Capitulo Onse

315 19 8
                                    

Capitulo Onse

^h a p p y 200+ r e a d s^

----

"What the fuck, Man!" gulat na naibulalas ni Kenji nang makita ang pagmumukha ni FJ puro sulat ito sa mukha at kung ano ano pa ng nakalagay. "Is that a fucking guy balls your forehead?" galit na sigaw pa nito sa kanya.

Walanghiya pa siyang pumasok sa opisina nito. "Gag*, longganisa daw 'yan sabi ni Josh." simpleng sabi niya habang naghahanap ng alcohol at bulak sa drawer ni Kenji. "Nasaan alcohol mo? Penge ako." nagmamadaling sabi niya dahil baka hindi na ito matanggal.

"Wala kong alcohol dito, Alak ipamunas mo diyan sa mukha mo, alcohol din 'yun." suhestiyon nito.

"Sayang alak pre." reply naman niya dito at nakita naman niya itong lumabas ng silid na umiiling.

Nagkalkal siya ng nagkalkal ng gamit nito hanggang sa nakakita siya ng maliit na ref sa may pinakasulok ng kwarto at nakapasok pa sa maliit na lamesa.

'Ano 'to?' takang tanong niya sa isip.

Dahil sa kuryosidad ay binuksan niya ito at nagulat siya sa laman. Madaming surpressant at kulay puting injection na may gamot ang laman nito, mayroon ding kung anong puting sachet ang nasa loob.

Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon na sa mga nakita.

'What the? Nagdudrugs si Kenji?' gulat na napagtanto niya habang hawak ang isa sa mga gamot.

"What the fuck!" Sigaw sa kanya ni Kenji nang maabutan siya nitong may hawak at nakatingin sa nakabukas na maliit na ref. Inagaw naman nito ang hawak hawak niya at ibinalik sa loob ng maliit na lagayan.

"Tang ina mo, Kenji! Nagdudrugs ka palang punyawa ka!" bulyaw niya dito.

Kumunot naman ang noo ng binata sa sinabi niya. "Anong drugs? Gamot 'yan!" paliwanag nito. "Lolo mo gamot! Ayan ang ebidensiya nasa puting sachet! Drugs 'yan!" galit at seryosong sabi pa niya.

"Napasukan din yata ng tinta ng pentelpen ang utak mo. Gamot 'yan para sa mga costumer na baka sumpungin ng heat cycle dito sa Bar." seryosong sabi ni Kenji sa kanya. Inilapag nito ang plastic na may nakasulat na 'Watsons' sa harap at umiling iling na lumabas ng opisina nito.

'Bakit naman kasi ganoon ang itsura!' sigaw niya sa isip. Akala niya drugs ito napakamot na lamang siya ng batok at nilapitan ang supot na inilapag nito sa lamesa at nakita niyang may laman itong facial wash, wet wipes at moisturizer.

"Wow, marunong pala mag skincare si Kenji." hindi niya mapigilang sabihin habang tinitingnan isa isa ang mga binili nito.

Pumunta na siyang Comfort Room at nag umpisang burahin ang nasa mukha niya, nahirapan pa siya dahil permanent marker pala ang gamit ni Justin sa mukha niya pero hindi rin niya mapigilang mapangiti dahil sulit naman ang sulat ng tinta sa mukha niya dahil nahalikan niya ang binata. Sariwa pa sa isip niya ang nangyari, wala sa isip niya ang paghalik dito ngunit hindi niya magawang pigilan ang sarili dahil inaakit siya ng labi nito kaya hindi na niya pinigilan ang pagkintal ng halik dito.

Hinawakan niya ang kanyang labi at ramdam niya ang lambot ng labi nito, sana ay tinatagalan niya pa ang pagdampi rito.

Fuck, how is it possible for a man having a softest lips he ever tasted. Taste like strawberry. Kung magkakaroon siya muli ng pagkakataon ay baka hindi lang dampi ng labi ang magawa niya sa binata.

Damn. He was intoxicated. Fuck! I need him to get out of my mind. Huminga siya ng malalim at tumingin sa salamin at
pinagpatuloy nalang niya ang paglilinis ng mukha hanggang sa natanggal niya na lahat ng tinta at lumabas ng opisina ni Kenji. Namataan niyang seryosong nag uusap si Stell at Kenji base sa expression ng mga mukha nito.

"Mabuti naman at naisipan mong maglagay ng ganoon." rinig niyang sabi ni Stell. "Yeah. Hindi na pwedeng maulit ang nangyari." sabi naman ni Kenji.

"Anong nangyari?" usisa niya.

"You don't need to know. It's confidential." seryosong sabi ni Kenji sa kanya at inayos ang suot na salamin.

"What? Magkakambal tayo ah." inis na sabi niya rito dahil ayaw sabihin ni Kenji sa kanya ang nangyari dati.

"Past is past. Never came back." simpleng tugon nito at nagkibit balikat sabay naglakad papasok ng opisina nito na parang walang narinig.

Tumingin naman siya kay Stell ng nagtataka at binigyan lang din siya ng kibit balikat. He suddenly feel something strange about Kenji's statement and He was fucking curious.

[Cullen Works and Enterprises]

"I feel sorry for FJ.." may lungkot na pagkakasabi ni Justin. He feel bad sa ginawa niya but it feel so good to tease someone. Napangiti tuloy siya ng wala sa oras at sumandal sa upuan.

Napatingin naman si Josh sa expression ng mukha niya. "Why are you smiling?" tinanong siya ni Josh na may kuryosidad. Umayos pa ito ng upo at isinara ang reports na binabasa.

"W-wala, Sir." mabilis na tanggi niya rito gamit pa ang kamay. "Tell me." ani nito sa baritong boses.

"Wala nga, Sir. Chismoso mo naman." pabiro pa niya itong inirapan ngunit tumaas lang ang isa nitong makapal na kilay at mayroong konting pilat at nakakunot noo pa, na waring nagsasabi na hindi siya nakikipag biruan.

"G-grabe ka naman makatingin, Sir. para mo kong kakainin niyan." uneasy na bigkas niya. "What if I want to?" biglang lumaki ang mata niya sa sinabi nito.

"Sir Josh naman, Gutom ka pa din? Tatlong bento box ang kinain mo." tumayo siya sa harap ng tablet nito at pinamewangan.

"I'm hungry for you." seryoso pa ulit nitong sabi. Nice joke. I feel like I'm going to puke right now. Joke (2).

"Bua---." hindi na niya matuloy ang sasabihin dahil may biglang pumasok na kung sino sa opisina ni Josh.

Haharangin na sana niya ngunit mukhang sopistikada ito at maganda.

"Josh, I miss you." ani ng bisita sa malambing na boses. Para naman siyang nanlamig sa sinabi nito dahil baka kasintahan ito ng boss niya.

Tiningnan naman niya si Josh at may halong gulat at pagkasabik sa mukha nito. Hindi niya mapigilang sipatin ang itsura nito dahil sa apperance nito ay mukha itong Dominant Omega, itsura palang nito ay talo na siya dahil kahit malayo ay para itong umiilaw at halatang makinis ang balat at may pagkapetite na katawan tulad sa babae ngunit noong marinig niya itong magsalita ay lalaki pala ito. Hindi niya mapigilang mapatulala sa Omega-ng nasa harap niya. Napakaganda nito.

Dahil nakatayo siya sa harap ng table ni Josh ay ibinaba nito ang suot na sun glasses at pinakatitigan siya. Yumuko naman siya ng bahagya at gumilid para magbigay galang ngunit inismiran lang siya nito at tumingin ulit kay Josh.

Aba't attichona 'to ah! Bigwasan ko longganisa mo eh.

"Did miss me, Josh?" tumalikod naman siya at bumalik sa kanyang table sabay ginaya ang sinabi nito ng walang boses.

Lumapit pa ito kay Josh at umupo sa lap nito. Tiningnan naman niya si Josh ngunit parang ayos lang ang ginawa nito.

Hindi niya alam pero parang nakaramdam siya ng konting kirot sa dibdib.

Pinanuod nalang niya ang ginagawa nitong pag haplos haplos sa katawan ni Josh ng bigla siya ulit pansinin ng Omega.

"Luh? Gusto mo siya? Asa ka! Umalis ka nga." mataray na sabi pa nito habang tinuro turo si Josh at umirap pa.

Tinignan niya ang reaction ni Josh ngunit wala itong expression at hinapit pa ang bewang ng Omega-ng nasa kanlungan niya. Seriously? I'm your employee yet wala ka manlang gustong sabihin? Ayaw mo siya pigilan? Ah. Ganoon pala gusto niyo.

Hindi na niya matiis ang inis kaya sinagot niya ito ng pabalang.

"Luh? Gusto ka ba? Hindi kasi mukha kang higad naka fur jacket ka pa. Umalis ka nga mukha ka ring linta." ginaya na rin ang irap nito na parang nangingisay at taas noong lumapit sa pintuan sabay nag twerk ng kaunti at tinaas ang middle finger.

"Para sa inyo 'tong dalawa. Bye motherfuckers." Wala na siyang pakialam kung matanggal siya sa trabaho kinabukasan.

----

AVAHRY/A8INNN 2020

𝐓𝐞 𝐪𝐮𝐢𝐞𝐫𝐨, 𝐌𝐲 𝐎𝐦𝐞𝐠𝐚 - 𝐎𝐦𝐞𝐠𝐚𝐯𝐞𝐫𝐬𝐞Where stories live. Discover now