KABANATA 3

823 18 2
                                    

"PANG ilang kape mo na ba 'yan?" tanong ni captain Rio sa kaniya habang nasa steering wheel siya,

"pang lima." sagot naman niya, napatawa naman silang dalawa.

"yung Jewish na nakasama mo kagabi, hinahanap ka kay Athena" balita nito sa kaniya, napaismid naman siya

"hindi ako binuko nun, sure ako"

"malakas ka kay Athena eh" agad na tugon nito, nagpatuloy naman siya ginagawa niya saka muling sumigop ng kape,

"sa first stop natin, let's go outside for at least 3 hours lang tapos bibigyan natin ang mga pasahero ng walong oras para pumunta sa ilang lugar," pag-aya sa kaniya ni captain Rio, agad naman siyang umiling,

"nah, I'm going to the company. To check what's happening there, I haven't received any messages from the secretary."

"talagang nalilito ako sa'yo, you own this shipping company, you own hundreds of cruise ship and yet you're here, working, pwede ka naman makakuha ng babae kahit hindi mo inaaya"

"tsk, as if naman nagtrabaho ako ng ganito para lang sa babae, not in a million way" sagot naman niya, napatawa naman ito ng bahagya,

"I know, I know" ani nito, "ang akin lang, Sevida. Pwede naman hindi mo na i-stressin ang sarili mo, nagtratrabaho ka dito tas mag tatrabaho ka pa sa ship"

"it's my problem, not yours" agad na saad niya,

"kung ako ganiyan ako kayaman hindi na ako magtratrabaho, para saan pa?" muling panunukso nito sa kaniya, umiling-iling nalang siya saka nagpatuloy sa ginagawa,

"You're bragging that as if you don't knew the reason why I'm doing this" malamig na sabi niya kay captain Rio na natahimik ng ilang sandali,

"ayaw mo lang talaga masayang yung pinag-aralan mo hahahahah. Sevida..Sevida...Sevida...tsk tsk tsk" ani ni captain Rio sabay tapik sa balikat niya,

"pwede na rin" pag sang-ayon niya saka sila muling natawa, muli pa silang nag-usap tungkol sa mga bagay-bagay hanggang sa palitan siya ni captain Von sa shift niya,

Sabay sila ni captain Rio na lumabas at pumunta sa restaurant, bigla ay naalala niya ang nangyari kahapon, iyong nakabukas ang zipper niya,

"...so ayon na nga, sa next 3 hours hihinto ang cruise sa isang destination" pagtatapos ni captain Rio sa sinabi niya,

Pumili naman agad sila ng upoan, nilapitan sila ng waiter at saka naman sila um-order. Habang hinihintay ang order nila ay muli silang nag-usap ni captain Rio na nakasandal sa upoan habang siya naman ay nakapatong ang dalawang siko sa mesa at pinatong niya din baba niya sa kamay na magkahawak,

"I wonder, if I'm not a Sevida...will I be able to do all of this? like... literally all of this" wala sa sariling tanong niya,

"siguro seaman ka pa din, captain. Pero hindi ka mag mamay-ari ng companya na hawak mo, kasi diba, you inherited those company from both of your parents" sagot naman ni captain Rio, tumango naman siya saka sumandal sa upoan,

"grabe si papá, he was able to handle all our business para lang may ma inherit sa amin magkakapatid" umiling-iling na sabi niya saka tumingin sa kawalan "now, look at him, inaasikaso pa din ang iilan sa business namin sa edad niyang yun" bulalas niya pa,

"Sa dami niyong magkakapatid, natural magsisikap siya para may maiwan siya sa inyo"

bumuntong hininga siya "yeah, pero pito lang naman kami magkakapatid, lahat nakapagtapos ng pag-aaral sa magkaibang course, nakapagtayo ng kani-kaniyang business...pero si papá, may tinatrabaho pa din" ani niya,

Ocean Love Skies (Hacienda Sevida Series 3)Where stories live. Discover now