KABANATA 42

606 13 2
                                    

ERWAN went back to his office with a wide smile on his face. Peter was just looking at him, confused of what's happening to his boss.

Umupo siya sa swivel chair niya saka siya nagpakawala ng buntong hininga. He closed his eyes while remembering their conversation,

"Let me court you, Veronica" ani niya, halata namang nagulat si Veronica dahil sa biglaang sabi niya,

Lumunok naman siya saka umayos ng upo. Hindi niya alam kung ano'ng dapat sabihin matapos nung sinabi niya, tuloyan silang binalot ng nakakailang na katahimikan.

"I mean...would you let me court you?" pag-ulit niya sa sinabi niya, muli silang binalot ng katahimikan,

Hindi niya alam kung ano'ng iniisip ni Veronica sa oras na ito. Bumuntong hininga siya saka hinarap si Veronica at walang ano-ano'y hinawakan ang kamay nito,

"No, let me change that" ani niya saka hinimas ang kamay ni Veronica gamit ang hinlalaki,

"whether you like it or not...I'm gonna court you, I will do my very best to get the yes from you, Veronica. This is a bit too late for us, but I still believe that you deserve a proper courtship...you're the best girl that I've ever known, you already experienced hell...but I won't let that happen again, you deserve the world,  you deserve to be happy...you deserve me" mahabang sabi niya, tiningnan naman siya sa mga mata at animong binabasa kung sinsero ba siya o hindi sa sinasabi,

"paano mo naman nasabi na deserve kita?" tanong nito sa kaniya dahilan para magulat siya,

"no...In fact, you don't deserve a bullshit like me, you're an angel, I am a demon...you deserve more and more and more...but one thing is for sure, Veronica..."

"ano yun?"

"that I will strive harder to become a better for you...so that I am deserving to have you" sagot niya,

Ngumiti si Veronica saka hinawakan siya sa pisngi, pinakititigan siya nito dahilan para tumambol ng kaylakas ang puso niya,

"Sige...pumapayag ako" ani nito, dahilan para ikatuwa niya nang lubosan.

"...Sir?" agad naman siyang bumalik sa realidad nang marinig si Peter na tinawag siya,

"ah,ehem..sorry, ano ulit yun?" ani niya sabay pilig sa ulo, narinig naman niyang bahagyang tumawa si Peter.

"Sabi ko, maaga mo natapos ang pagpirma sa mga documents, may meeting ka with the board members tomorrow at 9 am." ani nito, tumango-tango naman siya,

"Alright," tugon niya,

"may ipapagawa ka ba sa akin bago tayo umuwi sir?" tanong nito, nag-isip naman agad siya saka siya napangiti nang may naisip na ideya, sinabi niya iyon kay Peter na agad naman tumango at umalis,

Nang makaalis si Peter ay saka naman nag ring ang cellphone niya, sinagot niya agad ito nang makitang ang kuya Earth niya ang tumatawag,

"Yes? how can I help you?" tanong niya agad,

"We have to talk about papá" ani ng kuya niya, napatango-tango naman siya nang makuha niyang nalaman na ng mga kapatid niya ang travel history ng papá nila,

"Papunta na ang iba dito, tatlo kami naghihintay sa inyo dito. Earl and Erlane are here" dagdag ng kuya niya,

"Alright, I'll be there in an hour" ani niya pa saka binaba ang tawag.

Ocean Love Skies (Hacienda Sevida Series 3)Where stories live. Discover now