KABANATA 37

602 16 1
                                    

NAKATITIG lang si Erwan sa dalawang maliit na kabaong nasa harap niya. His eyes are swollen, wala na yatang luha na lalabas dahil sa panay ang iyak niya, his angels are peacefully sleeping at their coffin.

Tinapik naman ng kapatid niyang si Erlane ang balikat niya saka ito bumuntong hininga.

"I never thought na ganito ang aabotin ng twins. I'm sorry kuya" ani ni Erlane, nanatili naman ang tingin niya sa kabaong na nasa harap niya, nang hindi makakuha si Erlane ng sagot mula sa kaniya ay lumakad ito palayo saka naman pumalit ang kuya Earth niya.

"You did nothing wrong" ani ng kuya niya, napalunok naman siya nang maramdaman na maiiyak na naman siya,

"it's not easy and it's painful for you...but you have to be strong, kailangan ka ni Veronica" ani ng kuya niya, marahan naman siyang napatango,

"how is she?" tanong niya, bumuntong hininga naman ang kuya niya,

"she's not eating anything, she was just staring blankly outside. Nakaupo sa kama at hindi umiimik. I'm sure it's painful for her" ani ng kuya niya, umakyat naman ang pag-aalala niya,

"She needs you, Erwan. Try to convince her to at least watch the twin before they could even leave this world, if you know what I mean" ani ng kuya niya, pagtutukoy nito sa pagpapa cremate bukas kina Luna at Stella,

"I'll try" ani niya, tumango naman si Earth.

Sinunod niya ang sinabi ng kuya niya, ngayon ay naglalakad siya papunta sa kwarto niya kung saan nanatili si Veronica.

Hindi pa man siya tuloyang nakarating doon ay nakita niyang lumabas si Caroline habang dala ang tray, nanghina siya nang makita na hindi man lang ito nagalaw,

Nang tingnan niya si Caroline ay umiling lang ito sa kaniya. Lumunok siya saka hinayaan na lagpasan siya ni Caroline.

Ilang minuto siyang nakatayo sa harap ng kwarto niya kung saan naroroon si Veronica. Nagdadalawang isip siya kung papasok ba siya para i-comfort si Veronica o hahayaan nalang muna itong mag-isa,

Sa huli ay pumasok siya. Agad niyang nakita si Veronica na nakaupo lang sa kama at nasa labas ng bintana ang tingin,

Marahan at tahimik siyang naglakad papalapit kay Veronica, umupo siya sa may gilid na bahagi ng kama, kaharap ni Veronica, pareho silang nakatingin sa labas ng bintana, malalim ang iniisip,

"Alam mo..." bigla'ng pagsasalita ni Veronica...napalingon naman siya roon, Nakapatong sa nakataas na tuhod nito ang kaniyang ulo habang ang mga braso nito ay kayakap ang mga tuhod, animong batang nagmumukmok sa isang gilid,

"kahit maputla at nangigitim na si Luna at Stella...nakita ko ang detalye ng mga mukha nila" nakangiti ngunit mababasa ang sakit mula roon,

Nakatingin pa din si Veronica sa labas ng bintana habang siya naman ay nakatitig dito at animong kahit ano'ng oras iiyak siya sa iba pang sasabihin ni Veronica,

"nakuha nila ang matangos na ilong mo, maging ang natural na mapulang labi mo ay nakuha din nila...iyong kilay naman sa akin" dagdag nito sa kaniya, napalunok siya saka napatingin din sa labas ng bintana,

"napaisip tuloy ako...ano kaya ang kulay ng mga mata nila? gusto ko din sana marinig iyong unang iyak nila" ani pa ni Veronica, nanatili naman siyang tahimik at nakikinig,

Maging siya ay napaisip sa sinabi ni Veronica. Ano nga kaya ang kulay ng mga mata ng mga anak nila o ano kaya ang boses nila kapag umiiyak,

"Erwan..." tawag sa kaniya ni Veronica, napalingon naman siya dito saka niya nakita ang maluha-luhang mata ni Veronica, namuo naman ang mga luha niya at wala sa sariling hinawakan ang kamay ni Veronica,

Ocean Love Skies (Hacienda Sevida Series 3)Where stories live. Discover now