KABANATA 5

742 22 0
                                    

"Sir, we have to declare an emergency landing on Visby, Airport. It is located in an Island on Sweden named Gotland. Masyado na po kasing malakas ang ulan at hangin" sabi sa kaniya ng flight attendant sa private airplane nila, agad naman siyang tumango.

"Yeah, no problem, I'll find my way to cross the sea. I really need to go at Stockholm, Sweden. But of course, we need to be safe." ani niya, ngumiti naman agad ang flight attendant.

"Copy sir, I'll tell captain Xin immediately" tugon nito, tumango naman siya saka muling nagbasa ng dyaryo.

Panay din ang check ni Erwan sa relo niya, tiningnan ang oras. Ilang oras pa ang nakalipas at inanunsyo ng flight attendant ang pag landing nila, hindi rin nagtagal ay naglanding na ang pribadong eroplano nila na ginamit niya, alam niyang pagod ang boung crew kaya naman ay kinausap niya agad ito nang humilera ito sa labas ng eroplano kagaya ng utos niya,

"Ahm, I have booked you in Sevida Hotel somewhere around here, you will be having maybe 2-3 days of layover or whatever you call that. Get some rest, we had a very long flight. I know you all are tired. Just rest," bilin niya sa captain at cabin crew nila, inabotan naman niya ang isang flight attendant ng presents and gifts at inutos na ibigay sa iba ang kanila, agad naman itong ngumiti ng malaki saka nag bow ng bahagya sa kaniya,

"Thank you, Mr. Sevida" pagpapasalamat nito, ngumiti naman agad siya saka sinout ang shades, sumalubong naman sa kaniya ang secretary niyang si Peter na agad siyang inalalayan pumasok sa sasakyan.

"Let's go straight to the seaport, Rent me a yacht. I need those" utos niya agad kay Peter na napamaang pa,

"but sir, masyado pong malakas ang hangin" pagtatagalog nito, Peter was his secretary in Philippines back then, but Peter wished to be transferred in Sweden for some personal reasons kaya naman nagtatagalog ito,

"I know, Peter. Kapag nagpabukas pa tayo bagyo na 'yan mas lalo'ng hindi ako makakapunta sa Stockholm" ani niya, napatikom naman ang bibig nito kapagkuwan ay sinunod ang gusto niya, komportable siyang sumandal sa upoan ng sasakyan at tinanggal ang shades, ilang saglit pa ay nagsalita si Peter,

"unfortunately,sir. Walang nagpaparenta ng yacht sa araw na ito..."

"then let's buy one" agad na tugon niya, tumaas naman ang pareho'ng kilay nito, tila hindi makapaniwala sa sinabi niya,

"parang kanina lang nagpabili ka ng bago'ng sasakyan..." bulong nito na narinig naman niya,

"but how did you even traveled here? I mean...from Stockholm to Gotland...at Visby Airport?" tanong niya,

"using ferries, sir" sagot nito,

"then let's use one"

"of course sir, I'll book you a ticket right away" agad na tugod nito, agad naman nangunot ang noo niya,

"why is that?" takhang tanong niya,

"ahm, I was just scared you'll definitely use a yacht... it's extremely dangerous. We'll take 6 hours and 24 minutes of travel, sir" ani nito,

"then why didn't you tell me about the ferries? kung hindi ako nagtanong hindi mo sasabihin"  animong nagmumokmok na sabi niya,

"because I know you'll just respond with 'hindi kita tinatanong', Sir. Because you think you knew everything"

"is that an insult, Peter?" agad na tanong niya,

"no, sir. A truth" sagot agad nito, kumunot naman ang noo niya kapagkuwan ay sumandal nalang sa inuupoan at pumikit.

"pasalamat ka pagod ako, tsk." ani niya saka nanahimik na, ganoon din naman ang ginawa ng secretary niya,

Ilang oras pa ang nakakalipas at nagising siya mula sa mahabang tulog. Minulat niya ang kaniyang mga mata at base palang sa galaw ng sasakyan ay sigurado na siyang nakasakay na sila sa ferry.

Ocean Love Skies (Hacienda Sevida Series 3)Where stories live. Discover now