PROLOGUE

1.7K 35 8
                                    

WARNING: MATURED CONTENTS AHEAD.

KAKADAONG lang ng barko ni Erwan. He streched his arms and removes his shades. Agad niyang dinama ang hangin ng Sweden, sobrang presko at amoy na amoy niya na ang night out.

Agad niyang kinuha ang rolling bag niya at umalis sa kinatatayuan niya. Hindi rin nakatakas sa paningin niya ang mga babaeng tumitingin sa kaniya,

Bukod sa gwapo siya ay talagang nakadagdag ng kagwapohan ang sout niya. Maputi at malinis.

"See you sa next byahe natin, Sea Captain Sevida" bati sa kaniya ng isa pang captain. Agad naman siyang umismid at tumango doon.

Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa salubongin siya ng isa sa mga guardya niya at inabotan siya ng susi.

"Welcome to Sweden, Mr. Sevida. Here's your car keys and here is your key cards in your condo." Ani ng guard niya, agad naman niya itong tinanggap at nagpasalamat.

Pinindot niya naman ang remote ng sasakyan agad tumunog ang isang Audi A6 na kulay itim. Wala na siyang sinayang pang oras at agad na sumakay sa sasakyan at pinaharurot ito.

Patungo si Erwan sa bar, doon siya magsasaya at syempre, maghahanap ng babaeng mapaglalaruan. He will definetly enjoy Sweden.

Nang makarating siya sa harap ng bar ay agad niyang hinubad ang sout na uniform at pinalitan ito ng something formal. Madali nalang ang pagbibihis na yun sa kaniya, syempre lagi niya itong ginagawa. 

"Welcome Mr.Sevida" bati sa kaniya ng bouncer nang makarating siya sa bar, binigay niya sa bell boy ang susi ng sasakyan at inutosan itong i-park sa ground floor.

"Do we have to send you the girls on your VVIP room Mr.Sevida?" tanong ng manager na agad sumalubong sa kaniya, agad naman siyang napangiwi at tumango, lumapit siya sa island counter at tumingala sa sa mga wine nilang naka-display sa ibabaw.

"Ano ang bagong release ng Adives wines?" tanong niya, ang manager naman ang sumagot.

"Lá Isabellá, Mr.Sevida" sagot naman nung manager, napangiwi siya at napailing-iling sa pangalan ng wine.

"Get me 2 of those, I'll be waiting in VVIP room" utos niya sa manager, ngumiti naman ang manager at agad na tumango,

Si Erwan naman ay nilipat ang paningin sa mga babaeng dumadaan sa harap niya at sa mga babaeng sumasayaw sa stage.

"Mr.Sevida, handa na po yung mga babae" imporma ng isang staff sa kaniya, agad gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Erwan.

"Good work. Wait for me there, mag c-cr lang ako" paalam niya, tumango lang ang staff na pinoy at siya naman ay dumeretso ang lakad papunta sa CR.

Nang makapasok naman siya doon ay agad din siyang natigil nang makarinig ng mga ungol, napailing-iling nalang siya at tumalikod. Bigla naman siyang may nabangga dahilan para matalisod ang babae at muntikan pang matumba, buti nalang at nasalo niya.

"Pasensya na" agad na sabi ng babae sabay pagpag sa damit niyang natapunan ng wine, napataas naman ang kilay ni Erwan.

"Pinay ka" komento ni Erwan, nag-angat naman ng tingin sa kaniya ang babae dahilan para matigilan siya at mamangha. Hindi lang katawan ang maganda dito kundi pati boung pagmumukha.

"Oo, pinoy ka din ba?" tanong ng babae, agad siyang pinilig ang ulo at pilit na binalik sa huwisyo ang sarili.

"Yup. At, para malaman mo lang, CR ng mga lalaki 'to, ano bang ginagawa mo dito?" tanong niya sa babae, agad naman ngumiti ang babae sa kaniya dahilan para mapansin niya ang sobrang ganda ng ngipin nito,

Ocean Love Skies (Hacienda Sevida Series 3)Where stories live. Discover now