Chapter 14

990 31 0
                                    

"TUMIGIL kana"
sigaw ni daddy

"Hon, tama na"
awat ni mommy

"k-kasalanan mo daddy"
iyak ko tsaka lumuhod sa may paanan niya

"WALA NA AKONG MAGAGAWA, HINDI KONA MAIBABALIK ANG BUHAY NG KUYA MO"
sigaw ulit ni daddy

napapikit naman ako dahil sa takot,
ito ang unang beses na nasigawan ako ni daddy.... pero hindi ito ang unang beses na nakita ko siyang sumisigaw

lagi kong nasasaksihan kung paano niya sigawan si kuya, sa harapan ko mismo.

napayakap naman ako sa tuhod ko dahil sa mga ala-alang nanumbalik sa isipan ko noong buhay pa si kuya, at nung nawala siya sa buhay ko

MARAHAN kong iminulat ang mata ko at sumilay sa'kin ang sikat ng araw sa kwarto ko

nakareceive naman ako ng mensahe mula sa condo security na napalitan na daw nila ang password ng unit ko, gaya ng hinihiling ko.

banayad ang oras habang naghahanda ako ng panibagong araw para sa pag-aaral ko

"HAYYYY, mabuti nalang at natapos na natin 'tong project"
ngiti ko habang sinesave yung file sa laptop ni Charlie

"best partner ka talaga"
saad ni Charlie

"huh? paano mo naman nasabi?"
tanong ko rito

"yung mga past partner ko kasi sa projects, puro pabuhat, ikaw lang yung nakicooperate."
ngiti niya tsaka ginulo yung buhok ko

"naks!"
tanging saad ko tsaka nakipag-apir sa kaniya

"natatae ako"
seryosong saad ko kay Charlie

bigla naman siyang sumeryoso tsaka humawak sa siko ko

"halika na sa cr mo na isabog 'yan, mahirap na, baka dito pa sumabog 'yan.."
seryosong saad niya kaya humalakhak ako

"natatae kana, nakuha mo pang tumawa"
seryosong saad nito

mygad! para siyang si kevin
laging seryoso, umay!

"nagbibiro lang ako gagi"
hampas ko sa braso niya
napailing naman siya bago ngumiti

"kala ko naman tinatawag kana talaga ng kalikasan"

"ako? tatawagin talaga ako ng kalikasan noe, diwata kasi ako"
biro ko kaya nakitawa din siya sa kalokohan ko

pabalik na sana kaming dalawa sa room habang nagbibiruan nang harangan kami ni Rome

napalunok naman ako dahil sa itsura niya

basang-basa yung buhok niya, tapos medyo magulo pa

yung polo shirt niya din hindi nakabutones, halatang nagmadali

"b-bakit ganiyan ang itsura mo?"
tanong ko sa kaniya

ngumisi lang siya tsaka tumingin kay Charlie kaya medyo kinabahan ako

"sinisimulan mo na bang agawin ang pagmamay-ari ko?"
sarkastikong saad ni Rome

"huh? kung 'yan ang iniisip mo wala akong magagawa"
sagot ni Charlie

"sumama ka sa'kin Ck"
seryosong saad ni Rome

medyo nahihiya na din ako dahil nakatingin na yung ibang istudyante

"hindi siya sasama sa'yo"
sagot ni Charlie kaya napapikit ako ng mariin

"mauna kana Charlie, kakausapin ko lang muna siya"
paalam ko kay Charlie tsaka sinimulang hilahin si Rome papunta sa garden ng school

Yumakap naman kaagad si Rome sa akin ng mahigpit tsaka nagsalita

"Please! huwag mo akong ipagpapalit sa iba"
malumanay na saad nito

hindi naman ako nakasagot dahil sa sinabi niya

"kung ano 'man yung nagawa ko kagabi, patawarin mo ako, alam kong takot ka kapag nasisigawan ka, alam kong nanghihina ka kapag minumura o sinisigawan ka ng lalaki, nagsisisi akong ginawa ko kagabi ang pinakakinatatakutan mo, patawarin mo na ko mahal ko..."

nanlaki naman yung mata ko dahil lumuhod siya sa harapan ko
hinalik-halikan niya pa ang palad ko at nakiusap ng nakiusap

"tumayo ka nga riyan"
sita ko sa kaniya

"hindi! hindi ako tatayo hangga't hindi mo ako napapatawad"

I breathe heavily

"pinatawad na kita, kagabi pa"
ngiti ko sa kaniya

yumakap naman siya sa tiyan ko kaya hindi niya napansin ang pagtulo ng luha ko

sana hindi mo na ulitin
sana hindi mo na ulit ako saktan
sana...

________________________________________

It's Just A One Night Stand (Campus Series#3)Where stories live. Discover now