Prologue

6.7K 66 0
                                    


"NAPAKADAYA NIYO"
reklamo ko

"bakit naman?"
ngisi ni Mm tsaka tinabig yung kamay ng nagmemake up sa kaniya

"bakit? kasi dapat ako yung maid of honor. Kasi kung hindi dahil sa'kin, hindi magkakakilala si alexa tsaka si yna"
nguso ko

"ahh ma'am, yung lipstick mo po"
nahihiyang saad ng make up artist

"hoy, baka nakakalimutan mo ck, kung hindi kami nagkabalikan ni Monmon, hindi matutuloy ang kasal nila esang"
Nang-aasar na dugtong ni Mm

"ewan ko sa'yo"
simangot ko

"bakit ba kasi tinataguan mo si Rome? eh ok naman siya ah, diba?"
ngisi ni prayna

"manahimik ka prayna, baka nakakalimutan mo pang-RPW kalang?"
ngisi ko

binato naman niya ako ng brush kaya tumawa ako

"duling"
Pang-aasar ko dito

"hay nako mga tita, ang tatanda niyo na. para pa din po kayong teens"
suway ni Micah saming apat kaya nagtawanan kami

"eh ikaw chloe? kelan ang wedding of the century mo?"
singit ni mm

"huh? ah eh, wala naman akong boyfriend"

"ulol, anong tawag mo kay kevin?"

"si kevin? syempre para ko na siyang kuya"
ngiti ni chloe

napailing naman kami nila prayna

Kawawa naman si Kevin, hanggang kapatid lang ata talaga tingin ni Chloe sa kaniya...

MASAYA akong nakinig at sumubaybay sa seremonya ng kasal ng matalik naming kaibigan

makikita mo sa mga mata niya ang sayang hindi maikakaila, maging ang matatamis na ngiti sa kaniyang mga labi

"Micah, close your eyes"
suway ni mm kay Micah

"why would i mommy? kapag kayo nga ni daddy nagkikiss, 'di ako pumipikit ih"

hagikgik ni Micah na nagpatawa sa'ming lahat

"You may now kiss your bride"
saad ng pari na nagpahiyaw sa lahat ng saksi sa kasal ni Alexa at Ynamir

nagpalakpakan naman kaming lahat tsaka nagsimulang maglakad palabas ng simbahan para sa pagsaboy ng bulaklak sa paglabas ng bagong kasal sa simbahan

para naman akong tuod nang makita ko si Rome sa tapat ko mismo

nakatitig lang siya sa'kin tsaka itinapat yung dalawang daliri niya sa mga mata niya at itinapat sa'kin

na para bang binabantaan niya akong panonoorin niya lahat ng kilos at galaw ko

patay!

nagkunwari naman akong hindi ako apektado sa existence niya tsaka ngumiti at nakisaboy ng bulaklak kay Alexa at Ynamir

"LAHAT ng single na walang asawang mga babae, lapit sa gitna bilis-bilis"
energetic na saad ng emcee

kinadlakad naman ako sa gitna nila prayna tsaka pumwesto sa gitna

kapag talaga ako yung nakasalo ng bulaklak dito, pepektusan ko si Alexa dahil sa paghagis niya ng bulaklak

inihagis naman ni Alexa yung bulaklak kaya nagsimula ng magtalunan yung mga dalaga

sa takot kong maipit ako
umatras ako para umiwas sa mga kapwa babae

pero sa pag-atras ko
tumama sa pagmumukha ko yung bulaklak -,-

inis na dinampot ko yung bulaklak tsaka akmang ibabato pabalik kay Alexa nang magtilian sila prayna tsaka ako niyakap

"teka ano ba, naiipit ako!"
reklamo ko

"ako maid of honor mo ha?"
saad ni prayna

"anong ikaw? ako dapat"
singhal ni chloe

hinawakan naman ako sa braso nung baklang emcee tsaka kinaladkad palapit sa stage sa tabi ni Alexa

niyakap naman kaagad ako ni Alexa

"congrats babe, ikaw na next"
ngisi nito sa'kin kaya pasimple ko siyang siniko

"aww, dede ko yun ha"
reklamo niya

"nasiko lang nagreklamo na, kapag nilalamas naman ni----"
hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil tinakpan ni esang yung bunganga ko

"letse ka"
simangot niya kaya tumawa lang ako

sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi ko namalayan, na may nakasalo na pala ng garter

sana naman gwapo yung maglalagay ng garter sa hita ko ano?

nanlaki naman yung mata ko dahil si Rome ang maglalagay ng garter sa legs ko

"pwede bang magback-out"
tanong ko kay Alexa

"pinaglalaruan ka ng tadhana girl, kaya mo yan"

tawa ni Alexa tsaka ako itinulak paupo sa upuan sa gitna

nakagat ko naman yung labi ko nang lumuhod si Rome sa harapan ko

"akala mo hahayaan kong ibang lalaki ng maglagay nito sa'yo? Never!"
saad niya

"pinagsasabi mo?"

"nakipag-agawan pa ako para lang sa garter na toh. Just to feel your skin again"
reklamo niya

"eh bakit nakipag-agawan ka pa?"
taas-kilay na saad ko

"sumasagot kana ngayon? humanda ka sa'kin mamaya"
banta nito kaya napalunok ako

______________________________________

It's Just A One Night Stand (Campus Series#3)Where stories live. Discover now