Capitulo Diyes

326 20 13
                                    

Capitulo Diyes

dedicated to:
@eternityvane and @cruiseship0838

thank you so much ^•^
---

Huminga muna siya nang malalim bago pindutin ang button ng elevator pababa nang cateferia ng kumpanya nang makasabay niya ang dalawang empleyado na sinisigawan ni Josh kanina.

Binati siya ng mga ito. "Salamat kanina."  masiglang sabi ng mga ito sa kanya.

"Okay lang, wala 'yun." balik tugon niya.

"Feeling namin kanina matatanggal na kami. Salamat sayo ah." tumango tango pa ang isa nitong kasama. "Wala 'yun, Ba't ba kayo pinagalitan ni Sir?" usisa niya sa dalawa.

"Hindi nga namin alam eh. Dinouble check at triple check na namin 'yung reports na pinasa namin sa kanya pero may mali daw. Tama naman lahat 'yun. Pinacheck din namin sa Main pero pag dating kay Sir Josh, mali daw lahat. Kaya ngayon nagkakagulo sa department namin para maayos agad 'yung reports na hinihingi niya." mahabang paliwanag ng babae. Nagtaka si Justin sa sinabi ng mga babae, kung wala naman palang mali bat may mali kay Josh?

"Ayusin niyo nalang para di kayo pagalitan ulit. Kakatakot si Sir." awkward na sabi niya sa dalawa.

"S-sobra, parang bumubuga siya nang apoy pag nakakagalit." nanginginig na sabi pa nito.

"Taray naman ni Sir, nagiging charmander pag nagagalit." natatawang sabi niya. "Ssshh. Baka marinig ka, yare ka dun." sita sa kanya.

[Charmander: Fire type pokemon]


"Sus. Hayaan mo 'yun." napairap pa siya. "Hindi ka takot kay Sir Josh?" manghang tanong ng babae sa kanya.

"Ba't ako matatakot." nakataas na kilay na sabi niya pa sa mga ito. Hindi siya natatakot kay Josh dahil mabait naman ito pero seryoso pagdating sa trabaho.

"Goodluck sayo, Mr. Secretary." pabulong na sabi sa kanya ng dalawa at lumabas ng elevator.

Umiling iling naman siya at Nag-antay ng ilang sandali bago makarating sa pinaka baba nang building kung nasaan ang cafeteria.

Lumapit naman siya sa counter para kumuha ng pagkain ni Josh.

"Ano sayo pogi?" nakangiting sabi nang cook ngunit may malisya sa titig nito.

"Agahan po sana para kay Sir Josh." ngumiti siya pabalik dito, nagbago naman bigla ang expression ng cook at sumeryoso ito sa pagkuha ng pagkain.

"Sandali lang ah. Maselan kasi si Sir Josh kaya aayusin ko muna." Tumango tango naman siya sa sinabi nito at nag antay ng limang minuto.

Inilapag nang cook tatlong bento box sa harap niya at inilagay sa lalagyan at sinamahan ng chopstick at inumin.

"Bakit po iba 'yung inilagay niyo na pagkain? Hindi 'yung mga nakahilera diyan?" sinipat sipat niya pa ang mga pagkaing nakahilera sa harap niya, ibang iba sa pagkain na binigay nito para kay Josh.

"Oo pogi, maselan kasi 'yung si Sir kaya iba pagkain niya." nagtaka naman kung bakit maselan si Josh, kumakain naman ito ng fastfood noong kasama niya nila ito ng anak niya.

"Sayo pogi, Ano pagkain mo?" tanong sa kanya. "Busog pa po ako, Mamaya nalang po siguro." balik na tugon niya at ngumiti sa tindera.

"Balik na ko sa opisina ni Sir. Salamat po." paalam niya rito. Kinawayan naman siya ng cook at nagpaalam din.

𝐓𝐞 𝐪𝐮𝐢𝐞𝐫𝐨, 𝐌𝐲 𝐎𝐦𝐞𝐠𝐚 - 𝐎𝐦𝐞𝐠𝐚𝐯𝐞𝐫𝐬𝐞Where stories live. Discover now