Chapter 5

1.5K 37 0
                                    

"DAD! ayoko sabing magdoctor"
sigaw ni kuya kay dad

"sinisigawan mo na ako ngayon?"
galit na saad ni daddy

"ang kulit mo kasi dad, it doesn't mean that if we're family doctors that's my passion, but no dad! That's not my passion."
galit na saad din ni kuya

napapaigtad naman ako sa tuwing hahampasin ni daddy yung lamesa

"ikaw ang matigas ang ulo, ayaw mong makinig sa'kin, hindi ka pwedeng magchef"

"wala kang magagawa dad, magchechef ako, kasi yun yung gusto ko"

"lumayas ka sa pamamahay ko, tustusan mo yung sarili mong pag-aaral"
sigaw ni daddy

"Great! I can handle my self."

"ang kapal ng mukha mo!!"
sigaw ni dad tsaka kinuwelyohan si kuya

"daddy tama na please"
pagmamakaawa ko kay daddy

"magmula ngayong araw, hindi na kita anak"
saad ni daddy tsaka umalis sa kusina

"pagpasensyahan mo na ang dad mo, magpapalamig lang ng ulo yun"
saad ni mommy

umalis naman si kuya bitbit yung susi ng kotse niya

sa tuwing magtatalo sila ni daddy, wala akong magawa, grade 3 palang ako, senior high na si kuya

lagi nalang akong umiiyak sa room ko kapag nangyayari yun, i don't have any authority in this house i don't have the right to complain anything because I'm just a kid

"LOLA? can i sleep beside you and lolo po?"
malungkot na saad ko

"aba oo naman, nag-away na naman ba ang kuya allen mo at daddy mo?"

"opo huhuhu"
malungkot na saad ko

"shhh! andito si lola"
pampapalubag loob ni lola sa'kin

narinig naman namin na nagpapanic si mommy at daddy kaya tumakbo ako pababa ng hagdan

"mommy? where are you going?"

"s-si a-allen, naaksidente"
she said

nagmadali naman sila ni daddy sumakay sa kotse

sumunod naman ako sa likuran kaya hindi nila napansin dahil maliit lang ako

"kapag may nangyaring masama kay Allen, hindi ko mapapatawad ang sarili ko"
naiiyak na saad ni daddy habang nagmamaneho

tahimik din akong umiyak sa likuran habang nakikinig sa usapan nila

mamamatay ba kuya ko?
hindi pwede
love na love ako ni kuya

lagi niya akong inaalagaan kapag weekend
nagpe-play kami sa garden tapos binabasahan niya ako ng stories

"wahhhh, i want to see kuya Alive"
iyak ko sa kotse kaya nagulat sila mommy

"C-ck?"

"mommy? daddy? kuya is alive po 'diba?"
iyak ko habang pinupunasan luha ko

"he is, baby. come here"
aya ni mommy sa'kin sa harapan

lumipat naman ako sa harapan tsaka yumakap paharap kay mommy

"i wanna see my kuya, alive"
iyak ko ulit

"he is alive sweetheart, he is"
saad ni daddy tsaka pinisil ang mga kamay ko

pagkarating naman sa ospital
hawak-hawak ni mommy yung kamay ko kaya tingin lang ako ng tingin sa paligid

where's my kuya? huhuhu

binuhat naman ako ni mommy hanggang makarating kami sa may dulo ng hallway

nakita ko si kuya na parang kinokuryente tapos napapaangat yung chest niya

nakita ko namang umiiyak si daddy tsaka si mommy

"mommy? ano pong ginagawa nila kay kuya? Kinukuryente po ba nila kuya ko? Mommy? Sinasaktan nila kuya ko??"
curious na tanong ko

hindi naman nakasagot si mommy tsaka humalik sa pisngi ko

nakita ko naman na nagstraight line yung guhit dun sa monitor
tapos tinigil na nung doctor pagkuryente kay kuya

humagulgol naman ng todo si mommy kaya napaiyak din ako

why are they crying? huhuhu

pumasok na kami sa loob tapos nakita kong hindi gumigising si kuya

"kuya? kuya wake up"
yugyog ko sa kaniya

hindi siya gumalaw kaya naiyak na ako

"mommy? bakit ayaw gumising ni kuya?"

"baby, he's dead"
iyak ni mommy

natulala naman ako tsaka tumitig kay kuya

"kuya, wake up na, diba sabi mo di ako magboboyfriend habang wala kapang work?"

nakapikit pa din siya kaya sinundot ko yung cheeks niya

"kuya???? kuya wake up kana please huhuu, sino na magbabasa ng story sa'kin?"
iyak ko

binuhat naman ako palayo ni daddy kay kuya kaya lalong lumakas yung iyak ko

"no kuya noooo you're not dead"
sigaw ko habang umiiyak

NAPABALIKWAS naman ako ng bangon tsaka yumakap sa tuhod ko

"k-kuyaaa, miss na kita kuya"
iyak ko

bakit mo'ko iniwan kuya?
wala na'kong saviour huhu
miss na miss na kita kuya

promise! tutuparin ko yung pangarap mo. Magiging chef ako.

_________________________________________

It's Just A One Night Stand (Campus Series#3)Where stories live. Discover now