KABANATA 53

571 13 1
                                    

PABALIK-BALIK ang lakad ni Erwan sa harap ng banyo ng gasolinahan kung saan sila nagpapagasolina at kung saan ite-take ni Veronica ang pregnancy test,

"damn it..." bulalas niya dahil sa nerbyos na nadarama,

Nang bumukas naman ang pinto ng banyo ay agad niyang sinalubong si Veronica na siyang may hawak ng pregnancy test sa kamay,

"kailangan natin maghintay ng limang minuto...bago malaman ang resulta" ani ni Veronica, tumango naman siya kay Veronica,

"that's okay..." ani niya sabay lakad paroon at parito, ganoon din ang ginawa ni Veronica.

Lumipas ang ilang minuto at agad na huminto si Veronica sabay abot sa kaniya ng pregnancy test.

"I-ikaw na ang tumingin..." ani niya kay Veronica na agad na nilagay sa kaniyang kamay ang pregnancy test,

"ikaw na, n-natatakot ako...k-kinakabahan ako" bulalas ni Veronica, binalik naman niya kay Veronica ang pregnancy test,

"ikaw na, please... I'm nervous too" ani niya kay Veronica na akmang iaabot sa kaniya ang PT nang may biglang bumangga sa likod ni Erwan dahilan para mapunta siya kay Veronica at mahulong ang PT.

"shit!" bulalas niya,

"pasensya na sir" agad na paghingi ng tawad ng gasoline boy na siyang nakabanggang sa likod niya, binalewala niya iyon saka tiningnan si Veronica

"are you okay?" tanong niya kay Veronica na siyang nakatingin sa baba,

"Veronica, I am asking if you're okay?" muling tanong niya kay Veronica na siyang napatabon sa bibig habang ang paningin ay nasa baba pa din,

Sinundan naman niya kung saan nakatingin si Veronica at nahinto siya nang makitang ang PT iyon,

Hindi niya makita kung ano'ng resulta kung kaya't marahan niya itong pinulot.

nanlaki naman agad ang mga mata niya nang makita ang dalawang pulang linya sa pregnancy test, binalingan niya ang tingin si Veronica na naluluhang tumingin sa kanya,

"p-positive..." bulalas niya, tumango-tango naman si Veronica saka agad siyang niyakap,

Napayakap siya pabalik kay Veronican saka niya sinubsob ang mukha sa leeg nito,

Ngayon lang niya muling naramdaman ang ganitong tuwa...naluluha siya sa sobrang saya, hindi siya makapaniwala...

"ang saya ko....ang saya saya ko" naiiyak na bulalas ni Veronica habang magkayakap sila, tumango naman siya saka kinalas ang yakap nilang dalawa ni Veronica,

Hinawakan niya magkabilang pisngi ni Veronica saka pinahid ang mga luha nito gamit ang hintuturo niya.

“I am more than happy, mon amour” ani niya kay Veronica.
Napansin naman niyang natigilan si Veronica, tinaggal nito ang mga kamay niyang nakahawak sa magkabilang pisngi nito,

“Pero paano si Alyana? Yung bata?” sunod-sunod na tanong nito sa kaniya, napalunok naman siya saka nagbaba ng tingin sa kamay niyang hawak ni Veronica,

“huwag kang mag-alala, pipiliin at pipiliin kita, kayo ng magiging anak natin…” ani niya kay Veronica “pero hindi pwede na basta ko nalang hayaan sina Alyana at ang bata, sana maintindihan mo…” dagdag niya, tumango naman si Veronica saka umiwas ng tingin,

“sige..naiintindihan ko” ani ni Veronica “punta na tayo sa sementeryo” pag-aya nito, tumango naman siya,

Nagpaumunang lumakad pabalik sa sasakyan si Veronica habang siya naman ay nakatingin lang sa likoran nito. Lalo naman siyang nalilito sa kung ano ang gagawin. Sakto namang nag-ring ang cellphone niya at agad niya ding siangot ito nang makitang si Peter ang tumatawag,

Ocean Love Skies (Hacienda Sevida Series 3)Where stories live. Discover now