Chapter 28

920 28 0
                                    

TOTOO naman diba?
hindi yun nagkataon lang?

kasi kaibigan ni ynamir si Rome
kaya nandun din siya sa kasal right?

ashuming lang ako kung iisipin kong pinagtatagpo ulit kami ng tadhana

TUMAYO naman ako tsaka pumunta sa harapan para magreport

"uy ang galing mo kanina huh?"
ngiti ni ryma

"sus! pinag-aralan ko talaga yun"
nahihiyang ngiti ko

sinundo naman ako ni kuya sa school kaya dumiretso kami sa Starbucks

nagpunta naman sa counter si kuya kaya humanap na ako ng upuan

may kameet up daw kasi siya ngayon dito sa Starbucks kaya behave lang dapat ako

pagkarating naman ni kuya sa lamesa namin iniabot niya na sa'kin yung kape na inorder niya

tahimik naman akong nagtatype sa laptop ko nang may umupo sa may tabi ko

dumating na siguro yung kameeting niya, hindi ko naman ito tinignan dahil busy ako sa pagtatype

tsaka si kuya naman ang kameeting niya, hindi ako

"am i late?"
saad nito

napatingin naman ako kaagad sa kaniya

wth!?
pinagtitripan ba ako ni kuya?

"not really"

nagpanggap naman akong hindi apektado

buong pag-uusap nila ni kuya
kanina niya pa sinisipa yung paa ko sa ilalim lamesa kaya napipikon ako

bigla naman niyang hahawakan yung hita ko kaya kinukurot ko yung kamay niya

"ahm kuya? mauna na ko sa car huh?"
saad ko kay kuya

"yah sure, wait me there"

binelatan ko naman si Rome bago ako lumabas

ngumisi lang siya kaya mas lalo akong nairita

"TELL me kuya? plano mo ba 'to?"

"huh? i didn't! kinuha niya yung resto ko para magcater sa event ng company niya"

marahan naman akong tumango dahil sa sinabi niya

feeling ko sinasadya talaga ni Rome toh eh

humanda siya sa'kin!

"TULALA ka na naman riyan ck"
epal ni Sean

"pakialam mo ba?"
pagsusungit ko dito

"bakit ang sungit mo bigla?"
nguso niya

"sampalin kaya kita riyan ng napkin na bagong palit?"
inis na saad ko dito

"sabi ko nga red tide ka ngayon"
nagkakamot ulo na saad nito kaya umirap nalang ako

Tsss!
ang epal talaga kahit kailan

tumigil naman yung kotse kaya kumunot yung noo ko

"anyare?"

"naflatan tayo ck"
nagkakamot ulo niya

sakto namang may dumaang kotse kaya pinara ko

nagulantang naman ako na si Rome yung lumabas

"need help?"
tanong nito

"oo eh malelate na sa klase si Ck, pwede mo bang ihatid?"

ngumisi naman kaagad si Rome

"ah-huh? kaya ko naman magcommute"
palusot ko tsaka lumayo ng kaunti na pawa bang naghahantay ng taxi

hinila naman bigla ni Rome yung braso ko tsaka ako kinaladkad papasok sa kotse niya

"t-teka, si Sean"

"kaya na niya sarili niya, hindi na siya bata"

"bakit? kaya ko din naman sarili ko ah"
nakacrossed arms na saad ko

"no, you're not"
kontra nito tsaka ikinabit yung seatbelt sa'kin

psh!

nagmaneho naman kaagad siya papunta sa school na pinapasukan ko

t-teka? paano niya nalaman kung saan ako pumapasok?

"Nandito na tayo, susunduin kita mamaya huh? kamahalan"
ngisi niya

padabog ko namang isinara yung pintuan ng kotse niya tsaka naglakad nang mabilis papasok sa klase

"Anong itsura 'yan girl?"

"huh?"
naguguluhang tanong ko kay Ryma

"mukha kang nasalanta bhie"

"huh? ah eh kasi yung ex ko"

"s-si Rome?"

"oo eh"

humatak naman kaagad siya ng upuan tsaka nangalumbaba na para bang hinihintay yung kwento ko

"ikwento mo sa'kin dali"
nakangising saad niya

"SERYOSO? bakit ngayon mo lang sinabi sa'kin 'yan?"

"kasi diba? busy tayo parehas"

"tsss, nung kasal pa pala ni Alexa kayo nagkita, ay mali, nung pumunta siya sa Restaurant ng kuya mo diba diba?"

"oo"

"feeling ko, matagal ka na niyang binabantayan"

"huh? paano mo naman nasabi?"
curious na tanong ko

"kasi diba? alam niya kung saan ka pumapasok ngayon?"

"hindi siguro, malay natin sinabi ni kuya, o kaya naman ni Sean"

marahan naman kaming tumango parehas

"pero feeling ko talaga, magkakabalikan kayo niyan"
ngisi nito

"ulol ka ba? ayoko sa cheater noh"

"huwag magsalita ng tapos, baka nakakalimutan mo? hindi mo siya hinayaang magexplain bago mo hinusgahan si Rome that time"

nakagat ko naman yung labi ko dahil sa sinabi nito

"pare-parehas din naman kasi sila, parang si Louie din siya, cheater"
mapait na ngiti ko

"si Louie at si Rome, magkaiba"
saad nito

"magkaiba naman talaga sila, si Louie, pumatol sa bayarang babae. Si Rome, nakipagtalik ulit sa EX niya"
diin ko sa word na ex

eh totoo naman eh

bumalik naman ulit sa ala-ala ko yung picture na isinend sa'kin nung ex ni Rome a year ago

kapag naaalala ko talaga yun
sobrang sakit ng nararamdaman ko sa dibdib ko

_________________________________________

It's Just A One Night Stand (Campus Series#3)Where stories live. Discover now