Capitulo Dieciocho

226 15 6
                                    

Capitulo Dieciocho

---
Hi Everyone, Merry Christmas and Happy New Year and I know it was very late to greet you guys >< I also know that you've been waiting for an update of this story so I sincerely apologize, if I take half a year to update this story, I just don't really have a time to make an update since I'm working na :< Hirap maging adult char btw, Hope you like this short update! I'm also planning to finish this story within this year para di na kayo mabitin pero I dunno which month ko siya matatapos hehe. Enjoy Reading!

---

Halos sumabog sa kaba si Justin bago lumingon kung sino ang humawak sa kanya.

Tinakpan nito ang bibig niya at sumenyas na "huwag kang maingay", tumango naman siya at dahan dahang sumama rito, hawak nito ang kamay niya at inalalayan siya patungo sa bintana.

Tiningnan niya kung gaano kataas ba sila at may kataasan ito, "Halika ka na," sabi ng binata sa kanya.

"Ayoko ang taas," sabi niya rito.

"Wala kang choices, tumalon ka na at kung hindi ay mahuhuli niya pa tayo, talon na bilis," ani pa ng binata sa mahinang boses.

"Justin, where are you..." sigaw ni Vester

"Shit.. Malapit na siya," panic na bigkas ng binata sa kanya.

"Oo na ito na, Tatalon na," kahit mataas ang kinaroroonan nila ay humawak siya ng mahigpit rito sabay tumalon.

Ramdam niya ang pwersa nung bumagsak sila sa lupa, puro putik at mga dahong humalo sa basang lupa.

"Okay ka lang?" tanong ng nagligtas sa kanya.

"Oo--," akmang tatayo na sana siya ay napaupo muli dahil may galos pala ang kanyang binti at nagdudugo.

Nakarinig naman sila ng malakas na yabag galing sa bintanang tinalunan nila at nakita nilang nakadungaw si Vester rito at nakangiti.

"What a nice view," sabi nito habang nagkakasa ng baril.

"What the fuck," bulalas na lamang niya.

Inalalayan naman siya ng binatang tumulong sa kanya at pinasan siya.

"Hep, hep? Saan kayo pupunta?" tanong ni Vester.

"Tatakas kami tanga ka ba," mataray na sabi niya rito.

Nagpaputok naman ng baril si Vester at nagsimulang magpanic ang dalawa.

Dali daling pinasan ng binata si Justin at kahit ito ay may kabigatan ay di niya ininda dahil kailangan nilang makatakas. Pumasok sila sa kung saan-saang parte ng gubat at naririnig pa rin nila ang pagtawag ni Vester at may kasamang tawa.

Iniisip tuloy ni Justin kung ano ang kasalanan niya sa lalaking iyon at siya ang napagtripan nitong kidnappin.

Tumigil muna sila sa may parteng may kuweba at naglabas ng flashlight ang binata at inilawan ang sugat ni Justin.

"Thank you, Josh.." sabit ni Justin.

"You're welcome, Justin.." ani nito habang nakangiti. Nahihiya man ay tumango naman si Justin.

"Pa'no mo pala nalamang andito ko?" tanong niya rito.

"I actually put a gps on your polo," mahinang sabi nito.

"Wait- what? Seryoso ba? bakit?" naguguluhang tanong niya rito.

"Alam ko kasing mangyayari 'to, Vester already did this to me for so many times, and all I have to do is to monitor you, to make you safe kaso nahuli ako.. I'm sorry," nakayuko ito at tila nagsisisi.

"Ha? bakit niya ginagawa?, gusto ka ba niya?" tanong niya muli rito.

"Nope, he did this to my previous secretaries because of what I did on her sister.." napabuntong hininga ito at tumuloy ng kwento.

"His sister was my previous secretary, a long time ago, di ko na maalala kung anong taon, His sister seduced me and drugged me, I was raped that time, Akala niya pinatay ko ang kapatid niya pero hindi, there's a lot of evidence na kapatid niya ang gumawa pero ayaw niyang maniwala kaya until now, he keep on blaiming me for his sister dahil nag suicide at may note before she passed na 'All I do was to love you...'." nangingilid ang luha ng binata habang nagkekwento sa kanya.

"I also suffered from amnesia, kaya hindi ko na matandaan lahat ng nangyari, I was in the hospital for many months, akala ko titigil na si Vester pero hindi pala," tuloy pa nito.

"I'm sorry, Josh.." iyon na lamang ang nasabi niya.

"Okay lang, hindi mo kasalanan," sabi pa nito sa kanya at niyakap siya.

Niyakap niya rin ito ng mahigpit at di niya namalayang nakatulog na pala siya.

Pagmulat ng kanyang mata ay puting kisame ang sumalubong sa kanya.

"Justin?" tiningnan naman niya kung sino ang tumawag sa kanya at si FJ iyon.

"FJ?," tuyot na sabi niya rito.

"Tubig please" sambit niya.

Pinaupo naman siya nito at inabutan ng tubig, agad naman niyang nilagok ito at nagsalita.

"Paano ko napunta dito?" tanong niya.

"Josh?" simpleng sabi nito.

"Oh right, friends nga pala kayo, i forgot," sabi na lamang niya rito.

"Are you okay?" sinserong tanong ng binata sa kanya ng may pag aalala sa mukha.

"Yup, I'm okay." ngumiti siya rito.

"Tingin ko, kailangan mo ng magpalit ng trabaho, Justin," seryosong sabi ni FJ sa kanya.

"Huh? Bakit mo naman nasabi?" tanong niya rito.

"You keep coming here in the hospital when you start working for Josh and his previous secretary was the same in your situation right now kaya walang nagtatagal sa kanya," seryosong saad muli nito. Nawirduhan siya sa tinuran ng binata na laging may naoospital sa pagiging secretary ni Josh.

"What do you mean?" curious na tanong niya.

"I don't know, I just think na malas si Josh," natatawang sabi nito.

"Baliw!" sabi na lamang niya at napairap dito.

"Just work for me and hindi mo nararanasang naospital muli," nagiba ang tono ng ni FJ ng sinabi niya ito kay Justin.

"You like me, do you?" prankang tanong nito sa binata.

"Yep, I like you, I really do." mabilis na sagot nito sa kanya. Shet haba naman ng hair ko nito.

"Umm-, Bilis mo naman sumagot," nahiyang sabi niya at umiwas ng tingin rito ngunit kinuha naman ni FJ ang kamay niya at hinalikan ito.

"I know but if you change your mind, please work for me and I will give you the best life that you want and also for your child, I will treat him like he was mine, okay?" sinserong saad nito habang hawak ang kamay niya at ramdang niyang mabuti ang intensiyon ni FJ sa kanya ngunit mayroon sa loob niya na pumipigil at hindi niya pa mawari kung ano ang pakiramdam na iyon.

"Hmm, Pag-iisipan ko," nahihiyang saad niya rito. "No worries, take you time," nginitian siya nito ng pagkatamis tamis at nagpaalam na may meeting pa ito at umalis.

Napaisip na lamang siya kung tama ba ang desisyon niyang nagtrabaho siya kay Josh dahil everytime na lang may nangyayaring masama sa kanya at lagi na lang siyang nasa peligro baka siguro totoo ang sinabi ni FJ na malas talaga si Josh.

---

Hope y'all have a blessed year ahead!

𝐓𝐞 𝐪𝐮𝐢𝐞𝐫𝐨, 𝐌𝐲 𝐎𝐦𝐞𝐠𝐚 - 𝐎𝐦𝐞𝐠𝐚𝐯𝐞𝐫𝐬𝐞Where stories live. Discover now