na maktol ni Jahjah at nagbabadyang paiyak na. "Husssh." mahinhing sabi ni Justin sa anak at niyakap. "Kumain na po ba kayo?" tanong naman ni Josh.

"Hindi pa, Hijo." sabi naman nito. Tumayo naman si Josh at hinila si FJ sabay nagpaalam na lumabas ng silid ni Justin para bumili ng pagkain.

Upuan naman ang nanay nito sa tabi ng binata at masinsinang kinausap. "Anak, Ano bang nangyari sayo at nandito ka sa ospital?" masuyong sabi ng ina.

"Hindi ko alam, Ma. nasa counter lang ako nang Bar 'nun, nakikipagusap kay FJ nang makaamoy ako ng masangsang na amoy pagkatapos nawalan na ko ng malay," panimula niya sa kwento. "Sobrang lakas ng amoy ng pheromone na 'yun. Uminom naman ako ng suppressant pero parang nawala yung epekto pagkatapos ko maamoy 'yun." dugtong niya.

Hinaplos naman ng ina ang kanyang likuran at masuyong hinalikan sa noo.

"Hindi kaya, nahanap mo na 'yung fated partner mo?" napakunot ang kanyang noo sa narinig.

"Fated partner?" naguguluhang sabi niya.

"Oo, Fated fate or fated partner. Sila 'yung mga Alpha na nakatadhana sayo, sabi sa libro at nang mga matatanda noon pag natagpuan mo na sila. Hindi gagana ang suppressant na iniinom mo parang walang epekto." imporma ng ina. "May ganoon pa ba sa panahon ngayon?" tanong niya ulit rito.

"Malay mo naman, Hijo." nginitian siya nito.

Tinignan naman niya ang anak na nakaupo sa kanyang harap at hinaplos ang buhok. Inisip niyang baka malapit na niyang mahanap ang tatay ni Jahjah.

"Basta anak mag iingat ka sa trabaho mabuti na lamang ay mabait ang dalawang binata na kasama mo ngayon." sabi nito sa kanya. "Hindi rin, Ma. Napaka kulit nang dalawang 'yun sarap kotongan." natawa naman ang ina sa sinabi niya. "Gigil kana niyan anak?" sinamaan niya naman ng tingin ang ina.

"Dadah, Gutom na." naka ngusong sabi ni Jahjah habang hinihimas ang tiyan.

"Aww. Gutom na ang bibi namin." sabay kinurot sa pisngi ang anak. "Dadah, Hindi na ko baby." nagcross arms naman ang bata at hindi tumingin sa kanya. "Aba't attitude kana, Jashtine ah."    napairap naman siya sa inasta ng bata.

"No." madiin na sabi ng bata habang nakanguso at hindi pa din nakatingin sa kanya. Natawa nalang siya sa anak at niyakap ito nang mahigpit ang iniharap sa kanya sabay pinugpog nang madaming halik ang mukha.

"'Wag kana tampo, Jahjah ko," sweet na sabi niya para masuyo ang anak. "Sorry na po." sunod niya pang sabi rito. Nagsimula namang lumuha ang mga nito at nakaramdam siya munting kirot sa dibdib dahil sa pagluha ng anak.

"Please, Jahjah. Tahan na." pinunasan niya ang mga luhang tumutulo sa mata nito at hinalikan sa noo.

"Mahal na mahal kita, Okay? Lablab ka ni Dadah diba?" tinitigan ko siya sa mata. "Opo, Lablab Jahjah si Dadah." tumigil na ito sa pag iyak at niyakap ako ng mahigpit.

"Aww. Miss mo ko no? kaya ka naglalambing?" malamyos na tanong ko sa kanya. Tumango tango naman ang anak niya.

"M-mahal---" magsasalita na sana siya para sabihin paulit paulit na mahal niya ang anak ngunit dumating na ang dalawang hudyo na may dalang pagkain.

"Wassap, We're back." masiglang sabi ni FJ habang nakabukas ang mga braso at kamay sa may pintuan tila may sasalubong sa kanya at nasa likod naman nito si Josh may dala dalang malaking paper bag.

"Agahan po." magalang na sabi ni FJ kay Mama. Sus pabibo talaga 'to. Inabutan niya si Mama ng pagkain at kutsara. "Salamat hijo, Napaka maginoo mo naman." puri sa kanya nito. Napakamot naman ng batok si FJ dahil sa sinabi ng matanda sa kanya. "Wala naman po 'yun, Mama-- este Tita." mahinang sabi niya sabay kindat sakin.

Ulol.

"Tito Josh, Kain po tayo." yaya naman ni Jahjah kay Josh. Ngumiti naman ang binata sa bata at pinaupo ito sa lap niya at sinubuan. Nakita naman niya ang kanyang telepono sa may gilid ng kama at pasimpleng pinicturan ang boss at anak niya.

Cute.

May napakuyom naman ang kamao dahil napansin niya ang ginawa ni Justin. Gusto niya ang atensiyon nito kaya kinukuha niya muna ang loob ng Magulang.

"Ahh~" sabi ni Josh sa bata. Ngumanga naman ang bata at sinubo ang pagkain na inumang ni Josh sa bibig nito. " Ang very good naman." nginitian naman siya ni Jahjah at hinalikan sa pisngi.

I wish, He was the Alpha who got me pregnant...

----

AVAHRY/A8INNN

𝐓𝐞 𝐪𝐮𝐢𝐞𝐫𝐨, 𝐌𝐲 𝐎𝐦𝐞𝐠𝐚 - 𝐎𝐦𝐞𝐠𝐚𝐯𝐞𝐫𝐬𝐞Where stories live. Discover now