Chapter 8

1.3K 33 0
                                    

"wow, bootipullll"
pumapalakpak na saad ni Jake
kapatid ni Alexa

natawa naman ako tsaka ginulo yung buhok niya

"talaga? maganda?"
ngiti ko

"opo ate, tapos amoy masarap pa"
nakangiting aniya

"hay nako jake, si ate ck mo pa ba? eh ang sarap-sarap magluto niyan"
puri ni esang tsaka ako pasimpleng binunggo

napailing nalang ako tsaka tumawa

"sira ka talaga"

"LUTO na ba?"
malaking ngisi ni Rome tsaka inamoy-amoy yung niluluto ko

"mag-intay ka"
suway ko sa kaniya tsaka pasimpleng hinawi yung kamay niya

"nagsimula lahat, nang makita kang umiiyak~"
kanta niya habang naglalakad papunta sa upuan habang nagsusway yung dalawa niyang kamay

bakit parang ngayon kolang narinig yung kanta na yun?

"nakasimangot ka
walang pakialam sa itsura mo~"
pagpapatuloy niya sa awit niya

"Anong kinakanta mo?"
kunot-noong tanong ko

"kanta ko yun sa babaeng pinapangarap ko"
saad niya

"huh? eh bakit ganiyan yung simula?"
nangalumbabang saad ko habang iniintay maluto yung ulam

"yun kasi yung unang araw na nagkita kami, ganun yung pangyayari"
nakangiting sambit niya na pawang inaalala yung mga sandaling yun

napatango naman ako sa sinabi niya

"dahan-dahan akong lumapit
at ika'y aking kinausap
akala ko ako'y susungitan~"
kanta ulit niya kaya nakinig nalang ako

"lumipas ang ilang minuto
tamis ng 'yong halakhak
aking kinabaliwan~"

"ikaw nagcompose niyan?"
singit ko

ngumiti naman siya

"oo"

"akala ko makakasama ka hanggang pagtanda, pero bakit, inilayo ka ng tadhana?~"
kanta niya habang nakatitig sa mga mata ko

nailang tuloy ako kaya humarap nalang ako sa niluluto ko

PASIMPLE ko naman siyang tinitignan habang nagdodrawing ako ng mga gown sa sketchpad ko

mula pagkabata ko kasi nahiligan ko na ang pagguhit ng mga gowns

gusto ko talagang mag-fashion designer, pero simula ng mamatay si kuya, parang nagkainteres ako sa pagiging chef.

"kanina kapa tingin ng tingin, may gusto kang sabihin?"
tanong niya kaya napaupo ako ng tuwid

"ahh wala naman"
nakangiting saad ko

"ano ba yan? patingin nga"
agaw niya sa sketchpad ko

"ha? akin na yan uyy"
agaw ko

hinarangan naman niya yung kamay ko tsaka ako niyakap ng kaliwang braso niya habang tinitignan niya yung sketch ko

"eto ba yung mga dream gown mo?"
tanong niya

"y-yeah"

"puro bridal gowns toh ah"
ngisi niya

"ahh oo, 'yan yung mga bridal gowns na gusto kong gamitin namin magkakaibigan"

"so gusto mo? ikaw magdesign ng mga gown niyo?"

"yeah"
ngiti ko

"feel ko, na etong designs mo ang gagamitin nila"
pangungumbinsi niya sa'kin

"sana nga..."

It's Just A One Night Stand (Campus Series#3)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin