Chapter 9

1.1K 34 0
                                    

"bakit nandito si Rome?"
nakataas na kilay na tanong ni mm

napakamot naman ng ulo si Rome habang nakatingin sa'kin

"at nasa kwarto mo pa huh?"
sulsol ni alexa

"ahmn ano kasi, ganito 'yan"
nagkakamot ng ulo na saad ko

"huwag tayo dito, dun tayong lahat sa labas"
hila ni mm sa manggas ng tshirt ko palabas ng kwarto

nakanguso naman akong umupo sa sofa tsaka yumuko dahil sa kahihiyan

prente namang umupo si Rome sa tabi ko na parang walang nakahihiyang nangyari kaya siniko ko yung bewang niya

"aray!"
bulong niya

"so bakit nasa kwarto mo si Rome? at bakit nandito siya sa unit mo? bakit kayo magkasama? kailan kayo nagkakilala?"
sunod-sunod na tanong ni MM

"hep-hep, isa-isa lang pwede?"
singit ko

"go ahead"
sagot nito

"g-ganito kasi 'yan"
panimula ko

"nagkakilala kami sa campus, noong unang araw ng pasok niya, tapos nakiusap siya sa'kin na si Alexa nalang daw yung pagpanggapin ko na nobya ni Yna"
nakayukong saad ko

"oh? eh bakit nandito siya sa unit mo?"

"wow Mm, tunog nanay ka kay ck, pwede ka na maging nanay"
pang-aasar ni Alexa

"manahimik ka riyan esang"
saad nito kaya napalabi nalang si esang

sasagot na sana ako pero inunahan ako ni Rome

"may gusto ako sa kaibigan niyo, kaya nandito ako, nililigawan ko siya"

"eh bakit gabi?"

"kanina pa ako dito, inabot lang ng gabi"

"bakit nasa kwarto ka?"
nakataas kilay na tanong ni Mm

"nataranta siya nung nakita niya kayo sa labas, kaya kinaladkad niya ako sa kwarto kanina para itago sa inyo"

"ganun ba? bakit mo naman tinatago sa'min cyna?"
masungit na tanong nito

"kasi diba? baka asarin niyo ako"
nguso ko

"asarin saan?"

hindi naman ako sumagot

"ahh, naalala ko, kasi diba? ayaw ni ck sa boyfriend keme keme?"
tanong ni prayna

tumango naman si MM

"sira ka, kung hindi kita tinanong, iisipin kong may nangyari na sa inyong dalawa"

dahil sa sinabi ni Mm
hindi kona mabilang kung ilang beses na akong nakalunok ng laway dahil sa sinabi niya na yun

"SALAMAT ah?"

"para saan naman?"
tanong nito habang hinihimas yung buhok ko

"kasi, pinagtakpan mo ako kanina"
ngiti ko

"plus points na ba 'yan sa panliligaw ko?"

napabangon naman ako sa sinabi niya

"seryoso yung sinabi mo sa kanila kanina?"

"oo, hindi ko lang sinasabi, pero nanliligaw na talaga ako"
sagot nito

"seryoso??"

"oo nga, hindi mo pa ba narararamdaman?"
nguso niya

"h-huh? ah eh kasi naman"
naiilang na saad ko

hinila naman niya ako pabalik sa pagkakaunan sa braso niya

"it's ok, at least ngayon, alam mo na, na nililigawan kita. specially your friends"
ngiti niya

ngumiti din ako pabalik tsaka umunan ulit sa braso niya

________________________________________

It's Just A One Night Stand (Campus Series#3)Where stories live. Discover now