Capitulo Katorse (Part 1)

321 19 10
                                    

bless you day with our gorgeousCEO Mr

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

bless you day with our gorgeous
CEO Mr. Josh Cullen

---
Capitulo Katorse (Part 1)

i'm so sorry for not updating so often
(╥﹏╥)

----

His pheromones intoxicated his mind. He feel so lifeless when he suddenly collapsed due on too much pheromones.

"Secretary De Dios, Malapit na tayo sa ospital please. Huwag kang bibigay." rinig kong sabi ng hindi pamilyar na boses. I badly want to sleep.

Ramdam ni Justin ang panghihina ng kanyang katawan at kahit idilat niya ang mata ay hindi niya magawa dahil hindi kaya ng katawan niya. Dalawang ambulansya ang dumating sa tapat ng kompanya at halos hindi magkamayaw ang mga tao dahil sa pakiki osyoso sa kung anong nangyari sa isa sa mga kilalang tao sa industriya ng negosyo. Rinig ang wang wang ng ambulansya at madaling isinakay ang dalawang binatang walang malay. Sakay ng kabilang ambulansya si Josh na parang nag aagaw kaya nilagyan ng oxygen samantalang ganoon din ang ginawa kay Justin. Parehong walang malay tao dalawa.

Nang makarating ang ambulansyang sakay silang dalawa ay agad silang sinuri ng mga doctor kung saan dinala si Justin noon. Mabuti na lamang ay kilala si Josh sa ospital na iyon at tinawagan ng nurse ang kanyang pamilya para ipaalam ang nangyari. Naging pamilyar na rin ang mukha ni Justin dahil lagi itong kasama ni FJ kaya ang binata ang tinawagan nila. Paglipas ng ilang minuto ay nakarating din kaagad si FJ sa ospital at madaling nagtungo sa kwartong pinagdalhan kay Justin.

Nakita niyang iniexamine ito ng doctor at nurse kaya hindi muna siya pumasok kaagad at noong natapos ay saka siya pumasok roon. "Doc? Ano pong nangyari?" tanong niya. "The patient is now stable, Nasobrahan lang siya sa naamoy niyang pheromones na kumalat sa paligid kaya hindi kinaya ng kanyang katawan at kita rin sa kanyang palapulsan na parang may pumisil dito na pagkalakas lakas na nagdagdag ng panghihina ng pasensya." seryosong sabi ng doktor sa kanya. "Thank you, Doc." magalang na sabi niya at sabay na lumabas ang doktor at nurse sa kwarto.

"Justin, ano bang pinaggagawa mo sa buhay mo at lagi kang naoospital." mahinang wika niya habang marahang dinama ang palad nito na may bahid ng lamig. "At sinong may gawa niyan sayo? si Josh ba?" kitang kita sa mukha ni Justin ang panghihina kahit nakapikit ito. "That fucking asshole." hindi mapigilang sambit ni FJ sa hangin dahil sa inis at galit kay Josh.

Narinig niyang may kumatok sa pinto ng silid ni Justin kaya pinagbuksan niya ito at bumungad sa kanya si Stell at hindi kilalang lalaki.

"Stell." matigas niyang sabi ng dumako ang mata niya sa katabi nito. "A-ah. Sir.. Si Paulo nga pala, Kaibigan siya ni Justin." nahihiyang sabi nito. Tumango lang siya at pinapasok ang dalawa.

"What happened?" tanong ni Paulo.

"Ask Josh." maikli ngunit madiin na sambit niya.

"Okay." sabi naman nito pabalik. Tila naging tahimik ang silid dahil wala nang nagsalita at tunog nalang ng aparato ang naririnig.

"Kruu~ kruu~ kruu~" Pambasag ng katahimikan ni Stell. Parehas naman napatingin ang dalawang binata sa kanya. "S- sorry, ang tahimik kasi hehe." sabi nito sabay kamot sa batok at tumingin sa ibang direksyon.

"Damn that motherfucker, Josh." inis na inis na sabi niya at umalis sa silid ni Justin at nagtungo sa kwarto ni Josh. Pagpasok niya sa silid ay tulog na tulog ito at tinanguan lang siya ng mga sabay umalis ng makita siya. Umupo siya sa malapit sa kama nito.

"Josh. What the fuck are doing to Justin..." mahinang sabi niya habang nakatinhin sa nakapikit na binata. Nakita niyang gumalaw ang labi nito, napakunot siya bigla. "Josh, Gising ka ba?" unti unting dinilat nito ang mata at tumingin sa kanya at ngumisi.

Sumama ang tingin niya rito.

"Man, What the fuck! Ang creepy mo!," aambahan niya pa ito ng suntok dahil sa inaasal nito. "Hahaha." nakakauyam na tawa ng binata.

"Josh, Naumpog ba ulo mo? Nababaliw ka na." sunod niya pang sabi.

"Josh, is not here..." sambit mismo na lumabas sa bibig ni Josh. "Huh?" natuop ang bibig ni FJ dahil sa sinabi nito. Josh is not here? Siya si Josh for goddamn sake.

"Sino ka?" seryosong tanong naman niya rito. "I'm Jace Cullen Santos." nakangising wika nito sa kanya.

Ibang iba sa Josh na kaibigan niya ang asal at kilos nito. "Nababaliw kana ba? Jace? Ikaw si Josh. Huwag mo sabihing may multiple personality disorder ka." bulyaw niya dito ngunit ngumisi lang ito ng nakakainis sa kanya.

Napailing nalang siya at hindi makapaniwala, Imposible mangyari 'yun. "Sige, Paano ka naging si Jace?" tanong niya rito ngunit nag 'Sssh' sign lang ito at hindi na muling nagsalita.


-----

new character unlock 🔓

A8INNN/AVAHRY 2021

𝐓𝐞 𝐪𝐮𝐢𝐞𝐫𝐨, 𝐌𝐲 𝐎𝐦𝐞𝐠𝐚 - 𝐎𝐦𝐞𝐠𝐚𝐯𝐞𝐫𝐬𝐞Where stories live. Discover now