KABANATA 45

600 16 7
                                    

KINABUKASAN, nang magising si Erwan ay mabilis na dumako ang tingin niya kay Veronica na mahimbing pa'ng natutulog.

Nang i-check niya ang oras ay napabangon na siya agad. Alas tres y medya nang madaling araw pa, may oras pa siya para ipagluto ito ng almusal,

Marahan siyang bumangon sa kama, kinumotan niya naman si Veronica.

He quickly went out of his room. He needs to cook for his beloved girlfriend.

Malaki ang ngiti niya habang naglalakad siya papunta sa kusina. Hindi pa man siya nakakarating sa kusina ay agad na nangunot ang noo niya nang makaamoy ng mabangong aroma,

Nagmadali siya sa paglalakad at nang makapasok siya sa kusina ay nakita niya si manang Edang na nagluluto,

"manang Edang?" hindi makapaniwalang tawag niya dito. Liningon naman siya ni manang Edang na siyang naghihiwa ng manok,

"oh? gising ka na pala, iyong nobya mo? gising na ba?" tanong agad nito, bagama't nagtataka ay umiling siya saka naglakad palapit dito,

"ahm, not yet" sagot niya, tumango naman ito saka tinabi ang hiniwang manok,

"maaga po kayo? you usually cook breakfast for us when the clock strikes 6." kapagkuwan ay takhang tanong niya, siniplatan lang siya ng tingin ni manang Edang saka kumuha ng sibuyad at hiniwa ito,

"Papaano ay maaga akong pinapunta ni Don Rafael dito, ang balita niya sa akin ay magluto ako ng agahan niyo ng nobya niyo dahil maaga daw ang alis niyo" sagot nito, bahagya naman siyang nagulat dahil don,

"he did?" tanong niya, tumango lang si manang Edang saka nagpatuloy sa paghiwa ng papaya

"can I help you?" tanong niya dito, tiningala naman siya ni manang Edang dahilan para makaramdam siya ng takot bigla,

"alam niyong ayaw na ayaw ko may tumutulong sa pagluluto ko, tigas talaga ng ulo" asik sa kaniya ni manang Edang, kumisap-kisap naman ang mata niya saka tinaas ang dalawang kamay animong surrender na siya,

Napailing-iling nalang si manang Edang saka tinabi ang sibuyas.

"Ano po lulutoin niyo manang Edang?" tanong niya,

"Tinolang manok," sagot ni manang Edang tumango naman siya saka siya naglakad papalapit sa ref para kumuha ng prutas,

"Manang Edang, how do you know she's my girlfriend?" bigla ay tanong niya nang makakuha ng prutas, sinara niya ang ref at hinintay ang sagot ni Manang Edang,

"I haven't announced it yet." ani niya, tinapos naman niyo ang paghihiwa saka humarap sa kaniya sabay abot sa mga seasonings,

"Hindi ka nagdadala ng babae sa mansion maliban nalang kung nobya mo ito, Erwan." sagot nito sa kaniya saka muling bumalik sa pagluluto,

"Alam ko na babaero ka pero alam ko din ngayon na seryoso ka lalo na sa babaeng iyan" sagot nito, napangiti naman siya saka sumandal sa kitchen island sabay subo ng grapes,

"sa totoo lang mas gusto ko pa yang babaeng yan kesa dun sa isa eh, iyong...ano nga pangalan non?" tanong nito sa huli napaismid naman agad siya saka hindi na sinagot si manang Edang,

"basta iyong demonyita. Nako, naiinis ako don, kumukulo dugo ko kapag naaalala ko yun" bulalas nito, hindi naman siya umimik saka tumayo para kumuha ng tubig,

"Tahimi ka ata?" nagugulat na tanong ni manang Edang nang mapansin na hindi siya sumasagot,

"Ayoko siya pag-usapan" sagot niya saka uminom ng tubig. "balik muna ako sa kwarto manang, baka gising na si Veronica" kapagkuwan ay paalam niya saka naglakad pabalik sa kwarto,

Ocean Love Skies (Hacienda Sevida Series 3)Where stories live. Discover now