Chapter 20

976 24 0
                                    

"Chef Cyna? pinapatawag ka po ni Chef khanes"

"huh? bakit daw?"
tanong ko dito na hindi man lang tumitingin sa kaniya
dahil abala ako sa pagdedesign ng cupcake na ginawa ko para kay mommy

"may iuutos lang daw po sa'yo"

bakit ako? eh chef ako? Mukha ba akong utusan?

pwede namang iutos niya sa iba psh...

naiinis na hinubad ko naman yung gloves ko tsaka yung hairnet

"nasaan daw ba siya?"

"nasa office ho ma'am"
saad nito

"osige ituloy mo muna itong ginagawa ko, gayahin mo yung designs na ginawa ko ah"
utos ko dito

"yes chef"
saludo pa nito

intern palang siya dito kaya masyado pa siyang magalang sa'kin

sa bagay, ako kasi ang head chef
kaya lahat sila iginagalang ako

kumatok muna ako bago pumasok sa opisina niya

as usual nakatalikod na naman sa'kin yung swivel chair niya kaya hindi ko siya nakikita

Tsss antipatiko

"pinatawag niyo daw ako sir?"
magalang na saad ko

"kuhanin mo yung sobre sa lamesa ko"

utos nito na talaga namang hindi humaharap sa'kin

sinunod ko naman yung utos nito kahit na bwisit na bwisit na ako

"buksan mo"
saad niya

amp. bubuksan lang yung sobre, iniutos pa sa'kin?

napaka-ano talaga potek

pagkabukas ko naman ng sobre
binasa ko kaagad yung laman

teka?

bakit sa'kin ata nakapangalan?

"ikaw ang magrerepresent ng restaurant natin sa television"
saad nito kaya nanlaki yung mata ko

"t-talaga po???"

"yes"

"achkkkkkkk"
tili ko habang nagtatalon sa tuwa

tumawa naman si Sir khanes kaya napatigil ako

"oh? bakit tumigil ka? I'm enjoying the scene here"
usisa niya

"manahimik ka SIR"
sarkastikong saad ko

"gumalang ka sa'kin, ako ang may ari ng pinagtatrabahuan mo"
matigas na saad nito

ngumisi naman ako tsaka nagsalita

"hala sige, kunwari natatakot ako sir Khanes"
He chuckled

"sa lahat ng empleyado dito, ikaw lang ang nakakasagot ng ganiyan sa'kin"

"tanungin mo ako kung bakit"
nakapamaywang na saad ko

"bakit?"

"kasi, sa tatlong taong pagtatrabaho ko dito sa resto mo, ni hindi ko nakitang humarap ka sa'kin. Ako lang ang empleyadong hindi nakikita ang itsura mo"

"excited to meet my face?"

"hindi, feel ko may malaki kang pimples sa mukha"
prangkang sagot ko dito

napansin ko namang itinigil niya ang kakapaikot ng swivel chair

napangiti naman ako dahil ang akala ko ay haharap na siya pero nabigo pa din ako

arghhhh...

itinaas naman niya yung kanang kamay niya at iminuwestrang lumabas na ako ng opisina niya

nakabusangot naman ang mukha ko pabalik sa sarili kong opisina tsaka itinuloy yung ginagawa kong cupcake

"Chef Cyna? bakit ganiyan po itsura niyo?"

"bwiset na Khanes 'yan"
reklamo ko

"bakit ma'am?"

"ah wala go back to your work"
utos ko dito

nagfile naman ako ng leave muna ngayong araw para makasama sa pagpaplano ng kasal ni Alexa tsaka Yna dahil nagkabalikan na si Mm at monmon

"OH? bakit ngayon kalang bruhilda?"
bungad kaagad ni Frayna

"tinapos kolang yung cupcakes para kay mommy"

"eh nasaan?"

"nasa car ko, alam ko kasing mauuna kapang kumain kaysa kay mommy kaya itinago ko na"
ngiti ko

"Psh! napakadamot mo magkababata ba talaga tayo?"
nagdadramang saad nito

umirap naman ako tsaka hinila yung buhok niya

"si Esang?"

"sinusukat na yung gown sa fitting room Btw, ang ganda mo talaga magdesign ng gown sis"
puri ni prayna

"nakita ko yung future gown ko dun"
saad ni prayna tsaka iflinip yung buhok niya

"bakit ba hindi ka nagfashion designer cyna?"
tanong ni chloe

"ahh yun ba? tinupad niya kasi yung pangarap ng kuya niya na maging Chef"
singit ni Mm tsaka umakbay sa'kin

"ahh yun ba"

tumango nalang ako bilang pagsang-ayon

KANINA pa kami nag-aasaran dito sa bahay ni Alexa about sa honeymoon

"dapat nakanighties ka girl"

"oo tapos huwag kana magpanty"
sulsol ni Mm

"gaga"
pang-iirap ni esang

"ang sarap kaya magmake love, kapag mahal mo yung partner mo sa bed"
nagiimagine na saad ni prayna kaya hinampas ko siya ng unan

"aray! pota naman"

"wala kang jowa remembrance?"
epal ko

"hoy meron"

"sino? yung nasa rpw?  HAHAHHAHA bhie, college mo pa nameet yung lalaki na yun sa rpw even his face hindi mo alam"

"pakialam niyo ba?"
pagtataray nito

"ghinost ka na nun girl"
sagot ni mm

"ah basta magiintay pa din ako, hindi naman siya nagdelete ng account"

"hala ka teh! tatlong taon na niyang di inoopen account na yun, for sure hindi na niya alam password nun"

nalungkot naman yung mukha niya kaya inabutan namin ng alak

"ilaklak mo 'yan sis"
pangdedemonyo ni Mm

"nasaan pala si Micah?"
singit ko dahil namimiss ko na din ang kadaldalan ng batang yun

"nasa daddy niya"
tumango naman ako tsaka ibinuhos ang atensyon sa alak

_________________________________________

It's Just A One Night Stand (Campus Series#3)Where stories live. Discover now