Chapter 13

1.1K 28 0
                                    

kanina pa nakabusangot yung mukha ko dahil sa kalokohang ginawa ni Rome kanina sa jail booth

ipinahuli niya ako dun sa ssg kahit na wala akong violation na ginawa

nagseselos daw kasi siya sa ginawa ni Charlie kanina sa'kin kaya gusto niya piyansahan niya din ako tapos doble yung bayad

"galit ka pa din?"
pangungulit niya

"heh!"
suway ko sa kaniya

"hmp. babe naman eh, sorry na.. nakakaselos kasi"
nguso niya

"wala ka naman dapat pagselosan ih"

"eh nakakaselos nga eh"
nguso niya ulit

"tsss, wala kabang tiwala sa'kin ha?"
medyo offended na tanong ko

"huh? bakit mo naman naitanong 'yan? ang laki kaya ng tiwala ko sa'yo"

"eh bakit nagseselos ka?"

"may tiwala ako sa'yo, pero sa mga lalaking lumalapit sa'yo wala"

"psh! tingin mo ba magfiflirt back ako?"
singhal ko

"hindi"

"hindi naman pala eh"

"eh nagseselos ako eh, sorry na"
paglalambing niya

"bakit ka muna nagseselos?"

"Because you're mine, mine only, mine alone. And i hate it when someone comes near you and hold you that is supposed to be me only!"
maotoridad na saad nito

"yes boss"
simpleng saad ko kahit kinikilig na talaga ako

Nakakakilig naman kasi talaga

"NAGKITA na kayo?"
tanong ni yna sa'min

"huh? anong ibig mong sabihin?"
tanong ko

"si esang, alam kong alam niyo kung nasaan siya"
saad nito

"t-teka, wala pa kaming alam kung nasaan siya, wala pa kaming idea"
honest na saad ni frayna

tumingin naman siya kay chloe para ma-sure

"totoo yun, wala pa kaming latest contact kay Alexa"

sinuntok naman ni yna yung lamesa kaya napaigtad ako

napatingin naman sa'kin si Rome kaya napailing siya

lumapit siya kay yna tsaka inilabas muna sa sala

pagkabalik naman niya hindi na niya kasama si yna

"anyare?"
tanong ko

"pinasundo ko muna, para iuwi sa kanila"
saad nito tsaka humalik sa noo ko

"natakot ka ba sa kaniya kanina?"

"h-huh? hindi naman masyado"

umiling naman siya tsaka humalik sa noo ko

"natakot ka kanina, ramdam ko"
saad nito

huminga nalang ako ng malalim tsaka ngumiti sa kaniya

PARTNER kami ngayon ni Charlie sa science project namin kaya magkasama kami magresearch ngayon sa library

nakahinga ako ng maluwag dahil siya yung naging partner ko

mahina kasi ako sa Science
mabuti pa si Charlie
outstanding sa lahat ng subject

mapapa sana all nalang talaga ako sa talinong taglay niya

"charlie tignan mo 'to, related ba 'to sa topic na gagawin natin?"
tanong ko sa kaniya habang itinuturo yung statement mula sa libro

tinignan naman niya kaagad tsaka binasa

"oo pwede natin 'to isama"
ngiti niya

halos 1hr din kami sa library
kaya medyo masakit sa balakang

"ayos kalang ba?"
tanong niya

"ahh oo naman"
sagot ko

nagtext naman si Rome na malelate siya sa pagsundo sa'kin dahil may practice daw sila

nagreply naman ako na mauuna nalang ako dahil masakit ang likod ko

"hatid na kita?"
offer niya

"no, it's ok, kaya ko naman. thanks by the way"
ngiti ko

"i insist"
saad nito

"i resist"
ngiti ko ulit

napailing naman siya tsaka binuksan yung pinto ng kotse

"sakay na, masakit balakang mo 'diba?"
saad nito

"hayy, sige na nga"
saad ko tsaka sumakay sa kotse niya

ITINULOY nalang din namin sa unit ko yung powerpoint na gagawin namin para 'di na namin gawin kinabukasan

pumasok naman si Rome na mainit ang ulo kaya nilapitan ko kaagad siya

"you ok babe?"
tanong ko

"OK? SUMAMA KA SA IBANG LALAKI TAPOS OK?"
sigaw niya kaya napaatras ako

"bro, stop shouting at her"
singit ni Charlie

"IKAW? PUMAPAPEL KA SA GIRLFRIEND KO?"
panghahamon ni Rome

umawat naman ako sa gitna nilang dalawa, nangingilid na din yung luha ko dahil sa sigaw ni Rome

pinaka-ayaw at kinatatakutan ko talaga sa lahat yung sinisigawan ng isang lalaki

"pre, may project kami na tinatapos kaya nandito ako sa unit niya"
paliwanag ni Charlie

"bakit hindi sa bahay mo?"
sigaw ulit ni Rome

"bakit? kung dinala ko siya sa bahay ko? lalo kang maiinis diba? and worst sisigawan mo si Cyna"
mahinanong sagot ni Charlie

alam niya kasi na takot ako na sinisigawan ako

"pakialam mo ba tol? kailan kapa nagkainteres sa relasyon namin?"

"ngayong nakita kong sinisigawan mo siya"
sagot ni Charlie

"TAMA NA PLEASE!"
sigaw ko sa kanilang dalawa

hinila ko naman silang dalawa palabas ng unit ko

iniabot ko kay Charlie yung gamit niya

"umuwi na kayong dalawa, bukas nalang natin ituloy yung project Charlie"
ngiti ko

tumango naman siya tsaka naunang umalis

"at ikaw! umalis kana muna"

"ako? bakit ako aalis? boyfriend mo ako, kaklase mo lang siya, nakuha mo pang ngumiti sa kaniya"
singhal ni Rome

"Ano bang problema mo ha!?"
sigaw ko sa kaniya

"problema ko? IKAW AT SI CHARLIE"
sigaw niya sa'kin habang dinuduro ako

inis na pinagsarhan ko siya ng pinto tsaka dinouble lock yung pinto para hindi siya makapasok

tumulo naman yung luha ko dahil sa takot

s-sinigawan ako ni rome...

_________________________________________

It's Just A One Night Stand (Campus Series#3)Where stories live. Discover now