Chapter 6

1.4K 38 0
                                    

"WOF tayo mamaya guys?"
aya ni prayna tsaka umakbay sa'min ni esang

"huh? may class diba?"
tanong ni esang

"gaga, maaga uwian ngayon"
ngisi ni prayna

"hindi ako makakasama"

"huh? bakit naman?"
nguso ni esang

"pupunta ako sa puntod ni kuya"
ngiti ko

frayna sighed and pinch my cheeks

"sige, basta ah? take care"
ngiti nito sa'kin

tumango naman ako tsaka nauna na maglakad para pumasok sa room ko

buong klase lutang ako
halos lahat ng lessons wala akong naintindihan kakaisip sa mga nangyari sa past

halos si kuya naging inspirasyon ko sa pag-aaral, lahat ng gagawin ko nakasalalay lahat kay kuya

"ok class, yun muna sa araw na 'to, ibibigay ko ang natitirang oras sa theater club"
saad ni sir bago lumabas ng room

walang gana naman akong tumingin sa harapan para makinig sa club pero nanlaki agad yung mata ko

officer si Rome ng theater club?
patay!

"uyy cyna, diba sasali tayong theater club? nagpromise ka sa'kin"
ngiti ni Mikyla

napabugtong hininga nalang ako tsaka tumango

tumingin naman kaagad si Rome sa direksyon ko kaya nagpanggap akong hindi ko siya nakikita

invisible siya sa paningin ko -.-

>.<
akala ko tatantanan na niya ako
pero lumapit siya sa upuan sa tabi ko tsaka umupo doon

"magsimula na kayong magrecruit"
ngisi niya sa ibang officers tsaka nagsimulang kumuha ng litrato

napairap naman ako tsaka nagfocus sa harap

"sasali ka sa theater?"
ngisi ni Rome at nangalumbaba sa lamesa ko

"paki mo??"
pangbabara ko

"mabuti"
ngisi niya tsaka tumayo ulit

anong trip niya?

inabutan naman ako ng papel ni Jerome, presidente namin sa klase

tumabi siya sa'kin tsaka ako dinaldal

"sasali ka diyan cyna?"
ngiti niya

"oo eh, nagpromise kasi ako kay mikyla"

"sasali din ako, kasali ka eh"
ngiti niya ulit tsaka pinisil yung pisngi ko

ramdam ko namang namula yung pisngi ko dahil sa kilig

aaminin ko
crush ko siya haha!

tinabig naman ni Rome yung kamay niya kaya napatingin kaming dalawa sa kaniya

"huwag mong hahawakan si cyna, lalo na kapag malapit ako"
inis na saad nito

kumunot naman yung noo namin ni jerome tsaka parehas na nagkatinginan

nagkibit-balikat lang ako tsaka nagsimulang magsulat dun sa recruitment paper

MABILIS na naglakad ako para sumakay sa jeep nang may humatak sa braso ko

"seryoso? magji-jeep ka?"

"pakialam mo ba Rome?"

"sa iksi ng palda mo sasakay ka sa public transportation?"
salubong na kilay na saad niya

"eh ano naman?"

"bakit magjijeep ka?
diba nilalakad molang pauwi condo mo?"

"may pupuntahan ako"
seryosong saad ko

hinila naman niya ako palapit sa kotse niya

"hoy ano ba, bitaw"

"saan ka pupunta? sa boyfriend mo? hindi ba ako boyfriend mo?"
nakangusong saad nito

"anong sabi mo!?"
nanlalaking mata na saad ko

"boyfriend mo'ko"
ngisi niya

"manahimik ka, wala akong boyfriend, at hindi ako magboboyfriend"

"alam ko"
saad niya

"anong ibig mong sabihin?"

"wala, sakay."
bukas niya sa pinto

"ayoko"

"sakay, alam kong pupunta ka sa puntod ng kuya mo"
seryosong saad nito

"paano mo nalaman?"

namula naman yung pisngi niya tsaka umiwas ng tingin

"narinig ko kay Alexa tsaka Frayna"

"a-ahh o-okay"
saad nito

NAGTAKA naman ako dahil alam niya kung saan banda yung puntod ni kuya

"bakit mo alam?"

"hinulaan kolang"
saad nito

kumunot naman yung noo ko tsaka tumitig sa kaniya

"huwag nang madaming tanong"
reklamo niya

marahan naman akong tumango tsaka pumunta sa puntod ni kuya

nagtirik ako nung kandilang binaon ko tsaka nagbukas ng biscuit para ilagay sa puntod niya

"hi kuya? I'm back"
ngiti ko

"miss na miss na kita kuya, minsan nga, kapag naaalala kita. binabasahan ko ng kwento yung sarili ko."
ngiti ko ulit

pinipigilan yung luha

"death anniversary mo na bukas kuya"
mapait na ngiti ko

"kaya pala napanaginipan kita kagabi, kasi malapit na yung anibersaryo ng pag-iwan mo sa'kin"
mahinang saad ko tsaka tuluyang tumulo yung luha

pinahid naman ni Rome yung luha ko tsaka umakbay

"ah kuya si Rome nga pala, schoolmate ko"
ngiti ko tsaka hinimas yung puntod niya

"gagraduate na'ko kuya, after this year, college na'ko. promise ko sa'yo, kukuhanin ko yung course na gusto mo."

pinisil-pisil naman ni Rome yung pisngi ko kaya nairita ako

"ano ba rome! pampam, nagdadrama eh"
nguso ko

"kung buhay siguro kuya mo, kanina kapa tinatawanan nun, ang panget mo umiyak, tulo sipon."
pang-aasar niya kaya hinabol ko siya

"napakapaepal mong animal ka"
sigaw ko habang hinahabol siya

napahawak naman ako sa dibdib ko habang hinahabol siya

napaluhod ako dahil nahihirapan na akong huminga

"C-cyna? inhaler mo nasaan!!???"
nagpapanic na tanong ni Rome

"n-nasa bag"
saad ko

nagmadali naman siyang kuhanin yung inhaler ko tsaka iniabot sa'kin

"m-may hika ka padin?"
nag-aalalang tanong niya

napatango lang ako tsaka yumakap sa leeg niya

"iuwi mo na ako"

tumango lang siya tsaka ako binuhat papasok sa kotse

kahinaan ko talaga yung hika

"bakit nung nag-ano tayo? hindi ka naman hinika"
seryosong tanong ni Rome kaya naibuga ko yung iniinom kong pineapple juice galing sa ref

"napakabalahura mo Rome"
reklamo ko

tumawa naman siya ng tumawa sa sofa habang pinapanood ako

"cute mo talaga"
ngisi niya tsaka lumapit sa'kin

humalik naman siya sa noo ko
"uuwi na ako, take care of yourself ok?"
saad nito tsaka lumabas ng unit ko

napahawak naman ako sa puso ko

shit! bakit tumitibok ka sa kaniya?

_________________________________________

It's Just A One Night Stand (Campus Series#3)Where stories live. Discover now