Chapter 10

1.2K 41 0
                                    

1month akong niligawan ni Rome and sinagot ko na din siya

alam na alam sa campus ang tungkol dito kaya kilalang-kilala na din ako sa campus

medyo naiilang ako minsan dahil yung mga kaklase kong lalaki na dating lagi kong kasama

umiiwas na ngayon

seloso kasi si Rome kaya hindi na din ako makapagreact

"so? what now?"
tanong ni chloe

"h-huh?"

"gaga, yung plano mo?"

"plano ko?"
lutang na tanong ko

"potek ka, diba tatakas tayo mamaya kay Rome?"

napatampal naman ako sa noo ko

"oo nga pala"
sagot ko

"so ano na nga?"
tanong niya

ngumisi naman ako tsaka nakipag-apir kay chloe

aattend kasi kami ngayon ni chloe ng seminar about sa architectural drawings

after naman dun
dederetso kami sa puntod ni kuya para magpicnic

"MAY laro ako mamaya babe"
saad ni Rome

"hmm?"

"manonood ka diba?"
nguti niya

"h-huh? hindi ako pwede eh"
palusot ko

"huh? bakit naman?"
nguso niya

"may tatapusin akong project mamaya sa room kasama si Chloe"

"ganun ba?? sige, take care ok?"
sagot niya tsaka humalik sa noo ko

napangiti naman ako dahil umaayon sa'kin ang plano

"TARA na?"
aya ni chloe

tumango naman ako tsaka chineck kung nagpapractice na sila Rome

nang macheck ko naman na naglalaro na siya

kinaladkad ko na palabas ng campus si Chloe tsaka pumara ng taxi

TAHIMIK naman kami dito ni Chloe sa likuran habang nakikinig sa seminar nang may umupo sa magkabilang gilid namin ni Chloe

nanlaki pa yung mata namin dahil si Rome at Kevin ang tumabi sa'min

"p-paanong..."

"shhh, nakikinig kami"
sagot nila kevin kaya nagkatinginan kami ni chloe

Lagot...

"LAGOT tayo siz"
natatarantang saad namin ni chloe sa isa't-isa dito sa loob ng cr

"tae ka, patay tayo dun sa dalawang yun."
nguso ni chloe

huminga naman ako ng malalim tsaka humawak sa balikat niya

"kaya natin toh, fighting"
ngiti namin sa isa't-isa

pagkalabas naman namin sa restroom
ngumiti agad kami dun sa dalawa na nakasandal sa railings

hinihintay kaming dalawa

"bakit hindi kayo nagpaalam sa'min?"
seryosong tanong nilang dalawa

"ahh eh ano kasi"
sagot ni chloe

"tara sa puntod ni kuya? picnic tayo dun"
pag-iiba ko ng usapan

nakita ko namang umiling si Rome habang nakatingin sa'kin

patay ako dito mamaya

hinawakan naman niya yung kamay ko papunta sa kotse niya

"bro? iuwi mo na si chloe, ako na sasama kay ck"
saad ni Rome

ngumuso naman si chloe bago nagpaalam sa'kin

nakanguso naman ako hanggang sa makauwi kami sa condo ko

"bakit hindi ka nagpaalam?"
salubong na kilay na saad ni Rome

"busy ka kasi"
saad ko

"ano naman? may time naman ako sa'yo ah"

"ayoko lang mahati oras mo sa'kin tsaka sa mga gawain mo"

"ck naman, pag-aawayan na naman ba natin toh?"
reklamo niya

hindi nalang ako sumagot tsaka yumuko

yumakap naman siya sa tiyan ko kaya napapikit ako

"trabaho kong alagaan ka, kasi nobyo mo ako, kaya huwag mo ng uulitin yun ha?"

"opo"
sagot ko

_________________________________________

It's Just A One Night Stand (Campus Series#3)Where stories live. Discover now